-sack ni LB [Trevor Scott* *si QB Tony Romo ng Cowboys at naagaw pa niya ang bola.. AP Photo.
Sa init na 101°F, binuksan ng Oakland Raiders and kanilang 2010 preseason at pang-51stseason bilang propesyonal nang isang panalo laban sa [**
**](http://www.dallascowboys.com/) sa iskor na 17-9 sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas. Limang beses na pinabagsak ng depensa ng Raiders ang mga quarterback ng Dallas sa first half.
Naunang tumanggap ng bola sa kickoff ang Raiders at na-three-and-out sila. Si [Jason Campbell*ang istarter na quarterback. Kinapos sa first down ang pasa niya kay TE [Zach Miller at sinipa ni Pro Bowl P [Shane Lechler *na nasalo ni Bryan Mcann para sa Cowboys sa kanilang 31.
Lumamang agad ang Dallas ng 3-0 sa 6:56 ng first quarter nang ipasok ni K David Buehler ang field goal mula sa 42-yarda sa dulo ng atake na 12-play at 45-yarda na drive. Si Rookie DE [Lamarr Houston* *ang nag-sack ng dalawang bese kay QB Tony Romo, at ang sack ni LB Trevor Scott ang dahilan kaya nag-field goal ang Cowboys.
Hindi pa rin naka-abante ang Raiders at muling humawak ng bola ang Cowboys sa kanilang 41.
Nakabawi ng three-and-out din ang Raiders nang ma-sack ni DE [Matt Shaughnessy* *ang QB ng Cowboys. Dahil sa penalty, sa 23 sila nag-umpisa kahit na maganda ang punt return ni WR Johnnie Lee Higgins.
Umatake ang Raiders hanggang sa Dallas 31 bago sila pumalpak sa 4th and 1. Muling nahinto ng depensa ng Raiders ang Cowboys nang ma-sack nila si Shaughnessy. Si [Kyle Boller* *ang pumasok na quarterback para sa Raiders sa nalalabing 5:35 ng second quarter.
Sa sumunod na posesyon ng Raiders nagka-penalty sila at nag-punt si P [Swayze Waters* *ng 52 yarda papunta sa Cowboys at sa 32 yardline ng Raiders umabot ang 28-yarda na punt return ng Cowboys.
Sa Raiders 13, hindi na-convert ng Cowboys ang 4 and 1 at sa nalalabing 14 sandali dina rin umiskor ang Oakland. Nakadalawang run si RB [Rock Cartwright* *at isang di nakumpletong pasa kay Higgins at natapos ang first half na lamang ang Dallas ng 3-0.
Si K [Sebastian Janikowski* *ang nag-kickoff sa Dallas 22. Tinapos ni Buehler ang 9-play, 69-yarda na drive ng isang 27-yarda na field goal at nag-lead ang Cowboys ng 6-0 sa 3rd quarter.
Hindi pa rin maka-abante ang Raiders at pumasok na QB si Stephen McGee para sa Dallas. Ang Oakland din ay hanggang sa Dallas 43 lamang umabot ang kanilang kasagutang atake.
Mahigpit ang depensa ng Raiders at tinanggap ni WR [Yamon Figurs* *ang punt at umabot siya sa Oakland 46. Umabante sila at sumipa ng 35 yarda na field goal ang Raiders pero nabigo ang sipa si Swayze Water.
Pumalya ang punt ng Raiders at nakuha ng Dallas ang bola sa Raiders 11-yard line. Si Buehler ang umiskor mula sa 28 yardline upang bigyan ang Dallas ng 9-0 na lamang.
Bumawi ang Raiders ng tapusin ni Boller ang 13-play, 80-yarda na drive ng isang 3-yarda na TD pass kay WR [Nick Miller* *. Dinagdagan ni Waters ng extra point at lumapit sila sa Cowboys ng 9-7 at meron 4:58 na lang. Nabugbog si Waters sa extra point at nahilo siya.
Umiskor din si Janikowski pagkatapos ng 7-play, 54-yarda na drive at sumipa siya ng field goal sa layong 28-yarda at lumamang ang Raiders ng 10-9. Meron na lang 2:24 sa palaro.
Sa sumunod na kickoff ni Janikowski, sa 12 nakuha ng Cowboys pero na-penalty sila kaya sa 6 sila nag-umpisa. Nasingitan ni Safety [Jerome Boyd* *ang pasa ni QB Matt Nichols at humagibis ng 48 yarda at sa kanyang TD nasigurado na ang tagumpay. Balik-treyning ang Raiders sa Napa Valley Training Complex upang ipatuloy ang 2010 Training Camp. Dadayo ang Raiders sa Chicago at haharapin ang Bears sa Preseason Week 2 sa Sabado.