Skip to main content
Raiders
Advertising

Dennis Allen Ipinakilalang Head Coach

013012-allen-story.jpg


Pormal nang ipinakilala si Dennis Allen na Head Coach ng The Oakland Raiders noong Lunes, ika-30 ng Enero, 2012.

Si Allen ay ang pang-18 na head coach sa 52 taon na kasaysayan ng Oakland Raiders. Sa edad na 39, si Allen ay ang pinakabata sa mga kasalukuyang head coach sa NFL.

"Nang tukuyin ko ang hinahanap kung tao, sinabi ko na ang hinahanap ko ay ang tao na makapagdadala ng team, at matindi ang damdamin sa paglalaro, at matindi ang damdamin sa pagtuturo, at matindi ang damdamin para sa Oakland Raiders, " sabi ni General Manager Reggie McKenzie. "Hindi lang pinatunayan ni Coach Dennis Allen sa akin, kundi hinigitan pa niya ang aking pag-akala. Si Coach Allen ay napakatalino, at napakalalim. Nasa isang bagay lamang ang kanyang pokus, at iyan din ang pinopokus namin, at iyan ang pagpapanalo ng mga Kampeonato."

Eksayted si Allen na maging bagong head coach ng Oakland Raiders. "Isang napakalaking pagkakataon ito para sa akin at sa aking pamilya na makasama sa ganitong mahusay na organisasyon," sabi ni Coach Allen. "Ito ay isang napakagaling na organisasyon sa tagal na ng panahon. Malaking pribilehiyo at karangalan para sa akin na maging susunod na Head Coach, ang pang-18 na Head Coach ng Oakland Raiders."

Si Allen, 39 anyos, ay meron 16 taon na karanasan sa pag-coach sa kolehiyo at sa putbol na propesyonal, kasama rito ang 10 taon bilang NFL assistant. Isa siya sa coaching staff ng mga teams na nanalo ng apat na titulo sa kanilang dibisyon—Denver, 2011; New Orleans, 2009, 2006; Atlanta, 2004—at sa mga team na umabot sa postseason playoff sa dalawang seasons—2010 at 2002.

Si Allen ay ang pangalawang pinakabatang defensive coordinator sa NFL nang kunin siya sa Denver Broncos noong nakaraang taon. Nakatulong siya sa pagkapanalo ng Broncos sa titulo ng American Football Conference Western Division at sumulong sila para sa AFC Divisional nang magtagumpay sila sa wild card round ng postseason.

Sa kanyang isang taon na defense coordinator sa Denver, ang Broncos ay umakyat ng 12 na posisyon mula sa nakaraang taon sa overall defensive ranking (mula pang-32 at naging pang-20) at gumana rin sila sa points allowed ng 8 na posisyon sa ranking (mula pang-32 naging pang-24).

Bago siya sumama sa Broncos, si Allen ay assistant coach ng limang season sa New Orleans, unang-una bilang assistant defensive line coach noong 2006-07, at pagkatapos ay Saints defensive backs coach noong 2008-10.

Sa ilalim ng direksiyon ni Allen, ang Saints secondary ay nalusotan ng 13 touchdown passes lamang at ito ay pinakamababa sa NFL, habang sila ay pang-apat sa NFL sa net passing yards per game (193.9) noong 2010.

Si Allen ang nagturo sa secondary na siyang gumanap ng malaking parte sa pagkapanalo ng Saints sa kanilang unang tagumpay sa Super Bowl (XLIV). Ang mga bata niya ang umagaw ng 6 intersepsiyon para sa TD na siyang pinakamarami sa NFL at bumubuo din ng 22 pick patungo sa kanilang kampeonato. Isa sa kanyang tinuruan, si cornerback Tracy Porter ang nagseguro sa kanilang tagumpay na  31-17 laban sa Indianapolis sa kaniyang 74-yarda na intersepsiyon para sa TD sa dulo ng laro.

Siya rin ang nag-coach kay safety Darren Sharper, na siyang tumabla sa pinakamaraming intersepsiyon (9) sa  NFL noong 2009 at sinamahan si safety Roman Harper upang maging kauna-unahang magkapares na defensive backs sa kasaysayan ng franchise na pumasok sa parehong Pro Bowl.

Si Allen ay tumulong sa pagtuturo ng Saints defensive line noong 2006-07, at noon ay napili si defensive end Will Smith sa Pro Bowl ng 2006 nang gumawa siya ng 10.5 sacks at nakapuersa ng tatlong fumble.

Pumasok siya na mag-coach sa NFL sa Atlanta noong 2002, at apat na season siya sa Falcons na defensive assistant. Nang siya ay nasa Atlanta, ang Falcons ay nag-qualify sa playoffs ng dalawang beses—bilang wild card sa 2002 at kampeon ng NFC South noong 2004—at umabot din ng NFC Championship noong 2004.

Ang unang dalawang taon ni Allen sa Atlanta ay nagamit sa pag-coach ng defensive backs at noong 2002 ay nag-improve ang Falcons mula sa No. 30 at naging No. 16 at tumabla sila sa third place sa NFL sa kanilang 24 intersepsiyon.

Sa huling dalawang taon niya sa Atlanta, si Allen ay tumulong sa coaching ng mga defensive line at ang produkto niya ay pumasok sa Pro Bowl, si Patrick Kearney (2004) at Rod Coleman (2005).  Noong 2004, ang defensive line ng Falcons ay gumawa ng 48 sacks na pinakamarami sa NFL (48) sa kaunanahang beses sa kasyasayan ng team.

Nagsimula si Allen sa coaching noong 1996 bilang graduate assistant sa kanyang alma mater, Texas A&M, kung saan 4 na taon siyang tumanggap ng parangal na letra bilang  safety. Nag-coach siya ng mga defensive back ng apat na taon bago siya nag-coach ng secondary sa University of Tulsa noong 2000-01.

Si Allen ay pinag-agawan na ma-recruit na defensive back mula sa L. D. Bell High School sa Hurst, Texas bago siya sumunod sa tatay niya, si  Grady Allen patungo sa Texas A&M. Si Allen ang naging istarter sa kanyang huling 21 games at kasama sa kinikilalang pangunahing Texas A&M "Wrecking Crew" defense.

Ang katutubong galing sa Atlanta ay pumirma sa Buffalo na undrafted college free agent noong 1996 at nag-training camp sa Bills. Ang tatay niya ay naglaro sa NFL bilang linebacker para sa Falcons noong 1968-72.

Si Allen at ang kanyang maybahay na si Alisson, ay meron mga anak na si Garrison at si Layla.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising