Umiskor si Raiders TE [Zach Miller sa 22-yarda na pasa ni QB [Bruce Gradkowski .AP Photo.
Dinaig ng [**
**](http://www.azcardinals.com/) ang Oakland Raiders sa iskor na 24-23 sa University of Phoenix Stadium sa Glendale, Arizona sa ika-3 Linggo ng 2010 Regular Season.
Nanalo sa coin toss ang Raiders nguni't ipinagpaliban para sa 2nd half ang kanilang pag-receive ng bola. Si RB LaRod Stephens-Howling ang nagbalik sa opening kickoff ni K [Sebastian Janikowski* *at dagliang itinakbo ang bola ng 102 yarda para sa touchdown. Pumasok ang extra point na sinipa ni K Jay Feely at lumamang ang Cardinals ng 7-0 sa loob ng 14 sandali ng 1st kuwarter.
Ibinalik ni RB [Rock Cartwright*ang kasunod na kickoff sa Raiders 48. Hindi gumana ang drive ng Raiders at nagpunt si P [Shane Lechler *. Umabot ng 47 yarda ang punt ni Lechler at ang bola ay ibinaba sa Arizona 5 yard line.
Pinigil ng Raiders ang Cardinals sa three-and-out. Ibinalik sa Raiders 42 ni WR [Johnnie Lee Higgins* *ang punt ni P Ben Graham. Nagbunga ang 58 yarda na paglusob ni QB Bruce Gradkowski sa isang 22 yarda na touchdown na pasa kay TE Zach Miller. Pumasok din ang extra point at tumabla ang iskor sa 7-7 at meron pang 10:54 sa 1st kuwarter.
Si Stephens-Howling ang nagbalik sa kasunod na kickoff at dinala niya ito sa Cardinals 35. Nakatamo ng first down ang Cardinals dahil sa pass interference call, pero hinigpitan ng Raiders ang depensa at napuersa ang punt. Ang punt ni Graham ay ibinaba sa Raiders 5. Matibay rin ang Cardinals at na-three-and-out ang Raiders. Narekober ni LS [Jon Condo* *ang pumalpak na punt sa Arizona 28. Isang 2 yarda na pasa kay Miller ang naglagay sa Raiders sa puestong goal to go. Ipinasok ni Janikowski ang 22 yarda na field goal at lumamang ang Raiders ng 10-7 sa 6:42 sa orasan ng unang kuwarter.
Na-touchback ang kasunod na kickoff niJanikowski at nag-simula sa 20 ang atake ng Cardinals. Itinabla ni Feely ang laro sa 10-10 ng sipain ang 42 yarda na field goal sa dulo ng 5 play at 56 yarda na drive. Meron pang 3:55 minuto ang natitira sa 1st kuwarter.
Sinalo ni Rookie WR [Jacoby Ford* *ang kasunod na kickoff at dinala niya sa Raiders 38. Pumasok ang Raiders sa Arizona 37 bago nahinto ang paglusob at sumipa na lang si Janikowski ng 55 yarda na field goal. Pumasok ito at lumamang muli ang Raiders ng 13-10 bago natapos ang unang kuwarter.
Dinala ni QB Derek Anderson ang Cardinals ng 76 yarda sa loob ng 12 play at pinasahan si WR Steve Breaston para sa 2 yarda na touchdown. Kasama ang extra point at nanguna ang Arizona sa iskor na 17-13 sa 10:44 sa orasan ng 2nd kuwarter.
Si Ford muli ang nagbalik sa kasunod na kickoff at dinala niya ang bola ng 21 yarda hanggang sa Oakland 23. Nakatamo ng dalawang first down ang Raiders bago nahinto at nag-punt. Si Breaston ang sumalo sa sipa ni Lechler at agad siyang pinabagsak sa Arizona 5. Isang first down ang nakuha ng Cardinals dahil sa penalty pero sa 3rd and 9, matatag ang depensa ng Raiders at nag-punt ang kalaban. Ang sipa ni Graham ay nadala sa Raiders 43. Dahil sa personal foul laban sa Cardinals, sa Arizona 42 nagsimula ang Raiders. Subalit natapik at naagaw ang pasa ni Gradkowski at dinala ito sa Arizona 34. Pagkaraan ng ilang play, na-intersep naman ni LB [Quentin Groves* *ang lumihis na pasa ni Anderson sa Raiders 31.
Humagibis si RB [Darren McFadden* *sa kahabaan ng field at sa katapusan ng 69 yarda na drive ay tinakbo niya ang 2 yarda para sa touchdown sa kaliwang panig ng endzone. Pasok din ang extra point at bumalik ang lamang sa Raiders sa 20-17 mga 10 sandali bago natapos ang unang half.
Nakatakbo nang maiksi si RB Tim Hightower nang patapos ang half at pumasok sa locker room ang mga Raiders na lamang ng 20-17.
Nagsimula sa three and out ang Raiders sa ikalawang half at nagpunt si Lechler. Lumusob ang Cardinals sa Raiders 49 bago nagkombinasyon si LB [Kamerion Wimbley*at DT [Richard Seymour *para sa 3rd down sack upang mapuersa ang punt. Maiksi lang ang punt at sa Raiders 11 sila nagsimula.
Sa ikatlong play, sinalo ni WR [Louis Murphy* *ang malapit na pasa ni Gradkowski, at tumiwalag siya sa isang tackle at tumakbo ng 70 yarda bago siya naabutan sa Arizona 13. Dahil sa holding call namultahan ang Raiders sa down at distansya. Hindi nila na-convert ang 3rd and 20 at si Janikowski ay sumipa ng 41 yarda na field goal. Di inaasahang pumaltos ito sa kanan ng poste at ang mga Cardinals ay nag-umpisa sa kanilang 31.
Naka-touchdown si WR Larry Fitzgerald nang tamaan siya ng 8 yarda na pasa ni Anderson, at nakuha muli ng Cardinals ang lamang. Idagdag rito ang extra point at ang Arizona ay lamang ng 24-20 sa 1:01 ng 3rd kuwarter.
Touchback ang kasunod na kickoff. Hindi rin nakasulong ang mga Raiders at nagpunt si Lechler. Pumalpak ang pagsalo sa punt at na-rekober ni Groves para sa Raider sa Arizona 16. Sumipa muli ng field goal sa 23 yarda si Janikowski at pumasok ito kaya nabawasan ang lamang ng Cardinals sa 24-23 at meron pang 7:59 ang 4th kuwarter.
Binalik ni Stephens-Howling ang kasunod na kickoff sa Arizona 24 yard line. Nagkapenalty ang Arizona at matibay din ang depensa ng Raiders kaya nagpunt si Graham. Ibinalik ang bola ni Higgins sa Oakland 30.
Lumusob ang Raiders sa teritoryo ng Cardinals at hinamon muli ni Janikowski ang 58 yarda na field goal. Nagmintis sya sa kanan. Nahinto muli ng Raiders ang Arizona at ang punt ni Graham ay na-touchback.
Umatake muli ang Raiders at umabot sila sa Cardinals 14 at malaking pag-asa ang nakataya sa 32 yarda na field goal na sisipain ni Janikowski. Nagmintis siya at naubos na rin ang oras kaya nagtagumpay ang Arisona sa iskor na 24-23.
Bumaba ang rekord ng Raiders sa 1-2 at balik sa bahay sila upang harapin ang [**
**](http://www.houstontexans.com/) sa Oakland-Alameda County Coliseum kasabay na ipagdiriwang ng Raiders ang Kayamanan ng Lahing Espanyol sa ika-9 na taon ng Fiesta Latina.