Skip to main content
Raiders
Advertising

Mga Kalaban ng Raiders sa 2010 Alam Na

Mga Kalaban ng Raiders sa 2010 Regular Season

Home

Away

Indianapolis

Pittsburgh

Houston

Tennessee

Miami

Jacksonville

St. Louis

Arizona

Seattle

San Francisco

Denver

Denver

Kansas City

Kansas City

San Diego

San Diego

Bilang miyembro ng AFC Western Division, ang Raiders ay muling sasagupain ng dalawang beses ang bawat karibal sa Dibisyon, ang Denver Broncos, ang Kansas City Chiefs at ang San Diego Chargers Isang beses sa sariling istadyum at isa rin sa istadyum ng bawat karibal.

Paghahandaan din ng Pilak at Itim sa sariling koliseo ang mgaIndianapolis Colts, ang Houston Texans,ang Miami Dolphins, ang St. Louis Rams, at ang Seattle Seahawks. Dadayo naman ang Raiders upang labanan ang Jacksonville Jaguars, ang Tennessee Titans, ang Pittsburgh Steelers, ang Arizona Cardinals, at ang San Francisco 49ers.

Lamang ng panalo ang Raiders sa all-time serye nila laban sa Broncos, 56-41-2. Noong 2009, parehong nanalo sa isa't isa at ang nagwagi ay ang team na dumayo. Ang Chiefs ay nakakalamang sa all-time serye nila ng Raiders, 52-45-2. Gayundin na tig-isang panalo ang Chiefs at Raiders, at ang nanalo ay ang dumayo. At sa aal-time serye ng Raiders at Chargers ay lamang ang Raiders ng 54-44-2, pero noong 2009 natalo ng dalawang beses sa Chargers pero sa lamang ng 12 puntos lamang.

Tinalo ng Pilak at Itim ang Houston nang ang Texans ay dumayo sa Oakland sa regular season ng 2008.

Labing-isang beses nang nagharap sa regular season ang Raiders at Colts at lamang sa panalo ang Pilak at Itim ng 7-4. Ang Colts ay dating nasa Baltimore.

Ang Rams ay muling dadayo sa Oakland mula pa noong 2006. Lamang din ang Raiders sa serye nila ng 7-4.

Haharapin ng Raiders ang Seahawks sa Oakland sa regular season sa unang pagkakataon mula pa noong nagwagi ang Raiders noong 2002, at sa taong yon ang Raiders ay umabot sa Super Bowl. Lamang din ang Raiders sa kanilang all-time serye, 27-23.

Muling paghahandaan ng Raiders ang Miami Dolphins mula pa noong 2005. nakalalamang ang Raiders sa kanilang serye, 16-12-1. Ang dalawang team ay nagsagupaan sa Miami noong 2007 at 2008.

Patungo ang Raiders sa Jacksonville upang harapin ang Jaguars mula pa noong 2007. Ito ang pang-limang labanan ng dalawang team na nagsimula noong 1996.

Ang dayo ng Raiders sa Nashville ay muling uulitin mula pa noong 2007. Ang huling labanan ng Tennessee Titans at Raiders ay sa 2008 pre-season. Lamang ang Raiders sa kanilang all-time serye, 23-18. Ang Titans ay dating miyembro ng AFL at kilala sa pangalan na Houston Oilers.

Unang laro ng Raiders sa University of Phoenix Stadium upang harapin ang Arizona Cardinals simula pa noong 2002 regular season. Ang huling laro nila ay sa Arizona noong 2004 pre-season.

Ang pinakamalapit na dayo ng Raiders ay maikling biyahe ng bus sa Bay Bridge lamang upang harapin ang San Francisco 49ers at ito ang unang regular season laro nila mula pa noong 2006. Ang magkaribal ay huling naglaro sa San Francisco sa 2009 pre-season.

Ang Raiders ay dadayo sa Pittsburgh upang labanan ang Steelers sa Heinz Field at magkasunod na taon nang maghaharap sila. Ito rin ang pangatlong labanan nila sa loob ng limang taon. Nagwagi ang Raiders sa dalawang laban, at parehong kasalukuyang Super Bowl Champion ang Steelers noong talunin nila, ang pinakahuli ay noong 2009. Lamang ang Raiders sa all-time serye, 10-8.

Malalaman ang kumpletong iskedyul, pati petsa at oras ng laro at ang TV coverage, sa pag-anunsiyo ng NFL sa bandang Abril.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising