Naghanap ng lulusutan si RB[Mike Goodson. AP Photo.
Nanalo ang Raiders sa pambungad na coin toss at pinili nila ang tumanggap sa bola. Na-touchback ang sipa ni K Steven Hauschka at sumugod ang Raiders ngunit natigil sila sa kanilang 38. Si WR Golden Tate ang nagbalik sa 41 yarda na punt ni P Shane Lechler at dinala niya ng 2 yarda sa Seattle 23.
Pumaltos ang atake ng Seahawks sa Raiders 35 at nagmintis din ang tinangkang 53-yarda na field goal ni Hauschka. Nag-umpisa ang pagsugod ng Raiders sa Oakland 43.
Pinalitan ni Matt Leinart si Carson Palmer bilang quarterback para sa Pilak at Itim. Na-three-and-out ng Seahawks ang Raiders at nag-punt si Lechler. Ang 31 yarda na punt ni Lechler ay naibalik sa Seattle 10 sa 6:30 ng orasan ng 1st kuwarter.
Binawian ng Raiders ang Seattle ng isa rin na three-and-out ngunit nag-fumble si WR Roscoe Parrish nang saluhin niya ang punt at nakuha muli ang bola ng Seattle sa loob ng teritoryo ng Oakland. Nagmatigas ang depensa ng Raiders at field goal lamang ang nakuha ng Seattle nang ipasok ni Hauschka ang 25-yarda na sipa kaya lumamang ang Seattle ng 3-0 sa 1:05 ng 1st kuwarter.
Hinayaan ni RB Taiwan Jones na lumipad sa itaas ng ulo niya ang kickoff at na-touchback ang bola kaya nag-umpisa ng pagsugod ang Raiders sa kanilang 20. Muling na-three-and-out sila at nag-punt si Lechler. Sa kanilang 26 nag-umpisa ang atake ng Seattle matapos ng isang penalty. Pinalitan ni Matt Flynn si Russell Wilson bilang quarterback.
Na-three-and-out muli ng Raiders ang Seattle at nag-punt si P Jon Ryan. Kamuntik nang ma-rekober ng Seattle ang bola nang pumalpak si Parrish sa pagsalo ng punt. Mabuti na lang at nag-out of bounds ito at ibinigay ang bola sa Raiders. Hinamon ni Seahawks head coach Pete Carroll ang pasiya ng reperi pero ipinagtibay ang pasiya at nagsimula ang Raiders sa kanilang 20.
Ilang play ang nakaraan nang maintersep ni CB Jeremy Lane ang isang pasa ni Leinart para kay WR Brandon Carswell. Sa Oakland 29 umabot si Lane. Nahinto ng Raiders ang abante ng Seahawks at sumipa ng 29 yarda na field goal si Hauschka. Pumasok ito at lumamang ang Seattle ng 6-0 sa 9:32 ng 2nd kuwarter.
Ibinalik ni DB Coye Francies ang kasunod na kickoff at na-fumble ang bola, pero nasunggaban ng Raiders ang bola. Nakatakbo si RB Mike Goodson ng 17-yarda bago sila nag-punt. Ito ay naibalik ni Tate sa Seattle 22.
Matapos umatake sila ng 78 yarda sa loob ng 11-play, inilusot ni RB Vai Taua ang bola ng 2-yarda para sa TD. Pumasok din ang extra point at lumamang ng 13-0 ang Seattle sa 1:11 ng 2nd kuwarter.
Si CB Bryan McCann ang nagbalik sa kickoff pero na-three-and-out sila at natapos ang half na lamang ang Seahawks ng13-0 bago sila bumalik sa kanilang locker room.
Si CB Phillip Adams ang nagbalik sa kickoff ni K Eddy Carmona at dinala niya sa Seattle 17. Kumuha ang Seahawks ng isang first down bago sila nag-punt. Nag-fair catch si McCann sa Oakland 34. Pumasok si Terrelle Pryor na quarterback ngunit sila ay agad na-three-and-out.
Sumugod ng 90 yarda ang Seahawks at sa dulo nito ay kumunekta si Flynn ng 4 yarda na pasa kay TE Cooper Helfet para sa TD. Na-block ni DT Dominique Hamilton ang extra point kaya lumamang ang Seahawks ng19-0 sa 4:29 ng 3rd kuwarter.
Sinalo ni McCann ang kickoff sa endzone at ito ay touchback. Nabigo muli ang atake ng Raiders at nag-punt ng 54 yarda si Lechler.
Si Josh Portis ang pumasok na quarterback para sa Seattle. Natigil sila ng depensa ng Raiders at nag-fair catch si McCann sa kanilang 8. Meron 9:49 ang nalalabi sa laro..
Nakulong si Goodson sa end zone at umiskor ng safety ang Seattle kaya lumayo ang lamang nila sa 21-0 sa 8:14 ng laro. Pagkaraan ng free kick, nagsimula ang Seattle sa kanilang 35. Pagkaraan ng ilang play, isang mahalagang 4th down ang nahinto ng Raiders at nakuha muli ang bola sa huling 4:36 ng laro.
Naiwasan ng Raiders ang kamote nang ipasok ni Carmona ang isang 31-yarda na field goal at ang iskor ay 21-3 sa huling 15 sandali ng laro.
Bubuksan ng Raiders ang kanilang 2012 Regular Season sa Monday Night Football ng ESPN sa Setiyembre 10 laban sa San Diego Chargers sa O.co Coliseum ng Oakland.