Skip to main content
Raiders
Advertising

Nagpadala ng mga Kinatawan ang Raiders Sa Innsbruck

061411-austria-story.jpg

Sina Raiderettes Jennifer, Itza, Angel, Tiphanie, Anna at Natalie at Raiders Hall of Famer na si Willie Brown at Raiderette Director/Raiders.com personality na si Jeanette Thompson ay patungo sa Innsbruck, Austria para sa 2011 Eurobowl.

Aalalayan ng Oakland Raiders ang kanilang kinakapatid na team sa Austria, ang SWARCO Raiders, sa kanilang paghamon sa titulo ng 2011 Eurobowl. Ipapadala din ng Pilak at Itim ang Pro Football Hall of Famer at lehendaryong Raider na si Willie Brown gayundin ang anim na Raiderettes sa Innsbruck para sa Eurobowl XXV.

Ang final ng European Football League (EFL) ay gaganapin sa Sabado, Hunyo 18 sa Tivoli Stadium. Paghahandaan ng dalawang beses na kampeon ng Eurobowl na SWARCO Raiders ang kasalukuyang kampeon na Berlin Adler para sa korona ng Europa.

Ang anim na Raiderettes, si Willie Brown, kasama si Jeanette Thompson, ang Raiderette Director at tagapaglingkod ng Behind The Shield: Online, ay magpro-promote ng Oakland Raiders sa Austria at pati na rin ang pinakamalaking game ng season sa Europa.

"Ikinagagalak naming samahan ang Swarco Raiders sa Austria – at parati naming ikinasisiya sa lahat ng pagkakataon na dalawin ang aming global fan base at  aming ipagpapalakpakan ang Swarco Raiders na manalo ng Eurobowl," sabi ng Raiders Chief Executive na si Amy Trask.

Idinagdag rin ng Pangulo ng SWARCO Raiders na si Elisabeth Swarovski, "Aming ipinagmamalaking batiin ang mga Raiderettes at ang idolong Raider na si Willie Brown sa Innsbruck. Sa ganito ipinapakita ng Oakland Raiders ang kanilang pakikisama sa SWARCO Raiders. At mabibigyan diin ang lumalaking kahalagaan ng putbol sa Europa at ang Eurobowl sa US."

Siguraduhing tingnan ang Raiders.com para sa kumpletong coverage ng pagdalaw sa Austria.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising