Skip to main content
Raiders
Advertising

Nanood si Natalie Coughlin ng Raiders

120208coughlin300.jpg


Ang manlalangoy na babae na nanalo ng pinakamaraming medalya sa nakaraang Olympic Games na si Natalie Coughlin ay nanood ng laro ng Oakland Raiders at Kansas City Chiefs nitong Linggo sa Oakland-Alameda County Coliseum.

"Ako ay sampung taon nang fan ng Raiders dahil sa ang aking kasintahan at ang kanyang pamilya ay masugid na fan ng Raiders. Sila ang nagturo sa akin na magustuhan ang football. At nagustuhan ko ang Raiders."

Sa Beijing Olympics nitong nakaraang tag-araw, si Natalie ang naging pinaka-unang manlalaro na babaeng Amerikano sa kasaysayan ng Olympics na manalo ng anim na medalya sa isang palaro at pinaka-unang babae na manalo ng magkasunod na gold medal sa 100 m backstroke sa dalawang Olympics. Kasama ang panalo niya sa Athens Olympics noong 2004, meron siyang 3 na gold, 4 na silver, at 4 na bronze na mga medalya. Hawak niya ang rekord sa World, American at US Open sa iba't ibang mga events at siya ay nagbabalak na lalaban sa Olympics sa 2012.

Siya ay tubong Vallejo ng California at meron dugong Irish at Pilipino. " Kung saan ako lumaki ay maraming mga kapitbahay at mga ka-eskwelang mga Pilipino, at maraming pagkain at meron kunting kultura na Pilipino." Mahilig din siya sa potografia, sa surfing at sa pagluluto. Sa kanyang pagluluto ay nakikita rin ang kanyang hilig sa kumpetisyon. "Pinakamasarap ang lumpia ng lola ko, walang laban. Masarap naman ang adobo ko, yan ang kaya kong gawin."

Sa araw na ito, narito si Natalie upang manood ng mga Raiders."Itsi-tsir ko sila sa buong laro, doon sa stands, habang ako'y kumakain ng bratwurst." At si Natalie na dating pambatong swimmer ng UC Berkeley ay siguradong papalakpakan ang kanyang paboritong manalalaro ng Pilak at Itim, ang dating Cal Bears na si CB Nnamdi Asomugha.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising