Skip to main content
Raiders
Advertising

Nabigo ang Raiders sa Dolphins, 35-13

091612-palmer-cp.jpg

Nanalo ang Raiders sa opening coin toss at ipinagpaliban sa 2nd half ang kanilang pagtanggap ng bola. Lumampas sa endzone ang opening kickoff ni K Sebastian Janikowski  at ito ay isang touchback. Samakatuwid sa kanilang 20 nag-umpisa ang Dolphins sa pangunguna ni rookie Ryan Tannehill bilang quarterback. Nadala agad ni Tannehill ang mga Dolphins ng 80-yarda kasama ang 2 yard run para sa TD. Pumasok din ang extra point at lumamang ang Miami ng7-0 sa 9:19 ng 1st kuwarter.

Si CB Coye Francies ang sumalo sa kasunod na kickoff at dinala sa Oakland 16. Si Carson Palmer ang pumasok na quarterback ng Raiders. Kumuha sila ng first down bago napuersang nag-punt. Nag-fair catch si WR Davone Bess sa Miami 22.

Nakapasok ang Miami sa teritoryo ng Oakland bago sila napuersang sumipa ng field goal sa layong 56 yarda. Sa halip na sipain ang field goal, sinipa ng Dolphins ang pooch punt at natigil ang bola sa Raiders 10.

Kumunekta si Palmer kay RB Mike Goodson at itnakbo ang bola ng 64-yarda para sa touchdown at naging 92 yarda ang nagana nila sa drive na ito. Pumasok din ang extra point kaya nagtabla ang iskor sa 7-7 at 11 sandali na lamang ang 1st kuwarter.

Na-touchback din ang kickoff kaya sa Miami 20 nagsimula ang atake ng Dolphins. Kumuha ng dalawang 1st down ang Dolphins bago pinuersa ng depensa ng Raiders ang punt. Si DB Phillip Adams  ang nag-fair catch sa Raiders 10.  

Na-three-and-out ang Raiders at nag-punt si Lechler ng 60 yarda. Ibinalik ni Marcus Thigpen ang bola ng 18 yarda hanggang sa Miami 43. Bumawi ng three-and-out ang Raiders sa Miami, salamat sa sack ni DE Matt Shaughnessy. Sa Oakland 14 bumagsak si Adams matapos saluhin ang 56-yarda na punt.

Isang first down ang nakuha ng Raiders bago nag-punt. Dinala ni Thigpen ang punt ni Lechler sa  Miami 27. Na-three-and-out din ang Dolphins. Maganda ang pagbalik ni Adams sa punt ngunit na-holding penalty sila kaya sa Raiders 18 ang umpisa nila.

Sa midfield natigil ang atake ng Raiders, si Bess na sumalo sa punt ni Lechler ay pinabagsak sa Miami 25. Three-and-out na naman ang Dolphins. Dinala ni Adams ang tumatalbog na punt sa  Oakland 12.  

Ang atake ng Raiders ay umabot ng 81 yarda sa loob ng 12 play at tinapos ito ng 25 yarda na field goal ni K Sebastian Janikowski. Lumamang ang Raiders sa Dolphins ng 10-7 at 46 sandali na lamang ang 1st half. Inubos na lamang ng Dolphins ang orasan ng 1st half.

Si Francies ang sumalo sa opening kickoff ng second half sa end zone kaya touchback. Na-three-and-out ang Raiders. Ibinalik ni Thigpen ang punt ni Lechler sa Miami 32. Binawian din ng Raiders ng three-and-out ang Dolphins. Ibinalik ni Adams ang punt hanggang sa 26 ngunit dahil sa holding penalty sa kanilang 1 nag-umpisa ang Raiders.

Na-three-and-out ang Raiders. Ibinalik ni Thigpen ang punt sa Oakland 44. Sinamantala ito ng  Dolphins at umiskor ng 23-yarda na TD run. Kasama ang extra point, lumamang ang Miami ng 14-10 sa 7:57 ng 3rd kuwarter.

Lumampas ang kasunod na kickoff sa endzone kaya nag take over ang Raiders sa kanilang 20. Umabot ang atake nila sa Miami 45 at nag-punt si Lechler. Gumulong ang punt sa endzone kaya touchback  ito.

Pagkaraan ng ilang play, nakapuslit si Bush sa sideline at tumakbo ng 65-yarda para sa TD. Lumamang ang Miami ng 21-10 sa 3:52 ng 3rd quarter.

Lumampas ang kickoff sa end zone at touchback ito. Hanggang sa midfield umabot ang Raiders, at si Bess ang sumalo sa punt ni Lechler at nag-fair catch sa Miami 18.

Na-three-and out ang Dolphins. Dinala ni Adams ang punt ng 45 yarda hanggang sa Miami 25. Napuersa ang field goal at umiskor ang Raiders ng 27 yarda na field goal. Nabawasan ang lamang ng Dolphins sa 21-13 sa 14:50 ng 4th kuwarter.

Na touchback ang kickoff ni Janikowski. Kumunekta si Tannehill kay TE Anthony Fasano para sa maiksing touchdown. Lumamang ang Miami ng 28-13 sa 11:45 ng laro.

Ibinalik ni Goodson ang kickoff sa Oakland 30. Three-and-out ang Raiders. Sa Miami 24 dinala ni Thigpen ang bola. Itinakbo ni Rookie RB Lamar Miller ang bola para sa 15 yarda na touchdown. Lumaki ang lamang ng Dolphins sa 35-13 sa 5:06 ng game.

Ibinalik ni Goodson ang kasunod na kickoff sa Oakland 17. Na-intersep ang bola at at inubos na ng Miami ang orasan upang mapanatili ang panalo.

Bumaba sa 0-2 ang rekord ng Raiders at paballik sila sa O.co Coliseum upang harapin ang  Pittsburgh Steelers sa Linggo.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising