Si Tom Cable ay pormal na ipinakilala bilang Head Coach ng Oakland Raiders sa ginanap na press conference noong Miyerkules, ika-4 ng Pebrero, 2009 sa bandang ala-1:15 n.h. sa pasilidad ng Raiders sa Alameda.
Itinuring ni Al Davis, ang may-ari ng Raiders, si Cable na interim coach noong ika-30 ng Septiyembre, 2008, at nagsilbi si Cable sa ganyang posisyon sa Pilak at Itim sa 12 laro noong 2008.
Sumali si Cable sa Raiders noong 2007 bilang offensive line coach at siya ang coach ng offensive line sa unang 4 na laro sa taon ng 2008 bago siya na-promote na interim head coach.
Sa pamalakad ni Cable, ang Raiders ay nagpakita ng kalakasan sa dulo ng season at ipinapanalo nila ang nahuling dalawang laro. Nag-average sa bawat laro ang Raiders ng 29 puntos at 350 yarda sa opensa, kasama rito ang 165 yarda sa rushing sa nasabing dalawang laro.
Noong 2007, si Cable ang nag-coach ng offensive line at dinala niya ang Pilak at Itim sa ika-anim na ranggo sa buong NFL sa kategorya ng rushing at sa porsiyento ng touchdown sa loob ng 20.
Si Cable, 44 anyos, ay naging coach ng offensive line ng Atlanta noong 2006 at pinabuti niya ang linya at naging malakas na puwersa ng Falcons kaya sila nanguna sa rushing sa buong NFL.
Noong 2004-05, parehong hinawakan niCable ang posisyon ng offensive coordinator at offensive line coach sa UCLA, at doon niya pinalaki ang isa sa mga pinakamagaling na opensa sa buong bansa.
Noong 2005, si Cable ang naging offensive coordinator ng UCLA at sila ay nag-average ng 431 yarda sa total offense bawat laro at ang team ay nagtagumpay sa 10 laro at pumasok sa isang Bowl. Noong 2004, sa pangunguna ni Cable ay hinigitan ng Bruins ng 1,000 yarda ang opensa sa nakaraang season at nag-average ng 410 yarda sa bawat laro.
Si Cable ay naging head coach ng University of Idaho noong 2001-03. Sa Idaho, nag-average sila ng 424.1 yarda sa buong offense bawat laro.
Tumagal din ng dalawang taon si Cable sa University of Colorado. Noong 1998, naging offensive line coach at sa sumunod na taon na-promote siya bilang offensive coordinator. Sa kanyang direksiyon, ang opensa ng Buffalo ay umabot sa pang-14 sa hanay ng pinakamagaling na opensa sa buong bansa noong 1999, at nag-avergae sila ng 424.9 yarda sa bawat laro.
Umabot din ng anim na season (1992-97) na siya ay coach ng offensive line sa University of California, kung saan niya naturuan ang apat na manlalaro na napili sa first-team All-Pac-10.
Nag-umpisang mag-coach si Cable sa kanyang Alma Mater, ng magsilbing graduate asistant sa Idaho noong 1987 at 1988. Siya rin ay naging graduate assistant sa San Diego State noong 1989, at coach ng defensive line sa Cal State Fullerton noong 1990 at coach ng offensive line sa Nevada-Las Vegas noong 1991.
Siya ay tubong Merced, California at naglaro ng putbol ng apat na taon sa Idaho, tatlong taon bilang starting guard, at isang season sa Indianapolis Colts bago siya nag-umpisa sa karerang pagka-coach.
Kasama sa pamilya ni Cable ang kanyang mga anak na si Amanda, Alexander at Zachery.