NGAYONG LINGGO: Ang Oakland Raiders, miyembro ng American Football Conference sa Western Dibisyon, ay haharapin ang kasalukuyang Super Bowl Champion na Pittsburgh Steelers, miyembro ng AFC North.
TELEBISYON: Naka-televise ang laro sa CBSat si Greg Gumbelang maghahatid ng play-by-play at ang dating NFL player at Pro Football Hall of Famer na si Dan Dierdorfang magbibigay ng color analysis.*Ipalalabas ang laro sa Bay Area ngKPIX Channel 5 ar sa Sacramento ngKOVR Channel 13*.
RADYO: Maririnig ang laro sa Raiders Radyo mula sa KSFO 560 AM, ang Flagship na estasyon ng Pilak at Itim hatid ng maramihang estado na Radio Network. Si Greg Papa at ang dating Raiders player, assistant at head coach na si Tom Flores ay ang mga ananwser sa ika-12 sunod-sunod na taon. Ang pregame show at postgame show sa radyo ay itatampok ang mga lehendaryong Raiders na sila George Atkinson at David Humm kasama si Rich Walcoff ng KSFO.
RADYO ESPANYOL: Maririnig din sa salitang Espanyol ang mga laro ng Raiders sa estasyon ng La Kaliente, KZSF 1370 AM.SiArmando Botello at Angel Dinamitaay ang mga anawnser.
MGA KONEKSIYON
RAIDERS: Si FB/RB Gary Russellay naglaro ng dalawang season para sa Pittsburgh Steelers (2007-08)…Sila T Mario Hendersonat Steelers LB Lawrence Timmons ay dating magka-teammate sa Florida State…Si RB Michael Bushat Steelers CB William Gay ay nagkalaro sa Louisville…Si DE Jay Richardsonay dating ka-teammate ni Steelers WR Santonio Holmes sa Ohio State…Si RB Justin Fargasat Steelers SS Troy Polamalu ay nagkasama sa USC…Si Rookie DE Matt Shaughnessyat ang Steelers rookie RG na si Kraig Ubrik ay nagka-teammate sa Wisconsin…Si DT William Josephay naging kalaro ni Steelers FS Ryan Clark sa New York Giants…Si QB Bruce Gradkowskiay nag-aral sa Seton-La Salle High School sa Pittsburgh…Ang Quarterbacks coach na si Paul Hackett ay dating coach sa University of Pittsburgh noong 1989-92, at nagsilbing head coach ng tatlong season.
STEELERS:Si QB Dennis Dixon ay nag-aral sa San Leandro High sa San Leandro…Si Rookie DE Ra'Shon Harris ay pumasok din sa Pittsburg High School sa Pittsburg.
SERYE:Ang laro sa Linggo ay pang-18 na paghaharap sa regular season ng Raiders at Steelers. Lamang ng panalo ang Raiders sa kanilang serye sa regular season, 9-8 simula pa noong unang laban nila noong Oktubre 25, 1970.
NAKALIPAS NA LARO: Sa harapan ng napunong McAfee Coliseum sa Oakland, tinalo ng Raiders ang Pittsburgh Steelers, 20-13, noong Oktubre 29, 2006. Ang pangatlong intersepsiyon ni CB Nnamdi Asomughaay humantong sa kanyang unang career touchdown, at si CB Chris Carr ay umagaw ng isang 100-yarda na intersepsiyon para sa touchdown din. Si DE Derrick Burgess ay gumawa ng 2.5 sacks at si LB Kirk Morrisonay nakaagaw din ng isang pasa at gumawa ng 9 na tackle.
Naunang umiskor ang Raiders ng masikwat ni Asomugha ang isang pasa na napitik ng rookie na si LB Thomas Howard, at dinala niya ng 24 yarda at nagbigay ng lamang na 7-0 sa Raiders, sa 6:12 sa orasan ng 1st kuwarter. Umiskor ang Steelers sa isang 29-yarda na field goal at nabawasan ang lamang ng Raiders sa 7-3 sa 2nd kuwarter. Isa pang field goal mula sa 39 yarda ang ginawa ng Pittsburgh sa 2nd kuwarter at nakaltasan sa 7-6 ang lead ng Raiders. Sumagot ng 19 yarda na field goal si K Sebastian Janikowskiat ang Raiders ay lumamang ng 10-6 sa 1st half. Isa pang field goal mula sa 41 yarda ang ipinasok ni Janikowski pagkaraan ng 6-play, 41-yarda na drive, at nagbigay ng 13-6 na lamang ng Raiders sa 3rd kuwarter.
Na-intersep ni Carr ang isang pasa sa goal line ng Oakland at dinala niya ang bola sa buong 100 yarda para isa pang touchdown ng depensa. Kasama ang extra point ni Janikowski ay lumamang ng 20-6 ang Raiders sa 4th kuwarter. Umiskor din ang Steelers at natapos ang laro sa iskor na 20-13 para sa Raiders.
POSTSEASON NA LABAN SA PITTSBURGH
· Anim na beses na na naglaban ang Raiders at Steelers sa postseason at parehong nanalo ng tatlong beses.
· Sa dekada ng 1970, limang magkakasunod na taon na naglaban sila sa postseason(1972–76).
· Tinalo ng Raiders ang Pittsburgh Steelers, 24-7 sa 1976 AFC Championship Game noong Disyembre 26 patungo sa una sa tatlong World Championships ng Professional Football ng Pilak at Itim, at doon nila tinalo ang Minnesota Vikings 32-14, sa Super Bowl XI sa Pasadena.
· Tinalo pa rin ng Raiders ang Steelers sa AFC Playoffs, sa iskor na 38-10 noong Enero 1, 1984, sa kanilang daan patungo sa pangatlong World Championship ng Professional Football, na doon tinalo nila ang Washington, 38-9 sa Super Bowl XVIII.
NAKARAANG LINGGO: Natalo ang Oakland Raiders sa Dallas Cowboys, 24-7 noong Thanksgiving. Nasalo ni Rookie WR Darrius Heyward-Beyang pinakauna niyang touchdown pass sa isang 4 yarda na pasa ni QB Bruce Gradkowski.
SA SUSUNOD NA LINGGO:Balikbahayma muli ang*Raiders upang harapin angWashington Redskins* sa Linggo, Disyembre 13 sa Oakland-Alameda County Coliseum.