Pinapirmahan ng kontrata ang free agent linebacker na si Philip Wheeler, upang maglaro sa Oakland Raiders. Si Wheeler, na may edad beinte siyete, ay naka-apat na season sa Indianapolis Colts, na kung saan siya naglaro ng 61 games at 24 beses na bilang istarter. Nakabuo siya ng 220 tackles (solo niya ang 141), naka-dalawang sack, nadepensahan niya ang dalawang pasa, at namuersa ng dalawang fumble, sa apat na season na nangampanya siya sa propesyonal putbol.
"Eksayted kami na madagdagan nang isa pang beterano ang aming pulutong ng mahuhusay na mga linebackers," sabi ni Raiders General Manager Reggie McKenzie. "Ibibigay niya sa amin ang pagka-atletiko at kahusayan. Isa siyang manlalaro na meron maraming kakayahan".
Siya ay 6-2 at may timbang na 240 libra at noong nakaraang taon ay naglaro ng 13 games at 11 nito bilang istarter, at gumawa siya ng 84 na tackle. Gumawa rin siya ng isang sack at namuersa ng isang fumble. Sa mga naunang mga season, si Wheeler ay naglaro ng 16 games, anim bilang istarter noong 2010 at pitong istarter noong 2009. Nakapaglaro na rin siya sa limang playoffs, at napili siyang istarter sa tatlo nito, kasama ang pag-istart niya sa Super Bowl XLIV.
Siya ay tubong Columbus, Ga, at apat na taon na letter-winner siya sa Georgia Tech, at naging istarter siya sa 38 ng 51 games. Pumasok siya sa Colts sa ika-3rd round ng draft.