Skip to main content
Raiders
Advertising

Dinaig ng Broncos ang Raiders, 37-6

093012-moore.jpg


Nanalo ang Raiders sa pambungad na coin toss at kanilang ipinagpaliban ang pagpili nila sa 2nd half. Na-touchback ang opening kickoff ni K Sebastian Janikowski nang lumipad ang bola sa likuran ng end zone. Si QB Peyton Manning ang istarter ng Broncos, at agad niyang dinala ang mga Broncos ng 80 yarda at tinapos niya ng 22 yarda na pasa kay TE Joel Dreesen para sa TD. Pumasok din ang extra point ni K Matt Prater at lumamang ang Denver ng 7-0 sa 10:32 ng unang kuwarter.

Ang kasunod na kickoff ni Prater ay na-touchback at si Carson Palmer ang pumasok na quarterback. Umabot ang kanilang pagsugod sa Denver 20 at sa distansyang 38 yarda ay ipinasok ni Janikowski ang field goal kaya ang lamang ng  Broncos ay nabawasan sa 7-3 sa 6:47 ng 1st kuwarter.

Na-touchback muli ang kickoff ni Janikowski at nag-umpisa ang atake ng Denver sa kanilang 20. Napigil ng Raiders ang pagsugod ng Denver sa kanilang 3 yardline at sinipa ni Prater ang maiksing 21 yarda na field goal. Pumasok ito at 10-3 na ang lamang ng Denver bago nagtapos ang unang kuwarter.

Si RB Mike Goodson ang sumalo sa kickoff ni Prater na lumampas ng 9 yarda sa endzone at lumuhod si Goodson para sa touchback. Sumugod ang Raiders at lumampas sila sa midfield, ngunit dahil sa penalty at isang sack kay Palmer, nahinto ang drive nila. Nag-punt si P Shane Lechler at sinalo ito ni FS Jim Leonhard ngunit pinabagsak siya ni RB Taiwan Jones sa Denver 7.

Paghawak ng bola ng Broncos, nakalusot nang malayo si WR Demaryius Thomas pero hinabol siya ni SS Tyvon Branch at napuersang ma-fumble ang bola, at na-agaw ito ni DE Lamarr Houston para sa Raiders. Na-three and out ang Raiders at nag-punt si Lechler. Pinabagsak ni Jones si Leonhard sa Denver 33. Sumugod ang Denver hanggang sa pook ng 54-yarda na field goal, at nagkunyari na sila ay sisipa nga ng field goal, at nagtankang ipasa ni Prater ang bola, ngunit hindi nakumpleto kaya nag-take over ang Raiders sa kanilang 36.

Umabot ang atake ng Raiders sa loob ng teritoryo ng Denver at sumipa si Janikowski ng 24-yarda na field goal kaya nabawasan ang lamang ng Broncos sa 10-6 sa huling 22 sandali ng 2nd kuwarter.

Ang opening kickoff ni Prater sa 2nd half ay lumipad sa end zone para sa touchback. Na-three and out ang Raiders at nag-punt si Lechler, na sinalo ni Leonhard sa Denver 21.

Dinala ni Manning ang Broncos ng 79 yarda sa loob ng 9-play, at tinapos niya ng 17-yarda na pasa kay WR Eric Decker para sa TD. Pumasok ang extra point at lamang na ang Denver ng 17-6 sa 10:08 ng 3rd kuwarter.

Ang kasunod na kickoff ay touchback muli at gayundin na three and out ang Raiders. Naharang ang punt ni Lechler at nagsimula ang Denver sa Raiders 18. Ilang play lamang at umiskor si RB Willis McGahee ng 2-yarda na touchdown. Lumamang ang Denver ng 24-6 sa 7:30 ng 3rd.

Touchback muli ang kickoff ni Prater at three and out pa rin ang Raiders. Pagkaraan ng punt ni Lechler nagkasala si Goodson ng facemask penalty at nagsimula ang Broncos sa 37.    

Umiskor ang Broncos ng touchdown nang pasahan ni Manning si RB Lance Ball sa huling 14 yarda. Kasama ang extra point ay 31-6 na ang lamang ng Denver sa 3:46 ng 3rd kuwarter.

Three and out muli ang Raiders at ang punt ni Lechler ay dinala sa Denver 31. Napigil sila ng depensa ng Raiders pero umiskor ang Broncos ng 43-yarda na FG at lumamang ng 34-6 ang Broncos sa 12:56 ng 4th kuwarter.

Touchback muli ang kasunod na kickoff at nakakuha ng 1st down ang Raiders sa magandang pasa kay WR Denarius Moore. Napuersa silang nag-punt at ibinalik ni Leonhard ang bola sa  Denver 24.

Isa pang field goal ang sinipa ni Prater at ang iskor na ay 37-6 para sa Denver sa huling 3:43 ng laro. Sumugod ang Raiders pero hindi sila naka-iskor nang mabigo sila sa 4th and 18 sa loob ng teritoryo ng Broncos. Paghawak nila ng bola, inubos na lang ng Denver ang orasan.

Bumaba sa 1-3 ang record sa season ng Raiders at sila ay walang laban sa darating na bye week. Sa Linggo 6 dadayo ang Raiders sa Atlanta upang harapin ang Falcons.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising