Ang 101 yarda na pagbabalik ng kickoff ni Rookie WR Jacoby Ford na humantong sa touchdown ay ang pangatlong pinakamahaba sa buong kasaysayan ng Raiders.
Pinasigla ni Rookie WR Jacoby Ford ang mga nanood sa Oakland-Alameda County Coliseum sa kanyang nakakasindak na pagbabalik ng pasimulang kickoff sa kahabaan ng buong field para sa touchdown, ngunit nagkulang pa rin ito upang pigilin ang pagwawagi ng [**
**](http://www.miamidolphins.com/) sa Oakland Raiders sa iskor na 33-17 sa Linggo 12 ng 2010 Regular Season.
Nanalo ang Raiders sa opening coin toss at pinili nilang mag-receive ng bola. Pagkasalo sa dulo ng field ni WR Jacoby Ford ang opening kickoff ni K Dan Carpenter ay maliksing humagibis siya ng 101 yarda para sa touchdown. Kasama ang extra point ni K [Sebastian Janikowski ay lumamang ang Raiders ng 7-0 sa 14:47 sa orasan ng 1st kuwarter.
Tumalbog ng out of bounds sa loob ng 1-yard line ang kasunod na kickoff ni Janikowski at nagsimula ang pagsalakay ng Miami sa kanilang 40. Si Chad Henne ang quarterback. Nabawasan ang lamang ng Raiders nang ipasok ni Carpenter ang 49-yarda na field goal at ang iskor ay 7-3 sa 12:40 ng 1st kuwarter.
Dinala ni Ford ang kickoff sa Raiders 19, at ang Pilak ay Itim ay pinangunahan ni [Bruce Gradkowski bilang quarterback. Pinigilan ng Miami ang Raiders sa three and out at nag-punt si P [Shane Lechler. Sinalo ito ng fair catch ni WR Davone Bess sa Miami 35.
Lumamang ang Miami nang kumunekta si Henne kay RB Patrick Cobbs ng 30-yarda na TD pass at ang iskor ay 10-7 sa 5:36 ng unang kuwarter.
Ibinalik muli ni Ford ang kasunod na kickoff at dinala ang bola sa Raiders 33. Tumigil ang drive ng Raiders sa Miami 44 at nag-punt si Lechler. Sinalo ito ni Bess at agad siyang pinabagsak ng Raiders sa Miami 13. Na-unsyami ang iskoring drive ng Miami nang maagaw ni rookie LB [Rolando McClain ang bola para sa kanyang unang career interception. Sa Raiders 11 nagsimula ang opensa ng Raiders.
Ngunit bumalik ang posesyon sa Miami nang ma-intersep ni S Yeremiah Bell ang pasa sa sideline ni Gradkowski at kanyang dinala ang bola sa Dolphins 46. Napuersa ng Raiders ang three and out, salamat sa isang sack ni FS [Michael Huff sa 3rd and 10. Ibinaba ni WR [Johnnie Lee Higgins ang punt ni P Brandon Fields sa Raiders 26.
Nang magkulang ang sipa ni Carpenter sa tinangkang 52-yarda na field goal, nakuha ng Raiders ang bola sa kanilang 41. Kumunekta si Gradkowski kay Ford sa 3rd and 10 at itinakbo ni Ford ang bola ng 44 yarda para sa touchdown. Pumasok din ang extra point at muling lumamang ang Raiders sa iskor na 14-10 sa 5:32 ng 2nd kuwarter.
Sa kanilang 20 nagsimula ang opensa ng Miami pagkaraan ng kickoff. Si Carpenter na naman ang nagbawas sa lamang ng Raiders sa 14-13 nang ipasok niya ang 24-yard na field goal na siyang tumapos sa kanilang 75 yarda na drive sa loob ng 15-play. Pagkasalo ni FB [Marcel Reece sa kickoff, natapos ang unang half na nangunguna ang Raiders.
Sa 2nd half, kumunekta si Henne ng isang 57 yarda na pasa kay WR Marlon Moore para sa TD. Pumasok din ang extra point at naagaw muli ng Dolphins ang lamang na 20-14 sa 12:52 ng 3rd kuwarter. Pagkatapos pinigilan pa nila ang Raiders sa three-and-out. Mahaba din ang balik-punt ni Bess na umabot sa Raiders 45. Umiskor sa FG na 44 yarda si Carpenter at lumaki ang agwat ng Miami sa iskor na 23-14 sa 8:46 ng 3rd kuwarter.
Na-three and out muli ang Raiders at isa pang pagbabalik ni Bess ang pumasok sa Raiders 30. Nagmintis si Carpenter sa tinangkang 50 yarda na field goal at nakuha ng Raiders ang bola sa kanilang 40. Ngunit naagawan sila ng Dolphins nang ma-intersep ni FS Chris Clemons ang pasa ni Gradkowski sa end zone. Hindi pinalusot ng Raiders na maka-iskor ang Miami at nag-take over sila sa kanilang 20.
Sa sumunod na 6 play ay umabot ng 68 yarda ang drive ng Raiders at tinapos ito ni Janikowski ng isang 30 yarda na field goal at lumapit ang Raiders sa sa 23-17 sa 10:57 sa 4th kuwarter.
Isa pang field goal ni Carpenter mula sa 25 yarda ang nagbigay ng lamang na 26-17 para sa Dolphins sa huling 4:03 ng laro.
Hindi nakayanang sumulong ang Raiders at na-turn over on downs sa kanilang 46. At iniskoran pa sila ni RB Ricky Williams ng isang 45-yard TD run. Kasama ang extra point at ang naging pinal na iskor ay 33-17 para sa Miami.
Bumaba sa 5-6 ang rekord sa season ng Raiders at dadayo sila sa San Diego sa darating na Linggo upang harapin ang Chargers sa QUALCOMM Stadium.