Dala-dala ni Rookie LB[Miles Burris* ang kanyang pinakaunang intersepsiyon. *AP Photo.**
Tinalo ng Carolina Panthers ang Oakland Raiders sa iskor na 17-6 sa Bank of America Stadium ng Charlotte, N.C. sa Linggo 16 ng 2012 Regular Season.
Nanalo ang Raiders sa coin toss at pinasya na sa 2nd half na lang sila mamimili sa pagtanggap ng bola. Lumipad sa endzone ang opening kickoff ni K [Sebastian Janikowski at nagumpisa ang Carolina sa kanilang 20, kasama si Cam Newton bilang quarterback.
Nakakuha ng dalawang first down ang Carolina bago nabuwag ni CB [Phillip Adams ang pasa para kay WR Steve Smith sa 3rd and long. Napuersa ng Raiders na magpunt ang Carolina.
Sa Raiders 21 ibinalik ni Adams ang punt at pumasok si [Carson Palmer bilang quarterback. Sa ikalawang play mula sa linya ng scrimmage, ginawa nila ang wild cat play, nang ipasa ni QB [Terrelle Pryor ang lateral kay Palmer, at kanya naman ipinasa kay Pryor para sa 22 yarda. Pero nahinto ang drive sa midfield kaya nagpunt si P [Shane Lechler .
Sinalo ito ni WR Joe Adams sa Carolina 12. Naunang uniskor ang Carolina nang pasahan ni Newton si Smith nang 23 yarda para sa touchdown. Kasama ang extra point ni K Graham Gano ay lumamang ng 7-0 ang Carolina sa 3:12 ng unang kuwarter.
Sinalo sa end zone ni RB [Mike Goodson ang kasunod na kickoff para sa touchback. Umabot uli sa midfield ang atake ng Raiders, pero nabunggo sa likod si Palmer at nasaktan kaya kinailangan na ilabas siya sa laro. Na-penalty ng reperi ang Carolina dahil sa roughing the passer. Pumalit si Matt Leinart na quarterback ngunit hindi naka-abante ang Raiders.
Nag-fair catch si Joe Adams sa Carolina 16. Ngunit sila din ay hindi umabante nang puersahin sila ng Raider sa 3-and-out. Paghawak ng bola ng Raiders, dinala ni Leinart ang team sa sumunod na 11-play, at gumana sila ng 73-yarda na drive. Winakasan ni Janikowski ng field goal mula sa 21 at nabawasan ang lamang ng Carolina sa 7-3 sa 6:25 ng 2nd kuwarter.
Ibinalik ni RB Armond Smith ang kickoff sa Carolina 20. Ilang play ang nakaraan at sumipa si Gano ng field goal mula sa 48 yarda ngunit nagmintis ito at nag-take over ang Raiders sa kanilang 38. Sa ikatlong play naagaw ni LB Luke Kuechly ang pasa ni Leinart at ibinalik niya sa 29. Sinamantala ito ng Carolina at nag-scramble sila ng 3 yarda para sa touchdown. Lumamang ng 14-3 ang Panthers at 17 sandali na lamang ang 2nd kuwarter.
Sa 2nd half, lumipad sa endzone ang kickoff ni Gano at nag-umpisa ang Raiders sa kanilang 20. Na-three and out ang Raiders at nagpunt. Ngunit nang ibalik ni Joe Adams ang punt, na-fumble niya ang bola at narekober ito ni TE [Richard Gordon sa Oakland 32.
Umatake muli ang Raiders ngunit na-three-and-out sila. Ang punt ni Lechler ay na-out of bounds sa Carolina 8. Hanggang sa 30 umabot ang atake ng Panthers at nagpunt si Nortman. Sinalo ito ni WR [Denarius Moore ngunit ibinagsak siya agad sa 16.
Natigil ang atake ng Raiders sa 41 at nag-punt si Lechler. Ilang play ang natapos at naagaw ni LB Miles Burris ang bola at dinala niya ito sa Carolina 18. Ito ang kauna-unahang intersepsiyon ni Burris.
Hindi gumana ang atake ng Raiders ngunit ipinasok ni Janikowski ang 31 yarda na field goal at naging 14-6 ang iskor sa 13:18 sa 4th kuwarter.
Isang first down lang ang ibinigay ng Raiders bago nila pinuwersa na mag-punt ang Panthers. Nag-umpisa sila sa Raiders 23 at sumugod sila hanggang sa Panthers 24 pero nasagi ang pasa ni Leinart sa 4th down at nag-take over on downs ang Carolina.
Umiskor ng isang 51 yarda na field goal si Gano at lumamang ang Carolina ng 17-6 sa huling 2:46 ng laro.
Hindi na sumulong ang atake ng Raiders at nakuha muli ng Panthers ang bola sa 1:54 ng laro, at hinawakan nila ang bola hanggang sa nagwakas ang laro.
Bumaba sa 4-11 ang rekord ng Raiders at patungo sila sa San Diego sa lingo upang tapusing ang 2012 season laban sa Chargers.