Skip to main content
Raiders
Advertising

Nilupig ng Raiders ang Browns, 24-17

101611-mcfadden-story.jpg

 Lumamang ang Raiders  ng 7- 0 sa isang maikling TD run ni RB[Darren McFaddeninternal-link-placeholder-0](20).  AP Photo.

Pagkaraan ng walong araw sa pagyao ni Al Davis, hinarap ng The Oakland Raiders ang Cleveland Browns sa O.co Coliseum. Nag-alay ng isang parangal na video para sa kanya at sinundan ng isang sandaling katahimikan. Pinangunahan ng lehendaryong Raiders na si Henry Lawrence ang pagkanta ng sold-out crowd ng National Anthem.

Nanalo ang Raiders sa opening coin toss at kanilang ipinagpaliban sa second half ang pagpili ng posisiyon nila. Matapos pigilan ang Browns sa three-and-out, sumugod ang Raiders ng 88 yarda sa loob ng 15 play at tinapos ito ni RB Darren McFadden ng 4 yarda na TD run. Pumasok ang extra point ni Janikowski at lumamang agad ang Raiders ng 7-0 sa 5:43 ng 1st kuwarter.

Isang first down lamang ang nakalusot sa Raiders bago napuersa nila ang punt ng Browns. Nadala ang punt sa Raiders 14 at maganda ang umpisa ng Pilak at Itim pero nag-fumble si QB Jason Campbell at sa iskrambol ay narekober ng Browns ang bola sa kanilang 43.

Sinamantala ng Browns ang pagkakamaling ito at sumugod sila ng 57 yarda sa sumunod na 7 play at tinapos ni QB Colt McCoy ng 1-yarda na pasa kay TE Alex Smith para sa TD. Ipinasok ni K Phil Dawson ang extra point at nagtabla ang iskor sa 7-7 sa 12:07 ng 2nd kuwarter.

Bumawi agad ang Raiders nang saluhin ni WR/KR Jacoby Ford ang kasunod na kickoff at maliksi na humagibis siya mula sa endzone hanggang sa kabilang enzone para sa 101 yarda na touchdown. Napantayan niya ang dating sariling rekord niya pati na rin ang pangatlong pinakamahabang pagbabalik ng kickoff  sa kasaysayan ng Raiders. Pumasok muli ang extra point at nanguna ang Raiders ng 14-7 sa 11:53 ng 2nd kuwarter.

Sa Browns 13 ibinaba ni WR/KR Josh Cribbs ang kickoff retrun. Nakakuha ng dalawang first down ang Browns bago hinigpitan ang depensa ng Raiders at napilitan ng punt si P  Brad Maynard. Na-out of bounds ang punt sa Raiders 19.

Sa sumunod na posesyon ng Raiders ay nasaktan si Campbell at pumasok si Kyle Boller bilang quarterback. Nakakuha si Boller ng isang first down sa pamamagitan ng quarterback sneak sa 4th and 1 pero humantong din sa punt ni P Shane Lechler. Ibinalik ni Cribbs ang punt sa kanilang 9 at sila naman ay na-three and out.

Nag-take over ang Raiders sa 39 bunga ng magandang punt return ni WR Denarius Moore. Hindi rin napaabante ng Raiders ang bola at nag-punt din sila. Naubos ang oras ng 1st half sa kamay ng Browns at pumasok sila sa locker room para sa halftime na lamang ang Raiders sa iskor na 14-7.

Sa halftime, nagkaroon nang napaka-emosyonal na parangal sa alaala ni Al Davis, bago pumasok muli ang mga team para sa 2nd half ng laro.

Si Rookie RB Taiwan Jones ang nagbalik sa opening kickoff ng 2nd half at dinala niya ang bola sa Raiders 19. Nabara ang drive ng Raiders at nag-fair catch si Cribbs sa punt ni Lechler sa Browns 10. Humantong sa punt din ang drive ng Browns.

Umatake ang Raiders ng 35 yarda sa loob ng 7 play at tinapos ito ng 48 yarda na field goal ni Janikowski at siyang nagbigay ng 17-7 na lamang ng Raiders sa 3:06 ng 3rd kuwarter.

Pagkaraan na maibigay ang bola sa Browns, muling nakuha ito ng Raiders nang mag-fumble ang Cleveland at sinunggaban ito ni DT Tommy Kelly sa Browns 25. Hindi gumana ang drive ng Raiders at pumasok si Janikowski upang sumipa ng 53-yarda na field goal. Subalit nang kunin ni Lechler ang snap, ay tumayo siya at ihinagis ang bola kay TE Kevin Boss na tumakbo ng 35 yarda para sa TD. Kasama ang extra point ay lumaki ang lamang ng Raiders sa 24-7 sa 1:23 sa 3rd kuwarter.

Sa sumunod na paghawak ng bola, nagpalitan ng punt ang dalawang team. Sa maikling punt ni Lechler, nag-umpisa ang bagong drive ng Browns sa kanilang 42. Hindi sila pinalusot ng depensa ng Raiders at si Dawson ay sumipa ng 47 yarda na field goal at nabawasaan ang lamang ng Raiders sa 24-10 sa 12:24 ng huling kuwarter.

Ibinalik ni Ford ang kasunod na kickoff sa Raiders 35. Sumugod sila hanggang sa Browns 5 pero nabigo sila sa 4th and 1 at bumalik ang bola sa Browns sa huling 4:44 ng laro.

Sumugod ang Cleveland sa teritoryo ng Raiders. Munting ng maagaw ni SS Tyvon Branch ang isang pasa pero sa TV replay pinasiya ng reperi na bumagsak sa lupa ang bola bago niya nadampot ito at nanatili ang bola sa Browns. Tumama si McCoy kay Mohamed Massaquoi para sa touchdown at kasama ang extra point ay lumapit sila sa 24-17 sa huling 1:06 ng laro.

Narekober ng Browns ang bola sa onside kick sa Raiders 44. Pero hindi sila nakalampas sa matibay na depensa ng Raiders sa 4th and 3 at nag-take over on downs ang Raiders sa huling 29 sandali ng laro. Lumuhod na lamang si Boller upang ubusin ang oras at natamo ang tagumpay.

Tumaas sa 4-2 ang record ng Raiders at kanilang haharapin ang Kansas City Chiefs sa susunod na Linggo sa O.co Coliseum.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising