Skip to main content
Raiders
Advertising

Nag-Bocce ang Raiders para sa Kawanggawa

060211-Bocce-article.jpg

Nakikinig sila Coach Waufle, Woodson, at Bresnahan, kasama ang lehendaryong  Raiders na si Art Thoms sa dating head coach Steve Mariucci habang pinag-uusapan ang stratehiya sa putbol. Photo by Tony Gonzales.
**

Ang mga kasapi sa The Oakland Raiders coaching staff at mga lehendaryong Raiders ay sumali sa 13th Annual Madden-Mariucci Bocce Ball Tournament na ginanap sa  Livermore, Calif. Ang Cornerbacks coach at Hall of Famer na si Rod Woodson, ang defensive coordinator na si Chuck Bresnahan, at special teams coordinator John Fassel, at defensive line coach Mike Waufle, pati si safeties coach Kevin Ross, at ang assistant to the head coach Tom Jones, ay umasang pagharian ang bocce ball laban sa mga teams na galing sa iba't ibang pook ng Bay Area. Ang Raiders team ay pinangunahan ni Chief Executive Amy Trask at ang Hall of Fame cornerback na si Willie Brown. Sila Hall of Fame Center Jim Otto at Raiders Legend Art Thoms ay nagpakita rin ng husay sa paglaro ng bocce ball. 

Itinalaga ng Madden-Mariucci Bocce Ball Tournament ang magpalago ng pondo na iniuukol sa iba't ibang charity. Sa taong ito, ang mga pondo na natipon mula sa mga tagapagtaguyod at mga donasyon at sa mga silent auction, ay ipinagkaloob sa Special Olympics Northern California, the Juvenile Diabetes Research Foundation International (JDRF), Easter Seals Disability Services, at sa Tri-Valley High School Football.

"Nangingilak kami ng pondo para sa kabataan," ang sabi ng dating head coach at tagatatag ng event, si Steve Mariucci. Ilang taon na rin sumasali ang Raiders sa Battle of the Bay bocce tournament. "Ikinasisiya naming tulongan sina Coach Madden at Coach Mariucci at ang mga charity na makikinabang sa event na ito" ang samo ni Trask. 

Ang event na ito ay ibinalak na maging masaya at kawili-wili, nguni't mahigpit rin ang labanan. Kasama ng mga Raiders team ay ang mga team ng coach at manlalaro ng ibang pro sports team sa Bay area. Gaya ng San Franciso 49ers, na dala si Coach Jim Tomsula at mga dating player na si Eric Wright at J.J. Stokes, samantala ang Golden State Warriors ay dala ang forward na si Dorell Wright na nagpakita ng galing sa Bocce. Ang pumapel naman mula sa San Jose Sharks ay ang TV broadcaster Randy Hahn at dating player na si Jamie Baker at ang San Francisco Giants team ay kasama ang dating pitchers na si Vida Blue at Bill Laskey.

Apat na matchup ang nilaro ng bawat team, at sa resulta nito nalaman kung alin team ang mga pumasok sa playoffs. Nakaharap ng Raiders ang team ng Funicolare at Vanguard. Sa Raiders team, ang coach lang ang meron experyensa sa bocce dahil lumaki si Coach Waufle sa Italyanong pamilya na naglalaro ng bocce sa New York tuwing Linggo. Ang ibang miyembro ng team ay walang karanasan sa bocce. Natalo sila sa unang dalawang team.  

Sa ikatlong laro, ang team ng mga coach ng Raiders ay lumaban ng husto at nagwagi sa KPMG para sa kanilang pangunang panalo. Sa kanilang panghuling divisional matchup laban sa Falcons, kamuntik ng maka-upset ang Raiders pero natalo pa rin, kaya hindi sila pumasok sa playoffs.

Kahit na nahirapan sila sa bocce, hindi naman ang resulta ng laro ang pinakamahalagang bahagi ng araw na iyon. "Ang makapagtipon ng maraming pondo upang ihandog at itulong sa tao, yan ang unang dahilan kung bakit natin ginawa ito." sabi ni Coach Waufle.

 "Sa aking palagay, lahat ng mga sport franchise at mga taong naririto ay dapat palakpakan sa kanilang ginagawa," ani Coach Ross, na ngayon lang nakapaglaro ng bocce. "Maganda ang layunin at maganda ang event at nakakatulong sa lahat."

Sa kanilang pagsali sa Madden-Mariucci Super Bowl of Bocce, ang mga coaching staff ay natuto ng larong bocce at nakipag-ugnayan at nagkaroon ng pagkakataon na makapagbigay sa komunidad ng Bay Area.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising