Skip to main content
Raiders
Advertising

Nataasan ng Raiders ang Jaguars ng 26-23 sa OT

102112-GAMECENTER-CP.jpg

Ipinaabot ang bola sa end zone ni WR[Denarius Mooreinternal-link-placeholder-0]** para sa 8-yarda na TD mula sa pasa ni QB Carson Pamer. *AP Photo.


Tinalo ng Oakland Raiders ang Jacksonville Jaguars sa iskor na 26-23 sa OT sa O.co Coliseum sa Oakland. Sumipa si K Sebastian Janikowski ng 40-yarda na field goal para sa tagumpay.

Nanalo ang Jacksonville sa pambungad na coin toss at pinili nila na maunang tumanggap ng bola. Si WR Michael Spurlock ng Jaguars ang sumalo sa panimulang kickoff ni K Sebastian Janikowski at dinala niya ang bola sa kanilang 16 yardline. Doon nagsimula ang opensa ng Jaguars at si Blaine Gabbert ang istarter na quarterback. Pinigilan sila ng Raiders sa three and out at sumipa ng punt si P Bryan Anger. Sinalo ito ni CB Phillip Adams at ibinalik niya ang bola sa Raiders 34.

Binawian ng Jaguars ang Raiders ng isang three-and-out din at nag-punt si P Shane Lechler. Itinulak ni TE David Ausberry si Spurlock na mag-out of bounds sa 27 yardline.   

Hinadlangan ng depensa ng Raiders ang opensa ng Jacksonville at hindi sila nakakuha ng isang first down. Si WR Denarius Moore ang sumalo sa punt at halos ma-fumble ito pero nadala niya sa 28. Pagkaraan ng ilang play, isang mahabang pasa ni QB Carson Palmer ang nasalo ni WR Darrius Heyward-Bey kaya gumana sila ng 59-yarda at umabot ang Raiders sa 1st and goal sa Jaguars 9. Nabigo sila na abutin ang end zone kaya sumipa si Janikowski ng field goal mula sa 21 yarda. Lumamang ang Raiders ng 3-0 sa 6:13 ng 1st kuwarter.

Ang kasunod na kickoff ni Janikowski ay na-touchback at nagsimula ang Jaguars sa kanilang 20. Sumagot ang Jacksonville ng isang 42-yarda na pasa at itinakbo ito ni WR Cecil Shorts para sa TD. Pumasok din ang extra point kaya nangibabaw ang Jaguars ng 7-3 sa 3:24 ng 1st kuwarter.

Ibinalik ni RB Mike Goodson ang kasunod na kickoff ni K Josh Scobee sa Oakland 44. Na-three and out ang Raiders at si Lechler ay nag-punt. Si Ross ang nag-fair catch sa Jacksonville 11. Tumirik ang drive ng Jaguars sa kanilang 48 at nag-punt si Anger. Pumalpak si Adams sa pagsalo ng bola at nakuha ito ng Jacksonville sa Oakland 16.

Sinamantala ng Jaguars ang pagkakamali ng Raiders at ang pumalit sa nasaktan na si RB Maurice Jones-Drew, ay si RB Rashad Jennings at tumakbo siya sa end zone mula sa 5 yarda. Lumaki ang lamang ng Jacksonville sa 14-3 sa 11:34 ng orasan sa 2nd kuwarter.

Dinala ni Goodson ang kasunod na kickoff at umabot siya sa Oakland 20. Na-three and out ang Raiders at nag-punt si Lechler. Ibinalik ni Spurlock ang 46-yarda na punt at dinala niya sa kanilang 33. Na-three and out din ang Jaguars at bumalik ang bola sa Raiders 23.

Subalit ibinigay muli ng Raiders ang bola sa Jaguars nang ma-maintersep si Palmer sa Raiders 36. Pumasok si Chad Henne bilang kapalit na quarterback sa nasaktan na si Gabbert. Nahinto ng Raiders ang Jags sa three-and-out at sumipa ng 50 yarda na field goal si Scobee. Pumasok ang sipa at lumamang ang dumadayong Jaguars ng 17-3 sa 5:57 ng 2nd kuwarter.

Na-rekober ng Jacksonville ang bola sa kanilang 45 nang linlangin nila ang Raiders na sa halip na sumipa ng kickoff ay isang onside kick ang sinipa nila. Nagpakatatag ang depensa ng Raiders at tinigil nila ang 4th and 1 kaya nag-take over sila sa 46. Hindi na naman umabot sa endzone ang atake ng Raiders pero ipinasok ni Janikowski ang 33 yarda na field goal, kaya nabawasan ng kaunti ang lamang ng Jaguars sa 17-6 sa huling 38 segundo 2nd kuwarter..

Pagkatanggap ng bola ng Jacksonville, hinayaan ni Henne na maubos ang nalalabing sandali ng 1st half at kuntentong pumasok sa kanilang locker room na lamang sila sa halftime.

Sa 2nd half, na touchback ang pambungad na kickoff at nagsimula ang atake ng Oakland sa kanilang 20. Subalit na-three and out sila at nagpunt si Lechler. Nakuhang ibalik ni Spurlock ang punt sa Raiders 39.

Mula sa ganyang posisyon hindi naman gumana ang mga Jaguars dahil sa mahigpit na depensa ng Raiders kaya sumipa si  Scobee ng field goal mula sa 40 yarda at ito ay pumasok. Lumamang sila ng 20-6 sa 10:42 ng 3rd kuwarter.

Ibinalik ni Goodson ang kasunod na kickoff sa Oakland 15 at sumugod ang Raiders ng 85 yarda sa loob ng 9 play at sa kahulihan nito ay ang pasa ni Palmer kay Moore para sa 8-yard TD. Kasama ang extra point ay nabawasan ang lamang ng Jaguars sa 20-13 sa 6:01 ng 3rd kuwarter.

Sa kanilang 17 naibalik ni Spurlock ang kickoff. Magandang depensa na naman ang ginawa ng Raidrs at di gumana ang pagsugod ng Jaguars nang ma-three and out sila, at nakita rito ang kauna-unahang sack ni LB Miles Burris. Nang sumipa ng punt si Anger, nasa 4th and 22 sila sa kanilang 5 yardline.

Ibinalik ni Adams ang punt at kasama ang holding penalty laban sa Jaguars ay nagsimula ang Oakland sa kanilang 40. Natigil ang atake ng Raiders sa Jaguars 45 at nag-punt si Lechler. Ito ay na-touchback.

Na-three and out muli ng Raiders ang Jaguars, at nang hawakan ni Palmer ang bola, siya ay na-sack at nabitawan ang bola. Ito ay napulot ng Jaguars at napasakanila ang bola sa Raiders 24. Kahit na napakalapit sa end zone ang simula ng drive ng Jaguars, naging matatag ang depensa ng Raiders at na-sack ni DE Lamarr Houston si Henne sa 3rd down. Sumipa si Scobee ng 45-yarda na field goal at naging 23-13 ang lamang ng Jags sa huling 12:40 ng laro.

Sa kanilang 8 nagsimula ang Raiders dahil sa penalty. Gumana ang atake nila pero kinulang sa endzone at sumipa si Janikowski ng 31 yarda na field goal, at ang iskor ay 23-16 Jags, sa 6:52 ng 4th kuwarter.

Na three and out muli ng Raiders ang Jaguars at pagkatapos ng punt, nagsimula sila sa Raiders 42. Sumugod ang Raiders, at sa sa 4th and 10, sa halip na sumipa ng field goal ay tinangka ni Palmer na pumasa, at salamat sa pass-interference na penalty call laban sa Jaguars ay nabigyan muli ng  pagkakataon na ituloy ang atake. Nang lumapit sila ng 1 yarda sa end zone, ay sariling ipinasok ni Palmer ang bola para sa touchdown. Dahil dito ay naitabla ng Raiders ang iskor sa 23-23 sa huling 3:34 ng laro.

Ang kasunod na drive ng Jaguars ay umabot sa Oakland 48 bago sila nag-punt. Na-three and out naman ang Raiders. Gayundin ang Jaguars, kaya sa huling 29 sandali, nakuha muli ng Raiders ang bola sa fair catch ni Adams sa Oakland 13.

Gumana ang atake ng Raiders at sa huling sandali, sa distansya na 65 yarda, ay sumipa ng field goal si Janikowski. Kung pumasok ito ay magiging bagong rekord na pinakamalayong field goal sa NFL, subalit kinulang ang sipa. Nabalik ang bola sa Jacksonville ngunit di na umiskor kaya nagkaroon ng overtime.

Sinalo ni WR Mike Thomas sa Jaguars 19 ang pambungad na kickoff ng overtime. Ngunit nag-fumble si Henne at na-turn over ang bola sa Raiders nang ma-rekober ito ni CB Joselio Hanson  sa Jacksonville 21. Sa distansiyang 40 yarda, napakadaling ipinasok ni Janikowski ang field goal at nagtagumpay ang Raiders ng 26-23.

Gumana sa 2-4 ang rekord ng Raiders at patungo sila sa Kansas City upang harapin ang Chiefs sa Arrowhead Stadium sa darating na Linggo.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising