Ang rookie safety na si[Aaron Henry. Photo by Tony Gonzales
Tinapos ng Raiders ang ikalawang linggo ng Organized Team Activities (OTAs) noong Huwebes sa kanilang pang-esayong pasilidad sa Alameda. Pagkaraan ng anim na araw na ensayo sa field, ang mga rookies ay nakaka-adjust na sa bilis ng laro sa NFL at nagiging kumportable nang makalaro ang mga beterano. "Talagang patungong mabuti," sabi ni S Aaron Henry, isang rookie mula sa Wisconsin. "Malaking kaibahan sa kolehiyo, siyempre, adjust kami ng husto, napakabilis ang takbo ng paglalaro. Talagang-talaga na ramdam ko na mabuti ang aming mga ensayo at marami akong natutunan sa mga datihang manlalaro."
Kahit na lumalangoy sila sa napakatinding agos ng impormasyon, maganda ang pakiramdam ng mga bagito sa nangyaring rookie mini-camp at dalawang linggo ng OTAs. "Maganda ang pakiramdam ko, " ani rookie OL [Dan Knapp . "Marami akong dapat gawin, kailangan kung dibdibin itong playbook, pero nag-uumpisa ng makuha ko na, at nagsimula ng nakakasanayan ang sistema at ako'y umaasa sa hinaharap."
Si DT [Christo Bilukidi , ang ika-6 rawnd na seleksiyon ng Raiders sa draft ay sabik na umabot sa baytang ng mga pro. "Mahirap, pero isa-isang hakbang bawat araw lamang," sabi ni Bilukidi. Samantala si K [Eddy Carmona , ang rookie kicker mula sa Harding ay, ay umaani ng eksperiyensa. "Masarap ang pakiramdam ko. Pangarap ko ito, " sabi ni Carmona.
Nag-umpisa ang mga bagito sa all-rookie mini-camp bago sila nakihalo sa mga beterano doon sa OTAs. Ang unang diperensiyan nakita nila ay ang pagbabago sa bilis ng laro. "Iba na ngayon dahil matindi ang bilis ng laro," sabi ni Bilukidi. "Alam nila ang kanilang gagawin, dahil matagal na nilang ginagawa ito at matagal na silang magkakakilala."
Magsusumikap ang mga rookies sa strength at conditioning nila at pag-aaralan nila ang sistema ng laro sa playbooks at sa mga film sa susunod na lingo, habang off ang mga beterano. Ito ang opurtunidad nila na humabol sa mga beterano at mag-improve.
Ang mga bagito ay determinadong ipatunay na nararapat sila bilang Raiders. "Sa panahong ito, nais kong maging mahusay sa weight room at mapag-aralan ang mga play at gamitin ang panahon na maintindihan lalo ang playbooks at matutunan ang lahat," sabi ni Streater.
Ipagpapatuloy ang OTAs sa Hunyo 4 at susundan ito ng full-team mandatory na mini-camp.