Nakaluhod ang team sa katapusan ng ensayo habang nakikinig kay Head Coach Dennis Allen.
Tinapos ng The Oakland Raiders ang unang linggo ng Organized Team Activities (OTAs) sa kanilang pasilidad ng ensayuhan sa Alameda noong Huwebes. Itong pag-eensayo ang unang pagkakataon na magkasama-sama ang mga bagito at beteranong manlalaro.
Sinamantala ng mga rookie na pagmasdan at pag-aralan ang mga beterano sa buong linggo ng pag-eensayo. "Pretty cool ito," sabi ni TE [Kyle Efaw , isang undrafted free-agent mula sa Boise State. "isang malaking hakbang na pataas ang kalibre ng kumpetisyon, ang husay ng mga players at iba pa, kaya pinag-aaralan ko ang lahat ng makikita ko sa mga beterano."
Para kay rookie WR [Derek Carrier , isang undrafted free agent mula sa Beloit College sa Wisconsin, sa OTAs ay kanyang unang napakiramdaman ang tunay na NFL. "Nabuksan ang mga mata ko," sabi ni Carrier. "Talagang mag-aadjust ako sa bilis ng laro."
Para sa mga beterano, ito ang unang pagmamasid nila sa mga rookie. "Mabuti naman ang nangyari," sabi ni CB [DeMarcus Van Dyke . "Maraming mga nagliliparang mga rookie, at meron din mga nagpakita na karapat-dapat sila dito, kagaya nila Juron Criner at [Chaz Powell , kaya maganda ang liggong ito."
Nagkaroon din ng sapat na panahon ang mga betrano upang mapag-ralan at makasanayan ang playbook. "Maganda ang nangyari," ani RB [Mike Goodson , na sumanib sa Raiders noong Marso."
Marami ang dumalo sa mini-camp at ngayon, sa OTAs. "Karamihan ay nagpunta rito para sa mini-camp, at sa OTA maganda na makitang narito lahat," sabi ni Van Dyke. "Ibig sabihin nito lahat ay nawiwili sa sinasabi ni Coach Allen."
Ngayong patuloy na sa pangalawang linggo ng OTA, ang mga betrano at mga bagito ay nagsusumikap na gumana at maiwasto ang pagkakamali nila at gumaling ang bawat isa at ang pangkalahatan ng team.