Naka-rush siRB [Michael Bush ng 24 beses para sa 69 yarda at isang mahalagang touchdown sa 4th kuwarter. AP Photo.
Na-set ni Raiders K [Sebastian Janikowski*ang team rekord na anim na field goals, at na-set din ni P [Shane Lechler ang team rekord na 80-yarda na punt at si QB [Carson Palmer *ay naghagis ng kabuuan na 301 yarda sa panalo ng Raiders sa Chicago Bears sa iskor na 25-20 sa O.co Coliseum ng Oakland.
Nanalo ang Bears sa opening coin toss at pinili nilang mag-receive ng bola. Si K Sebastian Janikowski ang sumipa ng opening kickoff at ito ay sinalo ni Johnny Knox at ibinalik niya ang bola sa Chicago 35, pero dahil sa penalty, nag-umpisa ang Bears sa kanilang 18. Dagliang napuersa ng depensa ng Raiders ang three and out. Nag-punt si P Adam Podlesh at sumenyas ng fair catch si CB [Bryan McCann* *sa Oakland 29.
Sa sumunod na 6 play umabante ang Raiders ng 49 yarda pero nahinto ang atake nila sa Chicago 22. Sumipa ng field goal sa layong 40 yarda si Janikowski at pumasok ito kaya lumamang ang Raiders ng 3-0 sa 11:11 ng 1st kuwarter.
Ibinalik ni Knox ang kasunod na kickoff sa Chicago 23. Sa third down, hindi nasalo ni Knox ang pasa sa kanya at nag-punt muli si Podlesh. Dinala ni McCann ang bola sa Raiders 25. Bumawi rin ang Bears at na-three and out din ang Raiders. Nag-punt si P Shane Lechler at ibinalik ito ni WR Devin Hester at dahil sa penalty, nagsimua ang atake ng Chicago sa kanilang 16.
Bumalik ang bola sa Raiders nang agawin ni CB [Stanford Routt* *ang isang pasa ni QB Caleb Hanie sa Bears 31. Nabigo ang Raiders na dalhin ang bola sa endzone, pero pumasok naman ang 48-yarda na field goal ni Janikowski at naging 6-0 ang lamang ng Raiders sa 4:20 sa 1st kuwarter.
Si Hester ang sumalo sa kasunod na kickoff at dinala niya ang bola sa Bears 18. And sumunod na drive ng Bears ay nahinto nang maintersep ni FS [Michael Huff* *ang bola. Sa Raiders 43 sila nag-take over pero hindi nila nasamantala ang kanilang magandang posisyon at nag-punt muli si Lechler. Lumipad ng 44-yarda ang bola bago ito ay nag-out of bounds sa Bears 3.
Pinigilan muli ng Raiders sa three and out ang Bears at nag-punt si Podlesh. Si WR [T.J. Houshmandzadeh* *ay sumenyas ng fair catch sa gitna ng field. Nahinto ang drive ng Raiders nang maintersep din ng Chicago ang nadaplisang bola sa kanilang 26.
Lumamang ang Chicago sa iskor na 7-6 nang tamaan ni Hanie si Knox para sa 29 yarda na TD sa 4:41 ng 2nd kuwarter. Pinasok ni K Robbie Gould ang extra point.
Ang kickoff ni Gould ay tumuloy-tuloy sa end zone at na-touchback. Sa loob ng 5 play umabante ang Raiders ng 42 yarda bago ipinasok ni Janikowski ang 56-yarda na field goal. Umabante ang Raiders ng 9-7 sa 2:56 ng 2nd kuwarter at dina nila binitiwan ang paglamang.
Umabot si Knox sa Raiders 31 sa pagbabalik ng kickoff ni Janikowski. Meron pagkakataon umiskor ang Bears dahil malapit na sila sa endzone subalit na-intersep ni DE/LB [Kamerion Wimbley*ang pasang nasagi ni LB [Aaron Curry *at itinakbo niya ang bola ng 74 yarda sa Bears 13, at dahil sa horse collar tackle penalty ay nabigyan ng 1st ang goal ang Raiders sa Bears 6. Hindi nakatawid sa endzone ang Raiders at muling sumipa ng field goal na 19 yarda si Janikowski. Lumamang ng 12-7 ang Raiders dalawang sandali bago natapos ang 1st half.
Sa umpisa ng 2nd half, pagkaraan ng 10 play ay umabante ang Raiders ng 61 yarda at sumipa ng panglimang field goal sa larong ito si Janikowski mula sa 37 yarda. Umabot na sa 15-7 ang lamang ng Raiders sa 11:08 ng 3rd kuwarter.
Matapos ma-touchback ang kasunod na kickoff, sa Bears 20 nagsimula ang atake nila. Isang first down lamang ang pinalusot ng Raiders bago sila nag-punt. Ang punt ni Podlesh ay nadala sa Raiders 34 pero na-three and out sila. Nag-punt si Lechler ng 54 yarda at dinala ni Hester sa Chicago 17.
Nadomina ng Raiders ang linya ng scrimmage at na-three and out ang Bears. Mula sa Raiders 38 umatake sila at humantong muli sa rekord na pang-anim na field goal ni Janikowski mula sa 44 yarda. Lumamang ng 18-7 ang Raiders sa huling 22 sandali ng 3rd kuwarter.
Sa Chicago 18 dinala ni Knox ang kickoff at umatake ang Bears hanggang sa sumipa ng 50 yarda na field goal si Gould kaya nabawasan ang lamang ng Raiders sa 18-10 sa 10:51 ng 4th kuwarter.
Sa paghawak ng bola ng Raiders, nakasalo ng 15 yarda na pasa sa sideline si WR [Darrius Heyward-Bey* *pero na-overturn ito ng hamunin ng coach na lumabas daw sa linya ang isang paa ni DHB. Na-three and out ang Raiders at nag-punt si Lechler nang pagkahaba-habang 80 yarda na punt, na lumampas sa ulo ni Hester at ito ay na-touchback.
Umatake ang Bears at sumipa muli ng field goal si Gould mula sa 53-yarda at nabawasan sa 18-13 ang lamang ng Raiders sa 7:17 ng 4th kuwarter.
Dinala ni McCann ang kasunod na kickoff sa Raiders 26. Isang mahabang pasa ni Palmer ang nasalo ni WR Louis Murphy at itinawid ni RB Michael Bush ang bola sa endzone para sa 2-yarda na TD. Pumasok din ang PAT at humaba ang lamang ng Raiders sa 25-13. Bumawi agad ang Bears ng isang 9-yarda na TD pasa kay TE Kellen Davis at ang iskor ay Raiders 25-20 sa huling 2:11 ng laro.
Narekober ni Raiders TE [David Ausberry* *ang onside kick sa 2:07 sa orasan. Na-three and out ang Raiders at nag-punt si Lechler . Ang punt niya ay eksaktong lumabas sa 4-yard line. Sa layo ng simula nila, nawalan na ng panahon ang Chicago dahil sa 1:01 na lang ang nalalabi at wala na silang timeout. Natapos ang laro na di na umiskor.
Sa panalong 25-20 ng Raiders ay gumanda ang rekord nila sa 7-4 at nangunguna sila sa AFC West. Sila ay dadayo sa Miami upang harapin ang Dolphins sa darating na Linggo.