Skip to main content
Raiders
Advertising

Pribyu ng Laro ng Raiders at Broncos

122009schilens-scores.jpg


NGAYONG  LINGGO: Ang Oakland Raiders, miyembro ng Western Dibisyon ng American Football Conference, ay nasa ika-51 season ng kumpetisyon sa putbol na propesyonal. Pagkaraan ng dalawang beses na dumayo ang Raiders sa unang tatlong linggo ng aksiyon sa regular season ng 2010, naglaro nang dalawang magkakasunod sa kanilang 'bahay' bsago sila dumayo, at sa linggong ito ay muling dadayo ang Raiders.  Ang pagdayo ng Raiders sa Denver upang harapin ang Broncos ay ang pangalawang laro ng Pilak at Itim sa AFC Western Division sa 2010.

TELEBISYON: Ang laro ay naka- televise sa CBSat si Ian Eagleay ang magbibigay ng play-by-play at si Dan Foutsna Pro Football Hall of Fame Quarterback, ay ang maghahatid ng color analysis.*Ihahatid ang laro sa Bay Area ngKPIX Channel 5 at sa Sacramento ngKOVR Channel 13. Ipalalabas din ngKHSLsa Chico, ngKIONsa Monterey at ngKJEO *sa Fresno.

RADYO:Sila Greg Papa at Tom Flores ang mag-aanunsiyu nang live sa Raiders Radio Network na nagmumula sa KITS LIVE 105.3 FM at KFRC 1550 AM, gayundin ang pre-game at post-game analysis sa KFRC. Si Papa at si Coach Flores, ang dalawang beses na nagkampeon na Head Coach ng Super Bowl, ay mag-aanunsiyu ng pang-13 sunod-sunod na taon. Ang pregame at postgame show sa radyo ay itatampok ang mga lehendaryong Raiders na sila George Atkinson at David Humm, kasama rin ang mga lokal na personalidad ng radio na si Bruce Magowan at Jason Ross.

RADYO ESPANYOL:Lahat ng laro ng Raiders sa regular season ng 2010 ay maririnig sa wikang Espanyol sa estasyon ng La Kaliente, KZSF 1370 AM. *Si *Fernando Arias at Ambrosio Ricoay ang mga anawnser. Ang mga personalidad ng radyo sa Bay Area na sina Victor Zaragoza at Sal Acevedo ay magrereport sa sideline para sa mga home games.

 SERYE NG RAIDERS AT BRONCOS:Ang Raiders ay lamang nang panalo ng 56-41-2 laban sa Broncos sa mga laban nila sa regular season simula pa noong 1960. Tabla sila ng 1-1 sa postseason.

MGA KONEKSIYON

RAIDERS: Si G [Cooper Carlisleinternal-link-placeholder-0] ay naglaro sa Broncos noong 2000-06…ang Squad development coach at Pro Football Hall of Famer na si Willie Brown ay naglaro din para sa Broncos noong 1963-66…si DT [Richard Seymourinternal-link-placeholder-0] ay dating kalaro ni CB Champ Bailey ng Broncos sa Georgia…si Seymour ay dating ka-teammate ng mga Broncos na si WR Jabar Gaffney  (2006-08),  si TE Daniel Graham (2002-06) at si LS Lonie Paxton (2000-08) sa  New England…si Broncos LB Elvis Dumervil ay dating ka-teammate ni CB [Chris Johnsoninternal-link-placeholder-0] at RB [Michael Bushinternal-link-placeholder-0] sa Louisville…si FB [Marcel Reeceinternal-link-placeholder-0] at si OL Stanley Daniels ng Broncos ay dating magkalaro sa Washington…si DT [Tommy Kellyinternal-link-placeholder-0] at ang mga Broncos na si DL Ronald Fields at LB Mario Haggan ay dating magkakalaro sa Mississippi State…si WR [Louis Murphyinternal-link-placeholder-0] at ang mga Broncos na si LB Jarvis Moss, QB Tim Tebow at DL Marcus Thomas ay dating magka-teammate sa Florida…si WR [Darrius Heyward-Beyinternal-link-placeholder-0] at si G [Bruce Campbellinternal-link-placeholder-0] ay naka-teammate ni TE Dan Gronkowski ng Broncos sa Maryland…si G [Daniel Loperinternal-link-placeholder-0] at S Darcel McBath ng Broncos ay dating magkalaro sa Texas Tech…si G Cooper Carlisle at si WR Jabar Gaffney ay nagkasama sa Florida…si Raiders WR [Nick Millerinternal-link-placeholder-0] at Broncos FB Spencer Larsen ay parehong taga-Mesa, Arizona…si QB [Jason Campbellinternal-link-placeholder-0] at si RB [Rock Cartwrightinternal-link-placeholder-0] ay dating kalaro ni OL D'Anthony Batiste ng Denver sa Washington …ang Offensive coordinator na si Hue Jackson at si DT Justin Bannan ng Broncos ay parehong naglaro nitong nakaraang dalawang season sa Baltimore…si DT Richard Seymour at ang head coach ng Broncos na si Josh McDaniels ay ngakasama ng walong taon sa New England—si McDaniels sa iba't ibang posisyon na coach at si Seymour bilang manlalaro—mula 2001 hanggang 2008... si C [Samson Sateleinternal-link-placeholder-0] at si CB Andre' Goodman ng Broncos ay nagkasama sa Miami Dolphins noong 2007-08.

BRONCOS: Si Broncos CB Syd'Quan Thompson, DL Justin Bannan at LB D. J. Williams ay mga tubong Sacramento…si Williams ay nag-aral sa De La Salle High School sa Concord …si Thompson sa Cal…at si LS Lonie Paxton ay nag-aral sa Sacramento State…si S Renaldo Hill ay nanggaling sa Silver and Black noong 2005…si Defensive coordinator Don Martindale ay nag-coach ng mga linebackers sa Raiders noong2004-2008.

SA SUSUNOD NA LINGGO:Uuwi ang mga Raiders upang harapin ang Seattle Seahawks ng NFC Western Dibisyon sa Oakland-Alameda County Coliseum sa Linggo, Oktubre 31.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising