Skip to main content
Raiders
Advertising

Nilampasan ng Raiders ang Chiefs sa OT

122411-kc-story.jpg

Iniwanan ni WR [Denarius Mooreinternal-link-placeholder-0] ang depensa ng Chiefs para sa isang 61-yarda na touchdown. AP Photo

Nanalo ang Chiefs sa opening coin toss at pinili nilang ipagpaliban sa second half ang pagtanggap ng bola. Ibinalik ni CB [Bryan McCanninternal-link-placeholder-0]

ng 28-yarda na field goal. Ito ang nagbigay sa Pilak at Itim ng 3-0 na lamang sa 13:20 ng 1st kuwarter.

Si CB Javier Arenas ang tumanggap sa kasunod na kickoff na tumalbog sa end zone at lumuhod siya para sa touchback. Pumasok na istarter si QB Kyle Orton at nagsimula sa kanilang 20 ang pagsugod ng Chiefs. Isang first down ang nakalusot sa depensa ng Raiders nang pumuslit si RB Thomas Jones ng 22-yarda, pero napuwersa nila ang punt sa sumunod na laro at nagpunt si P Dustin Colquitt.

Maganda ang simula ng pagsugod ng Raiders pero tinamaan si QB [Carson Palmerinternal-link-placeholder-0]

nang ipasa niya ang bola at ito ay naintersep ni LB Derrick Johnson at ibinalik niya sa Raiders 37. Pagkaraan ng siyam na play ay gumana ang Chiefs ng 31 yarda, at sumipa si Succop ng 23-yarda na FG. Nagtabla ang iskor sa 3-3 sa 3:06 ng 1st kuwarter.

Si McCann muli ang tumanggap ng kickoff at dinala niya ang bola ng 31 yarda hanggang sa Raiders 34. Subalit napuersa rin ang Raiders na magpunt. Ang punt ni Lechler ay naibaba sa Chiefs 5. Isang 1st down lamang ang nagawa ng Chiefs bago sila napuersa ng Raiders na magpunt. Ang punt ni Colquitt ay naibaba sa Raiders 32.

Magkasunod na malas ang dumating sa Raiders. Umabot sila sa 4th and 1 at tinangka nila ang pagkukunwaring sisipa ng field goal, bago ipinasa ang bola at umiskor sana ng touchdown pero pinawalang bisa ito dahil sa penalty na delay of game. Sumipa na lang ng 58 yarda na FG si Janikowski subalit tumama sa crossbar at nagmintis siya. Nag-take over ang Kansas City sa kanilang 48.

Sumugod ang Chiefs sa loob ng teritoryo ng Raiders bago naagaw ni S [Matt Giordanointernal-link-placeholder-0]

ang pasa ni Orton sa end zone at dinala niya ang bola ng 62 yarda hanggang sa Chiefs 40. Binawi rin agad ng Chiefs nang masikwat ni Arenas ang bola at dinala niya sa Kansas City 38.

Ang mga sumunod na drive ay puno ng mga penalties ng dalawang team bago sumipa si Succop ng field goal na 49 yarda pero nabara ito ni DT [Richard Seymourinternal-link-placeholder-0]

at narekober ni Giordano at itinakbo niya sa Chiefs 40. Dito nagtapos ang unang half.

Sa umpisa ng second half, ay tinanggap ng Chiefs ang bola pero agad silang napuersa ng Raiders na magpunt. Nag-take over ang Raiders sa kanilang 21. Pagkaraan ng ilang play, ipinasa ni Palmer ang bola ng 61 yarda kay WR Denarius Moore para sa TD. Okey din ang extra point at lumamang ang Raiders ng 10-3 sa 8:52 ng 3rd kuwarter.

Na-touchback ang kasunod na kickoff na sinipa ni Janikowski. Sumagot ang Chiefs nang sipain ni Succop ang field goal mula sa 20 yarda at nabawasan ang lamang ng Raiders sa 10-6 sa 3:30 ng 3rd kuwarter.

Si McCann muli ang tumanggap sa kasunod na kickoff at lumuhod siya sa endzone para sa touchback. Na-three and out ang Raiders, at nag punt si Lechler. Sumipa ng 76 yarda na punt si Lechler pero umabot sa endzone para sa touchback. Nabara naman ang drive ng Chiefs nang sikwatin ni CB [Stanford Routtinternal-link-placeholder-0]

ang pasa ni Orton. Na-penalty ang Chiefs at sa kanilang 38 nag-take over ang Raiders.

Na-three and out ang Raiders at bumalik ang bola sa Chiefs. Umabot sa 4th and inches ang Chiefs pero nabara sila ng mahigpit na depensa ng Raiders at nag-take over on downs ang Raiders.

Sumugod ang Raiders at sa loob ng 8 play ay tumawid sila ng 30 yarda at sumipa si Janikowski ng 31 yarda na FG . Umabot sa 13-6 ang lamang ng Raiders sa huling tatlong minuto ng laro.

Pagkaraan ng kickoff na na-touchback ay tumawid ng 80 yarda ang Chiefs at nagtabla ang iskor sa 13-13 nang tamaan ni Orton si WR Dwayne Bowe para sa 3-yarda na TD. Sa orasan ay 1:02 na lang ang nalalabi.

Na-touchback ang kasunod na kickoff at nagsimula sa 20 ang Raiders pero na-three and out naman sila at nag-punt. Dinala ni Arenas ang bola sa Chiefs 33. Humantong sa field goal ang Chiefs at sumipa si Succop ng 49-yarda na field goal para sa tagumpay ngunit ang sipa ay nabara ni Seymour. Natapos ang laro na tabla ang teams kaya nagkaroon ng overtime.

Sa overtime, isang 53 yarda na pasa ni Palmer ang sinalo ni WR [Darrius Heyward-Beyinternal-link-placeholder-0]

at hindi na nag-atubili na sumipa ng 36 yarda na FG ang siguradong Janikowski. Nanalo ang Raiders sa iskor na 16-13. 

Gumana sa 8-7 ang rekord ng Raiders at nagtabla sa first place sa AFC West ang Raiders at Broncos. Tatapusin ng Raiders ang kanilang 2011 regular season sa Oakland laban sa magbibisitang San Diego Chargers sa New Year's Day.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising