Ang pagsalo at dagliang takbo ni FB[Marcel Reeceang nag-set up sa touchdown ng Raiders.Photo by Tony Gonzales.
Tinalo ng [**
**](http://www.sf49ers.com/) ang Oakland Raiders, 28-24 sa kanilang labanan sa Oakland-Alameda County Coliseum na tinaguriang Battle of the Bay sa ikatlong linggo ng aksiyon sa 2010 Preseason.
Matapos na ibalik ni RB [Rock Cartwright*ang bola ng opening kickoff sa Oakland 19, dinala ni QB [Jason Campbell ang mga Raiders at sumulong sila sa dulo ng field. Sa loob ng 8 play nagmartsa sila ng 81 yarda at umiskor si RB Michael Bush ng isang 1 yarda na touchdown. Sumipa ng extra point si K [Sebastian Janikowski *at lumamang agad ang Raiders ng 7-0 sa 9:37 ng unang kuwarter.
Sinalo ni Bobby Guillory ang sumunod na kickoff at ibinalik niya hanggang sa 49ers 17. Si Alex Smith ang pumasok na quarterback, at sa magkaparis na mahahabang pagtakbo ni RB Frank Gore dumating sa distansiya na naabot ng field goal para sa 49ers. Pumasok si K Joe Nedney at sumipa mula sa 37 yarda pero sumablay ito at nag-take over ang Raiders sa kanilang 27.
Na-three-and-out ang Raiders ng 49ers. Isang 51 yarda na punt ang sinipa ni P [Shane Lechler* *na ibinalik ni CB Phillip Adams ng 11 yarda sa 32 yard line ng San Francisco. Binawian ng Raiders ang 49ers nang three-and-out.
Si WR [Johnnie Lee Higgins* *ang tumanggap sa 53 yarda na punt ni P Andy Lee at dinala ang bola sa Raiders 20. Dahil sa illegal formation ay na-penalty ang Raiders at pumalpak pa ang atake nila. Nagpunt si Lechler ng 63 yarda at ibinalik ito ni Adams sa 49ers 34. Umabante ng 55 yarda ang 49ers sa loob ng 9 at sumipa si Nedney ng 28 yarda na field goal at lumiit ang lamang ng Raiders sa 7-3 at meron pang 11:23 ang 2nd kuwarter.
Si WR [Yamon Figurs* *ang nagbalik ng kickoff at tumakbo ng 19 yarda hanggang sa Raiders 26. Napuersa sa three-and-out ang Raiders. Tinanggap ni Adams ang punt ni Lechler at tuluyang dinala ito ng 83 yarda para sa touchdown. Isa pang punto ang sinipa ni Nedney at lamang na ang 49ers ng 10-7 at meron pang 9:41 ang 2nd kuwarter.
Si Cartwright muli ang tumanggap ng kickoff at dinala niya ang bola sa Raiders 18. Pagkatapos ng dalawang play, na-sack si Campbell at siya ay nasaktan. Pumalit na quarterback si [Bruce Gradkowski* * sa 3rd and 17. Ibinigay kay Bush at itinakbo niya ng 6 yarda. Nagpunt si Lechler at sa 49ers 40 nadala ito.
Sa katapusan ng 10 play at 60 yarda na drive, winakasan ni Smith ng isang 16 yarda na pasa kay WR Josh Morgan para sa touchdown. Isang pang extra point ni Nedney at lamang ang mga bisita ng 17-7 at 1:13 na lang ang natitira sa 2nd kuwarter.
Bumawi agad ang Raiders nang isang 74-yarda na pasa ni Gradkowski kay WR [Louis Murphy* *para sa touchdown. Pasok din ang extra point at lumapit sila sa 49ers ng 17-14 at 40 sandali na lamang ang 2nd kuwarter.
Si Guillory ang tumanggap sa kickoff at pinigil siya ni Raiders LB [Sam Williams* *. Dalawang play lamang ang nagawa ng 49ers at natapos ang 1st half at pumasok sila sa locker room na lamang ang San Francisco sa iskor na 17-14.
Napuersang mag-punt ang 49ers sa umpisa ng 3rd kuwarter, at agad kumunekta si Gradkowski kay TE [Zach Miller* *ng 27 yarda para sa touchdown. Ito ang nagtapos sa 9 na play at 72 yarda na drive. Walang paltos ang extra point ni Janikowski at lumamang ang Raiders, 21-17 at meron pang 8:13 sa kuwarter.
Nag-take over sa Raiders 48 ang 49ers sa kick return. Matapos ang 7 play at 28 yarda na drive, naka-iskor ng 38 yarda na field goal si K Shane Andrus at nabawasan ang lamang ng Raiders 21-20.
Ang rookie na si WR [Jacoby Ford* *ang nagbalik ng kickoff ng 19 yarda sa Raiders 22. Sa sumunod na 9 na play ay umabante ang Raiders ng 39 yarda at ipinasok ni Janikowski ang isang 57 yarda na field goal at tumaas ang lead ng Raiders sa 24-20, at 34 sandali na lang sa 3rd kuwarter.
Napuersa ng Raiders na mag-punt ang 49ers at nagsimula sila sa kanilang 15 nang ibalik ni WR Johnnie Lee Higgins ang punt ng 11 yarda. Umabot sa midfield ang atake ng Raiders pero napuersang mag-punt din sila.
Naka-touchdown si RB Anthony Dixon ng 1 yard run sa dulo ng 16 play at 80 yarda na drive. Naka-two-point conversion pa sila at lumamang ang 49ers 28-24, at 1:44 na lang ang nalalabi sa labanan.
Hindi na nakabawi ang Raiders at nagwagi ang 49ers sa iskor na 28-24.
Bumaba ang rekord ng Raiders sa 2-1 at wawakasan nila ang 2010 preseason sa Huwebes laban sa [**
**](http://www.seahawks.com/) sa Oakland-Alameda County Coliseum.