Pinili ng Raiders si WR[Juron Criner* *mula sa Arizona sa 5th rawnd ng 2012 NFL Draft. Photo courtesy of the Univeristy of Arizona.
JURON CRINERWide Receiver
University of Arizona
6-2, 220
Las Vegas, Nev.
Canyon Springs High School
NAKATALANG KARERANaging istarter si Criner sa 31-ng-50 games sa Arizona – 26 beses sa posisyon na split end at limang beses sa slot receiver…Nakasalo siya ng 209 na mga pasa at gumana ng 2,859 yarda (13.6 ypc) at gumawa ng 32 touchdowns, at may karagdagang 125 yarda na nakuha niya sa 17 beses na rushing (7.3 ypc)… Gumawa rin ng limang tackles (4 solo)…Ang kanyang 209 na mga salo ay nakalista na pang-apat na pinakamarami sa kasaysayan ng paaralan. Ang 127 sa kanyang 209 receptions ay nagbunga ng first down…Pang-apat din na pinakamahaba ang 2,859 yarda na receiving sa kasaysayan ng University of Arizona…Ang 32 touchdown na nasalo ni Criner ay all-time record ng UA at tumabla ito sa pangalawa na pinakamarami sa kasaysayan ng Pac-12 Conference. Si Criner din ang record-holder ng UA sa kanyang eleven TDs na nasalo sa 2010 at 2011 season…Sa labingpito sa kanyang nasalong 32 touchdown ay gumana si Criner ng mahigit na 20 yarda sa bawat isa nito.
KARERA sa KOLEHIYO at HIGH SCHOOL Sa 2011 SEASON…Natamo ni Criner ang second-team honors ng All-Pac 12 Conference mula sa NFL Draft Report…Istarter siya sa labing-isa na games sa posisyon na split end…Gayunman nasalo niya ang 75 na pasa para sa 956 yarda (pang-walo sa season-record ng Wildcats), at nag-average ng 12.7 yarda sa bawat salo… Ipinanalo niya ng 31-27 ang Wildcats laban sa Arizona State ng itawid niya ang 23-yarda na touchdown reception sa kahulihan ng fourth quarter at kanilang nakuha ang Territorial Cup, at nagtapos siya ng 134 yarda sa siyam na pagsalo.Sa 2010 SEASON…Natamo rin ni Criner ang All-American second-team honors mula sa NFL Draft Report, sa CBS Sports at sa Sports Illustrated…Siya ay kasama sa first-team pick ng All-Pac 10 Conference, at nanguna siya sa liga at pang-19 sa buong bansa sa average na 6.3 receptions bawat laro, at kanyang average na 94.8 nasalong yarda ay nanguna din sa liga at pang-pito sa buong bansa…Si Criner ang nanguna sa team sa kanyang career-high 82 na resepsiyon, pang-apat na pinakamarami sa isang season, at ang kanyang 1,233 receiving yarda (15 ypc) at 11 touchdowns ay nag-set ng bagong record sa kanilang paaralan. Sa 2009 SEASON…Naglaro siya sa lahat ng 13 games, at istarter siya sa slot position… Pangalawa siya sa team sa kanyang 45 resepsiyon para sa 582 yarda (12.9 ypc), at ang kanyang 9 TD ay naging pang-7 sa season-record ng paaralan. Sa HIGH SCHOOL... Naglaro siya sa Canyon Springs High School, Las Vegas, Nevada … Dalawang beses na naparangalan na All-State receiver…Naturing siya sa Las Vegas Sun All-Decade Team noong Enero 2010 dahil sa kanyang mga tanging nagawa, at siya rin ay nahirang sa Class 4A All-Sunrise Region first-team…Napili rin siya sa All-West Prep Star ng nanguna siya sa Nevada ng 58 resepsiyon para sa 1,631 yards (28.12 ypc) at 25 touchdowns sa kanyang senior year…Maliban sa putbol, si Criner ay nagka-letra sa basketball.
PERSONALSiya ay nag-major ng Family Studies and Human Development…Isinilang noong 12/12/89 sa Las Vegas, Nevada.