Tinalo ng San Francisco 49ers ang Oakland Raiders sa Bill Walsh Field ng Candlestick Park sa San Francisco sa ikalawang linggo ng aksiyon ng 2009 Pre-Season. Kinumpleto ni Raiders QB JaMarcus Russell ang 7 sa 11 na pasa para sa 76 yarda at kumunekta rin ng isang 24-yarda na TD pass kay rookie WR Louis Murphy.
Nanalo ang Raiders sa pambungad na coin toss, at pinili nilang mag-receive ng bola nguni't na-three-and-out agad sila. Sa unang posesyon ng 49ers, naka-pick up sila ng first down at umabante sa kanilang 45 yardline bago sila hininto ng depensa ng Raiders at napilitang mag-punt. Ang punt ni P Andy Lee ay lumipad ng 55-yarda at tumalbog ito sa loob ng endzone at dahil sa touchback nagsimula ang opensa ng Raiders sa kanilang 20. Meron pang 10:50 minuto sa 1st kwarter.
Ang sumunod na drive ng Raiders ay nahinto sa gitna ng field. Nag-punt si Ricky Schmitt ng 45 yarda at ibinalik ito ni Allen Rossum ng isang yarda lamang sa kanilang 16. Pagkaraan, na-agaw ni LB Ricky Brown ang isang pasa ni Smith at itinakbo niya ng 46 yarda hanggang sa San Francisco 12-yard line.
Umatake ang Raiders at isang pasa ni QB JaMarcus Russell ang nasalo ni TE Zach Miller at umabot ang Raiders sa 4 yardline ng 49ers, pero na-turn over ang bola dahil sa nabigong ipasok sa endzone ang bola sa 4th and goal. Natapos ang kwarter na walang iskor at pumasok si Shaun Hill bilang quarterback para sa 49ers sa sumunod na kwarter.
Ang drive ng 49ers ay nahinto ng pumaltos silang makakuha ng 1st down sa 4th and 2 sa Raiders 40. Nag-take over ang Oakland at meron pang 12:29 sa 2nd kwarter.
Tinapos ni QB JaMarcus Russell ang 7-play at 59 yarda na drive nang pasahan niya si rookie WR Louis Murphy at sinalo nito ang 24 yarda na TD. Inabot ng 3:44 ang drive na ito at nagbigay ng lamang sa Raiders ng 7-0 sa 8:45 ng orasan sa 1st half.
Umabante ang 49ers hanggang sa Raiders 4 bago sila nabigong umabot sa endzone at sumipa ng field goal si K Joe Nedney. Ang 21 yarda na field goal ang tumapos sa kanilang drive na 13-play at 76 yarda at nagbawas ng lamang ng Raiders sa 7-3. Meron na lang 1:59 ang nalalabi sa 1st half.
Pumasok si Jeff Garcia na quarterback at dinala niya ang Raiders sa loob ng teritoryo ng 49ers. Ngunit naagawan sila nang dumaplis ang bola sa kamay ni WR Johnnie Lee Higgins at nasalo ni Rossum ang bola. Naka-dalawang play lang ang 49ers bago naubusan ng oras sa first half.
Si Nate Davis ang pumasok na quarterback ng 49ers sa second half. Umabot ang drive ng San Francisco sa Raiders 33 bago sila napuersang sumipa ng field goal. Pumaltos ang sipa ni Nedney sa layong 51 yarda at nag-take over ang Pilak at Itim sa kanilang 41. Si Bruce Gradkowski ang quarterback.
Sa dulo ng 8-play sa 59 yarda na abante, kumunekta si Gradkowski kay rookie TE Brandon Myers para sa isang 2-yarda na TD. Lumamang ang Raiders ng 14-3. Sumagot naman ang 49ers at nakinabang sa mga turnover ng Raiders. Napasahan ni QB Nate Davis si TE Delanie Walker ng isang maiksing TD pass at umiskor pa ang 49ers ng 2 point conversion. Pumasok din ang sipa ni K Alex Romero mula sa 28-yarda at umiskor ng field goal, at pagkaraan naitakbo ni RB Kory Sheets ang 5 yarda para sa TD, at dito lumamang ang 49ers ng 21-14 sa 4th kwarter.
Si QB Charlie Frye ang nagdala sa Raiders sa kahulihan ng laro. At sa walong play umabante sila ng 67 yarda at tinapos ni Frye ang atake ng isang 14-yarda na scramble para sa touchdown. Tinangka nila ang 2-point conversion pero pumalpak at nanatili ang bentahe ng 49ers, sa iskor na 21-20 at meron na lang 3:30 ang nalalabi sa laro.
Sa sumunod na laro, napuersa ng Raiders ng three-and-out ang 49ers pero nag-fumble sa punt return at nabalik ang bola sa 49ers sa Raiders 27 at sa kanila naubos ang oras.
Ang Raiders ay 1-1 na sa pre-season, at lalabanan nila ang New Orleans Saints sa Oakland-Alameda County Coliseum sa Sabado.