Tinalo ng [**
**](http://www.chargers.com/) ang Oakland Raiders sa iskor na 24-16 sa Qualcomm Stadium ng San Diego sa Linggo 8 ng 2009 Regular Season.
Piniling mag-receive ng bola ang Raiders nang manalo sa opening coin toss at si CB/KR [Jonathan Holland*ang sumalo sa sipa ni K Nate Kaeding. Kanyang ibinalik ang bola sa Oakland 28. Maganda ang umpisang atake ngunit nahinto ito nang ma-intersep ang pasa ni QB [JaMarcus Russell *ni CB Antonio Cromartie. Nag-take-over ang Chargers sa kanilang 41.
Umatake ang Chargers at pagkaraan ng dalawang play, tumanggap ng direct snap si RB LaDainian Tomlinson at lumusot ng 6 yarda hanggang sa endzone. Pasok ang extra point ni Kaeding at lumamang ang San Diego ng 7-0 sa 11:13 sa orasan ng 1st kuwarter.
Na-three-and-out ang Oakland sa sumunod na posesiyon, at gayundin na nag-punt ang Chargers kahit na umabot sila sa mid-field. Na-three-and-out muli ang Raiders.
Umatake muli ang Charges, pero na-intersep ni CB [Chris Johnson*ang isang pasa ni QB Philip Rivers para kay WR Vincent Jackson at nag-take over ang Raiders sa Chargers 27. Inabot ng 7 play at 27 yarda na tinampukan ni RB [Justin Fargas nang lusotin nya ang 3 yarda para sa touchdown. Kasama ang extra point ni K [Sebastian Janikowski *nagtabla sa 7-7 ang dalawang team sa ika-13:40 ng 2nd kuwarter.
Sumagot ang Chargers ng isang atake na tinapos ng isang maikling pasa ni Rivers para kay WR Vincent Jackson at umiskor ng touchdown. Dagdag dito ang extra point at lumamang muli ang San Diego ng 14-7 sa 6:09 ng 2nd kuwarter.
Na-three-and-out ang Oakland at sa sumunod na posesiyon ng Chargers ay umabante sila ng 80 yarda sa loob ng 8 play. Nang 54 segundo na lamang ang nalalabi ay umiskor muli ng touchdown si Tomlinson, at ang lamang nila ay 21-7 na.
Ibinalik ni Holland ang kickoff ng 60 yarda hanggang sa Chargers 37. Bumawi ang Raiders at sa field goal ni Janikowski mula sa 48-yarda ay binawasan ang lamang ng Chargers sa 21-10 at meron labing-isang sandali lamang ang 1st half. At inupuan na lamang ng Chargers ang mga nalalabing sandali.
Sa opening drive ng Chargers sa 2nd half, matatag na dinepensahan ng Raiders ang linya at napilitang mag-punt si Scifres.
Maganda ang pagbalik ni [Johnnie Lee Higgins* *at kasama ang penalty laban sa San Diego, nag-umpisa ang atake ng Raiders sa kanilang 47. Umatake ng 8 beses ang Pilak at Itim at umabot ng 29 yarda, at sa layong 42 yarda ay kayang-kayang sinipa ni Janikowski ang field goal. Nabawasan ang lamang ng Chargers sa 21-13 at meron pang 9:09 sa 3rd kuwarter.
Kahit na naibalik ni Sproles ang kickoff sa San Diego 38, naging matigas ang depensa ng Raiders at isang down lamang ang kanilang nakuha bago napilitang mag-punt si Scifres. Hindi rin naka-abante ang atake ng Raiders kaya nag-punt din sila.
Si Sproles muli ang sumalo sa punt pero na-fumble niya ang bola at naagaw ng Raiders sa Oakland 47. Sinamantala ng Raiders ang pagkakamaling ito at sa loob ng 11 play at 43 yarda, umabot sila sa 10 yardline bago endzone. At mula sa 28 yarda, sumipa si Janikowski ng isang field goal, at kaya nang abutin ang lamang ng Chargers sa 21-16 at meron pang 12:39 sa laro.
Nguni't sa sumunod na drive ng Chargers, umabot ng 83 yarda ang abante nila sa loob ng 15 play at kumunekta si Kaeding ng 27 yarda na field goal. Ang lamang ng Chargers ay 24-16 at 4:43 na lamang ang 4th kuwarter.
Ibinalik ni Holland ang kickoff sa Oakland 26. Subali't sa huling atake ng Raiders ay nabigong i-convert ang 4th and 20 mula sa kanilang 46, at 54 segundo na lamang ang nalalabi sa laro.
Bumaba sa 2-6 ang rekord ng Raider sa season na ito at bye sila sa susunod na linggo. Paghahandaan ng Raiders ang Chiefs sa Oakland-Alameda County Coliseum sa Linggo, ika-15 ng Nobiyembre.