Sinalo ni WR[Johnnie Lee Higgins(15) ang 9 yarda na pasa at umiskor ng touchdown upang bigyan ang Raiders ng lamang na 17-3.Photo by Tony Gonzales.
Tinalo ng Oakland Raiders ang [**
* *ay umiskor ng touchdown.
Nanalo sa panimulang coin toss ang Seahawks at sila ang nag-receive. Ibinalik ni Cord Parks sa Seattle 16 ang kickoff ni Swayze Waters. Si Charlie Whitehurst ang istarter na quarterback. Pinigilan ng Raiders ang Seahawks sa three-and-out. Si WR [Yamon Figurs*ang nagbalik sa punt ng Seattle at dinala niya ang bola sa Raiders 31. Si [Bruce Gradkowski *ang istarter na quarterback para sa Raiders. Apat na play lamang ay tinapos na ni Gradkowski ang 69 yarda na atake ng isang 32-yarda na screen pass kay rookie FB Manase Tonga para sa TD. Ang extra point ni Waters ay pumasok at lumamang ang Raiders ng 7-0 sa 11:26 ang nalalabing minuto ng unang kuwarter.
Isa pang drive ang nagwakas sa 41 yarda na field goal ni Waters pagkaraan ng 5-play at 41-yarda na drive ng Raiders at nag-lead ng 10-0 sa 8:29 sa orasan ng unang kuwarter. Na-set up ito sa 34-yarda na pasa kay WR [Darrius Heyward-Bey* *ng sunggabin niya ito at nakuhang isaloob ang kanyang mga paa sa tabi ng kina-uupuan ng mga Seattle.
Nang maibalik ni Cord Parks ng 54 yarda ang kickoff, sinamantala ng Seahawks na umiskor ng isang 43 yarda na field goal si K Olindo Mare, at nagka-iskor na rin sila at humahabol sa Raiders ng 10-3 at meron 7:00 minuto pa sa unang kuwarter.
Kahit na nadala ni Figurs ang sumunod na kickoff ng 34 yarda hanggang sa Raiders 41, na-three-and-out pa rin ang Raiders. Mabuti na lang at narekober ang bola ni rookie safety [Stevie Brown*nang mag-fumble sa punt ang Seattle. Isang pasa kay TE [Brandon Myers *at umabot na sila sa goal-to-go situation. Pero na-penalty sila ng illegal formation at hindi binilang ang TD ni Heyward-Bey. Sa sumunod na play, nag-scramble si Gradkowski at kumunekta siya kay Higgins para sa 9-yarda na TD. Pumasok din ang extra point ni Waters at lumaki ang lamang ng Raiders sa 17-3 at meron pang 3:50 minuto ang 1st kuwarter.
Umabante ang Seahawks ng 65 yarda sa 11 play at sa dulo nito ay sumipa ng 36 yarda na field goal si Mare at nabawasan ang lamang ng Raiders sa 17-6 at nasa 14:12 minuto pa ang 2nd kuwarter.
Ibinalik muli ng 30 yarda ni Figurs ang bola sa kickoff at dinala niya ito sa Raiders 30. Tumigil ang drive ng Raiders sa gitna ng field at nag-take over ang Seahawks sa kanilang 10 nang mag-fair catch si RB Justin Forsett sa punt ni Lechler. Tinapos ni Whitehurst ang 9-play at 90-yarda na drive nang pasahan niya si WR Deon Butler at tumakbo ng 26 yarda para sa TD. Pumasok ang extra point nila at ang lamang ng Raiders ay 17-13 sa 7:43 ng 2nd kuwarter.
Ang kickoff ni Mare ay masyadong mahaba at touchback ito kaya sa Raider's 20 yardline nag-umpisa ang atake ng Raiders. Sumipa muli ng field goal mula sa 46 yarda si Mare sa dulo ng 9-play at 62-yarda na drive at ang lamang ng Raiders ay 17-16 sa huling 1:06 ng pangalawang kuwarter.
Si rookie WR [Jacoby Ford* *ang tumanggap ng kickoff at dinala niya ang bola ng 22 yarda sa Raiders 25. Nakumpleto ng Seahawks ang isang Hail Mary na pasa at inakalang umiskor ng TD pero napawalang bisa ito dahil sa holding penalty. Dinala ng Raiders ang lamang na 17-16 sa locker room sa halftime.
Sa umpisa ng 3rd kuwarter, ay nag-palitan ng punt ang dalawang team. Si QB [Kyle Boller* *ang namuno sa Raiders at dinala niya ang team ng 97 yarda sa limang play. Kumunekta si Boller kay WR Nick Miller para sa 16-yarda na touchdown. Pumasok muli ang extra-point ni Waters at ang Raiders ay nag-lead ng 24-16 sa 9:07 orasan ng 3rd quarter.
Tumaas pa sa 27-16 ang lamang ng Raiders ng mag-field goal sa 29 yarda si Waters sa dulo ng 16-play at 75-yarda na abante. Meron pang 12:23 sa 4th kuwarter.
Sa sumunod na kickoff, sinalo ni RB Louis Rankin ang bola at itinakbo nang 99 yarda hanggang sa touchdown. Pumasok din ang two-point conversion ng Seattle at binawasan ang lamang ng Raiders sa 27-24.
Umabante ang Raiders sa teritoryo ng Seattle pero hindi sila naka-iskor. Nadepensahan ng Seahawks si RB Michael Bennett at tumigil sa 4th and goal sa Seahawks 2-yard line. Bumawi ang Seattle at umatake rin pero nadepensahan din sila ng Raiders.sa 4th down. Inubos na ng Pilak at Itim ang nalalabing minuto upang siguraduhin ang tagumpay.
Winakasan ng Raiders ang 2010 preseason sa rekord na 3-1 at sismulan ang 2010 regular season sa Nashville laban sa [**
**](http://www.titansonline.com/) sa Biyernes, Septiyembre 12.