Skip to main content
Raiders
Advertising

Natatanging Q and A kay Commissioner Goodell

101010-goodell-story.jpg

Nakihalubilo si NFL Commissioner Roger Goodell sa mga Raiders fans bago nanalo ang mga Pilak at Itim laban sa  San Diego Chargers sa iskor na 35-27.Photo by Tony Gonzales.

Nanood si NFL Commissioner Roger Goodell sa Linggo 5 nang maglaban ang Raiders at San Diego Chargers. Nagbigay panahon din si Commissioner Goodell sa isang Q&A sa Raiders.com.

Q: Bakit mahalaga sa inyong palagay ang Raiders sa karanasan ng NFL?

Commissioner Goodell: Sa palagay ko napakahalaga ang Raiders sa NFL. Marami na ang mga tagumpay na nakamit ng Raiders franchise nitong mga nakaraang mga taon at ang ibig sabihin nito sa NFL, ay napakalaking bahagi na ang Raiders sa ating tradisyon at kasaysayan.

Q: Napakatindi ang pagka-panatiko ng Raider Nation. Paano mo sila ilalarawan?

Commissioner Goodell: Mailalarawan ko sila sa iyo pagkaraan ng ilang oras dahil sa tatabihan ko silang manonood ngayon. Makikita mo sila sa lahat ng panig ng mundo. Kapag ako'y nagbiya-biyahe sa mga palarong internasiyunal, naroroon din ang mga Raider fans. Matindi ang pagmamahal nila sa kanilang team … at napakalaking bagay yan.

Q: Ano ang maibibigay ninyong mensahe para sa Raider Nation? Ano ang nais niyong iparating sa kanila?

Commissioner Goodell: Katatapos ko lang makipag-usapan kay Ginoong Davis at alam kong walang hihigit sa kanya sa pagnanais na magwagi, kaya sundan ninyo lang siya dahil talagang gusto niyang magtagumpay  at sigurado akong aabot kayo roon.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising