Skip to main content
Raiders
Advertising

Raiders Bumagsak sa Saints 40-20

082811-hagan-td-story.jpg

Dinala ng 35 yarda niWR [Derek Haganinternal-link-placeholder-0] ang nasalong pasa para sa touchdown. AP Photo.

Nanalo ang Saints sa opening coin toss at agad nag-martsa sa kahabaan ng field bago tinapos ang 11 play at 80 yarda na drive ni RB Mark Ingram ng isang 2-yard TD run . Pumasok ang extra point at lumamang ang Saints ng 7-0 at meron pang 10:45 ang 1st kuwarter.

Nang saluhin ang kasunod na kickoff, di-sinasadyang nasipa ni WR [Nick Millerinternal-link-placeholder-0] ang bola at ito'y na-out of bounds sa Raiders 9-yard line. Sinagot ng Raiders ang ginawa ng Saints ng isang drive na umabot ng 11 play at 91 yarda at tinampukan ng 35-yarda na TD pasa ni QB [Jason Campbellinternal-link-placeholder-0] kay WR Derek Hagan. Pumasok ang extra point ni Janikowski at nagtabla ang iskor sa 7-7 at meron pang 4:48 sa 1st kuwarter.

Ang kasunod na kickoff na sinipa ni Janikowski ay umabot sa likuran ng endzone kaya touchback ito. Bumawi ang Saints ng isa pang 80 yarda na drive na winakasan ni RB Pierre Thomas nang nag-dive siya ng 1 yarda para sa touchdown. Pumasok ang extra point at lumamang muli ang  Saints ng 14-7 at 33 sandali na lang ang 1st kuwarter.

Ibinalik ni Rookie WR [Denarius Mooreinternal-link-placeholder-0] ang kasunod na kickoff  ng 19 yarda sa Raiders 17. Dahil sa holding penalty, hindi gumana ang drive ng Raiders at nag-punt si P [Shane Lechlerinternal-link-placeholder-0] . Ang punt ni Lechler ay lumipad ng 51 yarda at nadala ng Saints sa kanilang 22.

Napalaki ng Saints ang kanilang lamang sa 17-7 sa 33 yarda na field goal ni K Garrett Hartley.

Ibinalik ni Rookie RB [Taiwan Jonesinternal-link-placeholder-0] ang kasunod na kickoff ng 18 yarda sa Raiders 18. Dahil sa offensive pass interference penalty hindi nakapasok sa red zone ang mga Raiders at nahinto ang kanilang drive sa  9 play at 43 yarda.  Pumasok si Janikowski at sumipa siya ng 57 yarda na field goal na siyang bumawas sa lamang ng Saints sa 17-10 at meron pang 2:31 ang 2nd kuwarter.

Na touchback muli ang kasunod na kickoff ni Janikowski at si Chase Daniel ang pumasok na quarterback para sa New Orleans.

Nahinto ang drive ng Saints sa sack ni DE [Lamarr Houstoninternal-link-placeholder-0] . Ibinalik ni Miller ang punt sa Raiders 33. Nadala ni Campbell ang Raiders sa down field pero ang pasa niya kay TE [Brandon Myersinternal-link-placeholder-0] ay nasagi ng kalaban at naagaw sa end zone. Iniluhod ni Daniel ang bola at lamang ang Saints ng 17-10 nang pumasok sila sa locker room sa halftime.

Ang pasimulang kickoff ng 2nd half ay lumipad sa likuran ng endzone at sa kanilang 20 nagsimula ang Raiders kasama si [Kyle Bollerinternal-link-placeholder-0] bilang quarterback. Nagpakita ng galing si Rookie RB Taiwan Jones nang kanyang tinapos ang 80 yarda na drive nang isang 22 yarda na touchdown run. Pasok din ang extra point at nagtabla sila sa 17-17 at meron pang 12:00 ang 3rd kuwarter.

Sa kasunod na kickoff ni P [Glenn Pakulakinternal-link-placeholder-0] , nabura ang pabalik na yardage ni WR Courtney Roby dahil sa penalty at nagsimula ang Saints sa 11-yard line. Na-three-and-out ang Saints. Sa sumunod na posesyon ng Raiders, umiskor muli si K [Sebastian Janikowskiinternal-link-placeholder-0] ng isa pang field goal mula sa 39 yarda at lumamang ang Raiders ng 20-17 at meron pang 8:31 ang 3rd kuwarter.

Sumagot ang Saints nang isang pasa ni Daniel kay TE Tory Humphrey para sa 3 yarda na TD. Okey din ang extra point at nabawi ng Saints ang kanilang lamang sa 24-20 at meron pang 6:13 sa 3rd kuwarter.

Ibinalik ni WR [Shaun Bodifordinternal-link-placeholder-0] ang kickoff sa Raiders 28. Isang 1st down lamang ang nakuha ng Raiders bago nag-punt si Lechler nang mataas na 39 yarda at nag-fair catch ang Saints sa kanilang 13.

Lumaki ang lamang ng New Orleans sa 32-20 nang tumalon sa endzone si RB Joique Bell at na-convert ni Daniel ang tinangkang  two-point conversion.

Maganda ang umpisa ng sumunod na drive ng Raiders pero na-fumble ni QB [Trent Edwardsinternal-link-placeholder-0] ang shotgun snap sa 3rd and 10 at narekober ng Saints ang bola sa Raiders 39.

Sa sumunod na play, kumunekta agad si Daniel kay WR Adrian Arrington para sa 39 yarda na TD. Patok din ang two-point conversion at lumayo ang Saints sa iskor na 40-20 at 12:53 na lang ang laro.

Pagkaraan ng pagsalo ni Bodiford sa kasunod na kickoff, na-three-and-out ang Raiders at nag-punt si Lechler. Ibinalik ng Saints ang punt sa kanilang 30. Si Sean Canfield ang pumasok na quarterback ng New Orleans.

Napuersa ng Raiders ang punt na ibinalik ni Miller at nag-take over sila sa kanilang 7.

Hindi naman gumana ang comeback ng Raiders at nanalo ang Saints ng 40-20. Tatapusin ng Raiders ang preseason sa Biyernes laban sa Seahawks sa Seattle.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising