Nanalo ang Seahawks sa coin toss at piniling mag-receive. Ang opening kickoff ni K [Sebastian Janikowski ay lumipad sa likuran ng end zone para sa touchback. Pumasok sa field ang Seahawks sa kanilang 20 na si Tavaris Jackson bilang quarterback.
Umabot sa downfield ang Seahawks pero nahinto sila nang maagaw ni SS Tyvon Branch ang pasa ni Jackson sa goal line at itinakbo ni Branch ang bola sa Raiders 25. Ang Pilak at Itim ay umatake sa pangunguna ni QB [Jason Campbell sa 9:55 ng orasan sa unang kuwarter.
Nagmintis si Janikowski sa tinangkang 52-yarda na field goal. Ang sumunod na drive ng Seahawks ay umabot ng 50 yarda sa 5-play at naipasok ni K Jeff Reed ang 25-yarda na FG. Lumamang ang Seattle ng 3-0 at meron pang 2:54 sa 1st kuwarter.
Si WR [Nick Miller ang sumalo sa kasunod na kickoff at dinala niya ang bola sa Raiders 18-yard line. Natigil ang drive ng Raiders sa midfield at nag-punt si Lechler. Nag-take over ang Seattle sa kanilang 20 matapos ma-penalty ang Oakland.
Si Charlie Whitehurst ang pumasok na quarterback para sa Seahawks. Nadagdagan ang lamang ng Seattle nang umabot ang drive nila sa buong 80 yarda sa loob ng 13 play at itinawid ni RB Thomas Clayton ang bola ng isang yarda sa goal line para sa TD. Pumasok din ang extra point at lumamang ang Seattle ng 10-0 at meron 9:07 na lang ang 2nd kuwarter.
Si Rookie WR [Denarius Moore ang nagbalik sa kasunod na kickoff sa Raiders 24. Umiskor na rin ang Raiders nang ipasok ni Janikowski ang 34 yarda na field goal pagkaraan ng 61 yarda na drive sa loob ng 12 play. Nabawasan ang lamang ng Seattle sa 10-3 at meron pang 3:20 sa 2nd kuwarter.
Si Golden Tate ang nagbalik ng kickoff at kasama ang penalty, nag-umpisa ang Seahawks sa Raiders 38. Isinuli ng Seahawks ang bola nang sila ay naharang sa 4th and 1 sa Raiders 31. Si Trent Edwards ang pumasok na quarterback para sa Raiders.
Huminto ang drive ng Raiders at ibinalik ni Tate ang 43 yarda na punt ni P Glenn Pakulak sa Raiders 46. Tinangka ni Reed ang 53-yarda na field goal pero hinarang ito ni CB [Joe Porter at pumasok sa locker room ang Seahawks na lamang ng 10-3 sa halftime.
Si WR Shaun Bodiford ang nagbalik ng opening kickoff sa second half sa Raiders 24. Si QB [Kyle Boller ang nanguna sa Raiders, at sila ay umatake hanggang sa midfield bago napilitang mag-punt. Ibinalik ni Tate ang punt ni Pakulak sa Seattle 13.
Bumaon ang drive ng Seattle sa Raiders 5, pero naging matatag sa 4th and 1 ang mga bisita at sila ay nag-take over sa kanilang 2. Hindi gumana ang drive ng Raiders at muling nag-take over ang Seattle sa kanilang 30 pagkaraan nang maikling pagbabalik ng punt ni Pakulak.
Pumasok na quarterback si Josh Portis para sa Seattle. Isang 36 yarda na FG ang sinipa ni Reed at lumamang ng 13-3 ang Seahawks sa 13:21 ng orasan.
Sinalo ni TE [Kevin Brock ang maikling kickoff at dinala niya ng 18 yarda hanggang sa Raiders 26. Pinigil ng Seahawks ang Raiders sa three-and-out pero narekober ng Raiders ang bola sa Seattle 49 nang pumalpak sa punt ang Seahawks. Nabigo ang Raiders sa pag-convert ng 4th and 15 pero humantong din sa punt ang Seahawks at binalik ang bola sa Oakland.
Umabot sa midfield ang mga Raiders at doon nabigo na naman sa 4th and 4 at ang Seattle ay nag-umpisa sa kanilang 48. Tinapos ni RB Vai Taua ang atake ng Seahawks nang ilusot niya ang bola mula sa 4-yard para sa TD. Pumasok ang PAT at naging 20-3 ang lamang ng Seahawks at 5:12 na lang ang game.
Umatake ang Raiders hanggang sa Seattle 32 pero hindi na-convert ang 4th and 10 at binigay ang bola sa Seahawks.
Binawasan ng Raiders ang kanilang roster sa 53 players sa Sabado at maghahanda na para sa unang laro sa regular season sa Monday Night Football laban sa Broncos sa Denver. Sila ay mag-eensayo sa Alameda, Calif. Facility sa Linggo.