Skip to main content
Raiders
Advertising

Mga Alituntunin para sa Paradahan at Tailgating

Bawal ang pumarada ng magdamag.

Ang pinakamaagang pagpila ng mga sasakyan ay magsisimula ng 6:00 A.M. (alas sais ng umaga) sa lahat ng mga lots at ng mga gates. Mangyaring tandaan po lamang na kapag ang kickoff ay pagkaraan ng 5:00 P.M. (alas singko ng hapon), ang pila o line up ay magsisimula ng 11:00 A.M. (alas onse ng umaga).  

Sang-ayon sa Ordinansya ng Lungsod ng Oakland, lahat ng DJ set-up, banda, palabas, at tunog ng amplifier o musika ay ipinagbabawal sa parking lot. Ang patakaran na ito ay ipapatupad ng mga Alagad ng Batas. Anumang paglabag nito ay maaaring umabot sa pagkumpiska ng kagamitan o di kaya'y pagbigay ng citation.

Ang Parking sa Game Day ay $33.00. Kabilang dito ang $3.00 tax na ipinataw ng lungsod.

Hindi tinatanggap ang salaping mas malaki sa $20.00. Maaring bumili ng Parking Pass ngunit ito ay limitado at mabibili lamang kung bibili ng SeasonTiket o di kaya'y Club Tiket sa 1-800-RAIDERS.

Kailangang bumili ng "pre-purchased pass" para sa malalaking sasakyan (oversized) -  katulad ng RV, Bus, at Trailer - bago dumating o pumarada sa mga parking lot na nakalaan sa ganitong sasakyan. Kung nais bumili nito, mangyaring tawagan lamang ang 1-800-RAIDERS.

Kailangang bumili rin ng Limousine Parking Pass. Mangyaring tawagan lamang ang 1-800-RAIDERS sa pagbili ng Limousine Parking Pass.

Bawal at di-pinanapayagan ang anumang malalaswa at magugulong pag-uugali at pananalita sa parking lot.

Ang paglabag sa mga regulasyon at patakaran ng Trapiko, Parking Lot, Batas at ng mga attendants at empleyado ng O. co Coliseum, ay maaring umabot sa pagbawi ng tiket at pribilehiyo sa parking.

Mangyaring sundin ang lahat na opisyal na Hadlang, Bakod at Dibayders. Ipinagbabawal ang di-awtorisadong pag-aalis o pag-uurong ng mga ito.

Lahat ng mga sasakyan at lahat ng may hawak ng passes ay dapat pumarada sa kung saan man idirekta ng mga tauhan ng O.co Coliseum at ng mga attendants ng parking.

Lahat ng puwang at paradahan (kabilang na ang paradahan ng ADA) ay hindi maaaring ireserba, ilaan o i-save para sa anumang kadahilanan.

Ang Tailgating ay limitado lamang sa mismong harapan o likuran ng sasakyan.

Bawal ang Tailgating sa isang bakante o open space o di-itinalagang parking space.

Bawal ang pumarada sa fire lanes at di-itinalagang lugar na parking o anumang lugar o zona na restricted o limitado sa publiko..

Lahat ay kailangang magtapon ng basura sa naaangkop na receptacles.

Ipinagbabawal din ang magdala ng portable banyo, banyo, at pansariling lalagyan ng basura.

Mahigpit na sumunod sa 10 mph na speed limit sa O.co Coliseum Parking Lot.

Ang Raiders sa ngayon ay nag-aalok ng isang Alcohol-Free Tailgating Options para sa mga may hawak ng Season Ticket at mga mamimili ng Grupo. Ang Alkohol-Free Zone ng Tailgating ay matatagpuan sa Northeast sulok ng D Lot (makikita sa parking map). Ipinagbabawal ang anumang Alak sa nasabing tailgating Zone. Lahat ng mga patron ay inaasahang sumunod sa Raiders Fan Code of Conduct at mag-tailgate na walang alak. Mangyaring makipag-ugnayan sa opisina ng Raiders tiket sa 1-800-RAIDERS para sa karagdagang impormasyon.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising