SiRB Darren McFadden (20) ay umiskor ng apat na touchdown, tatlong pagtakbo at isang pagsalo, sa kanilang panalo na 59-14 laban sa Broncos noong Oktubre 24, 2010. Photo by Tony Gonzales.
PETSA: Lunes, Setiyembre 12, 2011, 7:15 n.g. PT | POOK: Sports Authority Field sa Mile High
NGAYONG LINGGO: Ang The Oakland Raiders, miyembro ng Western Dibisyon ng American Football Conference ay nasa ika-52 season ng kumpetisyon sa putbol na propesyonal. Haharapin ng Pilak at Itim ang karibal na team sa AFC West sa Lunes ng gabi bilang kickoff sa regular season ng NFL. Ito ay pangatlong beses na sa loob ng apat na taon na naka-televise sila sa buong bansa ang Raiders. Ang game ay pangalawa sa Monday Night doubleheader.
TELEBISYON: Ang larong ito ay naka-televise sa buong bansa sa ESPN, at si Brad Nessler ang magbibigay ng play-by-play at ang dating NFL player na siTrent Dilfer ay ang color analyst. Ipalalabas din sa Bay Area ng estasyon ng KPIX Channel 5. Mapapanood din ito ng 180 na mga bansa sa ESPN International at nang mga bansang Espanyol sa ESPN Deportes.
RADYO: Maririnig ito na live sa Raiders Radio Network mula sa KITS LIVE 105.3 FM, ang flagship na estasyon ng Pilak at Itim para sa Radio Network na umaabot sa iba't ibang estado. Ang mga anawnser ay si Greg Papa at ang dalawang beses na nag-kampeon na head coach sa Super Bowl na si Tom Flores at ito ay kanilang pang-14 na taon na. Ang pregame at postgame show ay tatampukan ng mga lehendaryong Raiders na si Atkinson at David Humm. Kasama rin ang Westwood One/CBS Radio na i-broadcast ang game sa buong bansa at ang mga anawnser ay si Kevin Harlan at ang dating mga quarterback sa NFL na si Dan Fouts at Mark Malone..
RADYO ESPANYOL:Ang mga games ng Raiders sa buong 2011 regular season ay ipaaabot sa Espanyol nilaFernando Arias at Ambrosio Ricobilang mga anawnser.
SERYE ng RAIDERS-BRONCOS:Lamang sa panalo ang Raiders ng 58-41-2 sa lahat ng laro nila ng Broncos sa regular season simula pa noong 1960. Ang mga team ay tabla sa 1-1 sa postseason.
MGA KUNEKSIYON
RAIDERS: Si DE [Jarvis Moss ay first round pick ng Denver noong 2007 at naglaro siya sa Broncos noong 2007-10…si G [Cooper Carlisle ay naglaro para sa Broncos noong 2000-06…si DE [Lamarr Houston ay taga-Colorado Springs…si WR [Louis Murphy ay kalaro ni Broncos QB Tim Tebow sa Florida…si WR [Denarius Moore ay kasama naman nila Broncos DE Robert Ayers at P Britton Colquitt sa Tennessee…si RB [Michael Bush at Broncos DE Elvis Dumervil ay nagkalaro sa Louisville…si G [Bruce Campbell at si WR [Darrius Heyward-Bey ay mga kalaro ni Broncos RB Lance Ball sa Maryland…si DE Jarvis Moss at si WR Louis Murphy ay kalaro ni Broncos QB Tim Tebow at DE Derrick Harvey sa Florida…si DT [Tommy Kelly at Broncos LB Mario Haggan ay magkasama sa Mississippi State…si P [Shane Lechler at Broncos DE Ty Warren ay gayundin sa Texas A&M…si CB [DeMarcus Van Dyke at si TE [Richard Gordon ay kasamang naglaro si Broncos T Orlando Franklin sa Miami (FL) …si Offensive line coach Bob Wylie ay naglaro bilang linebacker sa Colorado ng tatlong taon bago lumipat sa Roger Williams College at sumali sa offensive line ng Colorado State noong 1988-89…si Wylie ay nagtrabaho din sa offensive line ng Denver Broncos noong nakaraang season…si Assistant linebackers coach Ricky Hunley ay naglaro para sa Broncos noong 1984-87…ang coach ng Linebackers na si Greg Biekert ay naglaro sa Colorado at sa Longmont High School sa Longmont, Colo.
BRONCOS: Ang Head coach na si John Fox ay dating defensive coordinator ng Raiders noong 1994-95…si CB Syd'Quan Thompson ay taga-Sacramento at naglaro para sa Cal…si MLB Mike Mohamed ay naglaro din sa Cal…si TE Daniel Fells ay naglaro sa UC-Davis… si WR Jamel Hamler ay tubong San Leandro at naglaro sa Fresno State…si Broncos offensive coordinator Mike McCoy ay isinilang sa San Francisco… si Broncos Tight End Coach Clancy Barone ay naglaro sa Sacramento State bilang offensive lineman at nag-coach doon noong 1991-92…ang coach ng Broncos linebackers na si Richard Smith ay nag-coach ng linebackers sa California noong 1984-86…si TE Virgil Green ay taga-Tulare, Calif….si LS Lonie Paxton ay nanggaling sa Sacramento State.
NEXT WEEK:Maglalakbay ang Raiders sa Buffalo upang harapin ang Bills ng AFC East sa Setiyembre 18, sa alas-10:00 n.u. PT, bago sila babalik sa Oakland upang paghandaan ang mga New York Jets sa O.co Coliseum sa kanilang 2011 home opener sa Setiyembre 25. Sa kasunod na linggo ay pang-apat na beses na ang kalaban ng Raiders ay orihinal na team ng American Football League nang kanilang haharapin ang New England Patriots sa Linggo, Oktubre 2. Sa Patriots, gaya ng Jets, ay makakaharap ng Raiders ang isa rin na team na umabot sa nakaraang postseason.