Skip to main content
Raiders
Advertising

Nabigo ang Raiders sa Ravens 21-13

010310miller-tg-story.jpg


Sa kahulihang laro ng 2009 Regular Season ay tinalo ng [**

internal-link-placeholder-0]* *pero umalis sa laro nang masaktan siya sa 1st half. Hindi nakayanang humabol ang mga Raiders dahil sa dalawang turnover sa 2nd half.

Nanalo ang Baltimore sa opening coin toss pero nagpasiya na gamitin ang pag-receive sa 2nd half. Kaya nag-receive para sa Raiders si RB [Gary Russellinternal-link-placeholder-0]*sa opening kickoff na sinipa ni K Billy Cundiff at dinala niya ang bola sa 20. Pumasok na quarterback si Charlie Frye pero nahinto ang atake nila sa 46 at si Pro Bowl P [Shane Lechlerinternal-link-placeholder-0] *ay sumipa ng 54-yarda na tumalbog sa end zone.

Nag-umpisa ang mga Ravens sa kanilang 20 sa pangunguna ni QB Joe Flacco. Isang 1st down lamang ang pinayagan ng depensa ng Raiders at nag-punt si P Sam Koch. Sa Raiders 22 ibinaba ni WR [Johnnie Lee Higginsinternal-link-placeholder-0]* *ang punt.

Na-three-and-out ang Raiders at ibinalik ni CB Chris Carr ang 52 yarda na punt ni Lechler sa Baltimore 26. Lumusot ng 2 yarda para sa TD si RB Willis McGahee upang tapusin ang kanilang drive na umabot ng 8-play at 74-yarda. Kasama ang extra point ni Cundiff at lumamang ang Ravens ng 7-0 sa 3:47 ng 1st kuwarter.

Sa sumunod na kickoff ay si RB [Marcel Reeceinternal-link-placeholder-0]*ang nagbalik sa Oakland 20. Sumagot ang Raiders ng 37 yarda na field goal ni K [Sebastian Janikowskiinternal-link-placeholder-0] *pagkaraan ng 11-play at 61-yarda na drive. Nabawasan ang lamang ng Ravens sa 7-3 sa 14:49 ng 2nd kuwarter.

Parehong hindi gumana ang opensa ng Ravens at Raiders sa sumunod na paghawak ng bola nila. Ang punt ni Lechler ay ibinaba sa Baltimore 5-yard line. Ganoon pa man ay nakalusot sa kanan si McGahee at umiskor ng TD nand itinakbo niya ang bola ng 77 yarda. Lumamang ng 14-3 ang Ravens sa 3:54 sa 2nd quarter.

Si Gary Russell ang nagbalik sa kickoff at ibinaba ang bola sa Oakland 21. Dinala ni Frye ang mga Raiders sa kahabaan ng 79 yarda sa loob ng 8 play at kinumpleto niya ang pasa kay TE [Zach Millerinternal-link-placeholder-0]* *sa endzone para sa 13 yarda na TD. Idinagdag ni Janikowski ang extra point at nabawasan ang lamang ng Ravens sa 14-10 at meron 47 sandali pa ang 2nd kuwarter.

Naibalik ni Parmele ang kickoff sa Raiders 43 at sumugod ang Ravens sa teritoryo ng Oakland. Nagmintis si Cundiff sa 37 yarda na field goal at doon nagtapos ang 1st half.

Si Parmele pa rin ang sumalo sa opening kickoff ng 2nd half at dinala niya ang bola sa Ravens 31. Na-three-and-out ng depensa ng Raiders ang Ravens. Dahil sa nasaktan si Frye, si [JaMarcus Russellinternal-link-placeholder-0]* *ang pumasok na quarterback ng Raiders sa 3rd kuwarter.

Umabot sa 41 ang mga Raiders bago sila nahinto. Ang punt ni Lechler ay umabot ng 59-yarda. Natigil ang posesyon ng Ravens nang ma-sack si Flacco sa 3rd and 8 ng mga rookie na safety, sila [Michael Huffinternal-link-placeholder-0]*at [Mike Mitchellinternal-link-placeholder-0] *. Ibinalik ni Higgins ang punt sa Raiders 48.

Pagkaraan ng 31 yarda na drive sa loob ng 9-play, ay sumipa si Janikowski ng 39-yarda na field goal at lumapit ang mga Raiders sa lamang ng Ravens na 14-13 sa 4:06 ng 3rd kuwarter. Sa field goal na ito ay umabot na sa 1,000 points ang na-iskor ni Janikowski sa kanyang karera.

Ibinalik ni Parmele ang kickoff sa Ravens 34. Na-three-and-out ng Raiders ang Ravens. Ibinaba ni Higgins ang punt sa Raiders 27. Umaabante ang Raiders nang maagaw ang isang pasa ni Russell at dinala sa Oakland 22. Sinamantala ito ng Ravens at umiskor si McGahee ng 1-yarda na TD run. Kasama ang extra point at lumayo ang Baltimore sa 21-13 at meron pang 13:16 ang laro.

Sa sumunod na kickoff ay lumuhod si Gary Russell para sa touchback. Natigil ang atake ng Raiders nang na-sack at nag-fumble si JaMarcus Russell. Nakuha ng Ravens sa kanilang 23. Umabante ang Baltimore sa Raiders 33 pero nag-mintis si Cundiff sa 51-yarda na field goal. Sa kanilang 41 nag-take over ang Raiders at meron pang 3:43 ang laro.

Hindi na umiskor ang Raiders at nang muling humawak ng bola ang Ravens, si Flacco ay lumuhod na lamang sa tatlong play upang ubusin ang orasan.

Natapos ang kampanya ng Raiders sa 2009 ng 5-11 na rekord.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising