Skip to main content
Raiders
Advertising

Magpapakita ng Galing ang mga Pinoy Entertainers

[

LuckyLogo200.jpg

](http://www.luckysupermarkets.com/)Ipagdiriwang ng Oakland Raiders ang Filipino Heritage Month kasabay ng laro nila laban sa [**

**](http://www.philadelphiaeagles.com/) nitong Linggo sa Oakland-Alameda County Coliseum. Ito ay ang Ikalawang Taon ng Filipino Heritage Game, at tinatangkilik ng Lucky's ngayong taon. Sari-saring entertainers ang magpapalabas bago mag-umpisa ang laro at sa halftime ay magpapalabas ng tradisyonal at makapanahon na sayaw na Pilipino. Ang mga performers ay mga sumisikat na mga rappers, mang-aawit at DJ's na Pinoy dito sa Bay Area. Panoorin sila sa Raiderville simula ng 9:00 a.m. hanggang 12:30 p.m.

Trackademicks

Si Trackademicks ay isang Amerikanong hip-hop na artista at prodyuser, siya ay isinilang at lumaki sa Alameda, Calif., at miyembro ng Honor Roll, ang grupong mang-aawit na taga-San Francisco-Bay Area na doon kasama rin sila DJ Tap.10, 1 OAK., Moxmore, Mike Baker the Bike Maker, Spank Pops, and Josie Stingray. Si Trackademicks ay nagtrabajo kay MIstab Fab, at siya ang nag-prodyus ng kanyang anim na kanta sa kanyang pangalawang taon na release noong Mayo 2005. Siya rin ang nag-prodyus ng unofficial remix ng "tell me When to Go" ni E-40, isang rapper sa Bay Area.

DJ B-Strut, DJ Steez-O and DJ CMC

Sila DJ B-Strut, DJ Steez-O at DJ CMC ay magpe-perform sa Raiderville. Sikat sila bilang: "The Bay Area's party rockin' and sound diverse DJ crew." Patutugtugin nila ang mga awiting Pinoy at iba pang top 40 at R&B. Matalik na magkakaibigan sila at magkakasama sa bisnes, sila ay mga prodyuser, mga DJ's sa klub, at mga artistang DJ. Ang tatlong DJ ay nagbibigay aliw na ng mahigit na 20 taon.

DJ Samala and Jeremy John

Si DJ Samala at Jeremy John ay lalabas din sa Raiderville. Napakahusay ang experyensa ni DJ Samala bilang miyembro ng mga sari-saring organisasyon: Hearth Homes Community Building, co-founderat Creative Director ng Start Mobile, head coach ng Girls Lacrosse sa Tamalpais High, Ringleader siya ng Heartist Crew, at Editor ng DopeMag.com. Nag-perform na rin siya sa Bay Area at sa New York. Siya ay nagpalabas sa Madrone, Tunnel Top, the BOC, 111 Minna, Double Dutch, Project One, at Bambuddha Lounge at sa New York ay lumabas siya sa Plan B at saka the Skin NY.

Soulciety

Ang Soulciety ay isang non-profit na organisasyon sa Bay Area, na ang pakay ay aliwin ang kalooban ng buong sosyedad. Ang kanilang layunin ay payamanin at palakasin ang buhay ng mga kabataan sa pagtataguyod ng pisikal, mental at ispiritual na pag-uunlad. Ang grupo ay meron 10 – 12 na miyembro at lalabas sila sa Raiderville.

Lil' Jordan

Si Lil' Jordan (12) ay lalabas din sa Raiderville. Kinilala na si Jordan ng XXL Magazine (July 2007) at ng Asian Week (Cover, February 2007),nang manalo siya ng Sammy Award para sa Best Male Artist under 18. Ang karera sa hip hop ni Lil' Jordan ay nag-umpisa nang ang kanyang ama na si Johnny Eugenio, ay sumulat ng awitin para sa kapatid niyang Joshua na meronDowns syndrome". Ang kantang Swing for the Dream ay prinodyus upang turuan ang kabataan tungkol sa mga batang meron kapansanan.

Step, Style & Spotlights

Ipalalabas ng SSS ang isang tradisyonal na Mabuhay Folkloric dance na pinamagatang Pagdiwata. Aaliwin nila ang mga tagapanood sa Raiderville ng kanilang istilo at pananayaw. Ang kanilang kakaibang porma ay makikita sa gitna ng entablado ng Raiderville, at pasasayahin ng Step, Style & Spotlights ang Mabuhay Fiesta ng tunay na experyensang Pinoy.

Desi

Si Desi, ay isang recording artist sa Bay Area at lalabas siya sa Raiderville. Ang kanyang unang dalawang awit na, "About You" at "Down on You" ay parehong itinampok sa soundtrack ng pelikulang "A Chosen Life." Dahil sa kakaibang uri ng musika ni Desi na house, hip hop, rock at neo soul, siya ay na-prodyus na ni Chris Bryant, Sam 7 at AJ Jimenez. Nakisama rin si Desi kay Bay Area rapper Authentic sa isang mega club hit na pinamagatang "Dirty Love" at ang bagong track na "Cold Hearted." Ang iba pang recording ni Desi na nagtamo ng popularidad sa mga klub at radyo ay "Just Remember (Movido Remix)," "2Nite" at iba pa. Kilala siya sa kanyang sigla at pulidong choreography, at nakatrabao na siya ng mga mahuhusay na mananayaw at sikat na choreographers. Matagal ng kabilang si Desi sa mga komunidad ng Asiano at Pinoy dito sa Northern California sa kanyang paglalabas sa mga festivals at sa mga klub.

Bwan, Mr. Rey and DJ Delrokz

Nagpapakilala si Bwan bilang isang "snot-nosed youngster" na sa murang taon na 12 ay nagka-interes na sa hip-hop music. Si Mighty DJ Delrokz ay nagsimulang mag-perform noong 2003, at naka-prodyus na ng maraming events. Si Bwan, Mr. Rey at DJ Delrokz ay magpapaikot ng plaka saRaiderville sa Linggo.

Jern-Eye

Kasama rin si Jern-Eye na lalabas sa Raiderville sa Linggo. Nag-umpisa siya sa mga free style na kumpetisyon sa mga sikat na club sa LA. Katatapos lang sa high school nang itinatag ni Jern-Eye ang grupong Lunar Heights kasama ng kaibigan at ka-emcee na si Spear of the Nation. Ang grupo ay lumipat sa Oakland at sumama sila sa mga gumaganang hip hop scene ng Bay Area'.

CV-Creations-logo.gif
SpecialEventsLogo.jpg
This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising