Skip to main content
Raiders
Advertising

Mahapding Pagkabigo ng Raiders, 28-27

121811-recap-storyt.jpg


Tinalo ng Detroit Lions ang Oakland Raiders sa iskor na 28-27 sa Linggo 15 ng 2011 Regular Season sa O.co Coliseum ng Oakland.

Sinalo ni WR Stefan Logan ang opening kickoff na sinipa ni K [Sebastian Janikowskiinternal-link-placeholder-0] na umabot sa endzone at niluhod niya para sa touchback at ang Lions ay nag-umpisa sa kanilang 20. Pagkaraan ng isang first down, napuersa ng depensa ng Raiders ang punt ni P Ben Graham. Ibinalik ni CB [Bryan McCanninternal-link-placeholder-0] ang 44-yarda na punt at dinala niya ng 17 yarda hanggang sa Raiders 31.

Sumugod ang Raiders sa teritoryo ng Lions pero lumampas ang hagis ni QB [Carson Palmerinternal-link-placeholder-0] kay WR [Denarius Mooreinternal-link-placeholder-0] sa 4th and 1. Nag-take over on downs ang Lions.  Pinagbigyan ng isang first down ang Lions bago napuersa ng Raiders ang punt nang masalya nila ang isang pasa sa 3rd and 6. Ang 37 yarda ni Graham ay ibinaba sa Oakland 24.

Itinakbo ang bola ni FB [Marcel Reeceinternal-link-placeholder-0] ng 56 yarda at umabot ang Raiders sa Lions 20. Pero hinamon ng Lions ang ruling dahil si Reece ay tumapak sa linya. Ipinasiya ng mga reperi na tama ang Lions at ibinalik ang bola sa midfield – 26-yarda lamang ang itinala para kay Reece. Ganoonpa man, tinanggap ni WR [Louis Murphyinternal-link-placeholder-0] ang isang reverse handoff at dinala niya ng 12-yard run para sa TD. Kasama ang extra point ni Janikowski at lumamang ang Raiders ng 7-0 sa 6:19 ng 1st kuwarter.

Si Logan ang sumalo sa kasunod na kickoff at ito ay touchback. Sumagot agad ang Lions nang pasahan ni QB Matthew Stafford si WR Calvin Johnson ng 51 yarda para sa TD. Nagtabla ang iskor sa 7-7 sa 3:34 ng 1st kuwarter.

Hindi gumana ang paghawak ng bola ng Raiders. Natigil din ang pagsugod ng Lions ng ma-sack ni LB [Rolando McClaininternal-link-placeholder-0] si Stafford sa 2nd down at napahaba ang 3rd down na di nakayanan na itawid. Nag-punt si Graham ng 53-yarda at ibinaba sa Raiders 6.  Nanguna muli ang Raiders nang tamaan ni Palmer si WR [Darrius Heyward-Beyinternal-link-placeholder-0] para sa 43-yarda na touchdown. Kasama ang extra point ni Janikowski ay lumamang ng 14-7 ang Raiders sa 9:07 ng 2nd kuwarter.

Ang kasunod na kickoff ni Janikowski ay tumalbog sa end zone para sa touchback. Kumuha ng isang first down ang Lions bago sila napuersa ng Raiders na mag-punt. Na- three and out ang Raiders, at sinalo ni Logan ang 53-yarda na punt ni Lechler, at dinala ang bola sa Lions 31. Umiskor muli ang Lions at nagtabla ang iskor sa 14-14.

Si McCann ang nagbalik sa kasunod na kickoff at dinala ang bola sa Raiders 21. Pagkaraan ng ilang play, ipinasok ni Janikowski ang 46-yarda ng field goal at lumamang ang Raiders ng 17-14 sa halftime.

Sa umpisa ng 3rd kuwarter, dinala ni SS [Tyvon Branchinternal-link-placeholder-0] ang bola hanggang sa gitna ng field ngunit dahil sa penalty ay pinaatras ang Raiders sa kanilang 5. Pumalya ang pagsugod ng Raiders sa kanilang 48 at nag-punt si Lechler. Si Logan ay nag-fair catch sa Detroit 12, umabot ang pagsugod ng Lions sa Oakland 48 bago nag-punt si Graham. Nag-punt muli ang Raiders. Sa Lions 40 dinal ni Logan ang bola. Pero sa 4th and inches, matatag na hinarang ng Raiders ang Lions at nag-take over on downs ang Raiders sa Oakland 39.

Nabitawan ni Heyward-Bey ang bola at kinuha ito ng Lions sa Detroit 8. Naupos ang drive ng Lions at nag-take over ang Raiders sa kanilang 34. Nang matigil ang pagsugod ng Raiders, sumipa si K Sebastian Janikowski ng 51-yarda na field goal at ang iskor ay 20-14 para sa Raiders sa 8:12 ng 4th kuwarter.

Sinalo ni Logan ang kickoff at pinabagsak siya ni Rookie TE [Richard Gordoninternal-link-placeholder-0] sa Lions  15. Umiskor ng sack si DT [Tommy Kellyinternal-link-placeholder-0] kay Stafford at nabitawan ang bola, at ito ay pinulot agad ni LB [Aaron Curryinternal-link-placeholder-0] at itinakbo sa endzone. Lumamang ang Raiders ng 27-14 sa 7:47 ng 4th kuwarter.

Sinalo ni Logan ang kickoff at dinala sa Detroit 29. Tinamaan ni Stafford si WR Titus Young para sa 3-yard TD. Ang iskor ay naging Raiders 27-21 sa nalalabing 4:59 ng laro.

Itinawid ni Stafford ang Lions ng 98 yarda at tinapos niya ang drive ng isang 6-yarda na TD. Kasama ang extra point ay lumamang ang Lions ng 28-27 at 39 segundo na lamang ang nalalabi. Sumipa si Janikowski ng 65-yarda na field goal pero naharang ito ng kalaban at natalo ang Raiders.

Bumagsak sa 7-7 ang Raiders at patungo sila sa Kansas City upang harapin ang Chiefs sa Sabado sa Arrowhead Stadium.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising