Nasalo ni WR [Louis Murphy ang apat na pasa para sa 70 yarda. AP Photo
Nanalo ang Raiders sa opening coin toss at pinili nilang tumanggap ng bola upang maunang sumugod sa endzone. Ang kickoff ni K Mason Crosby ay lumampas sa endzone kaya na-touchback ang bola at sa kanilang 20 yarda nagsimula ang pasugod ng Raiders. Mukhang meron pararatnan ang kanilang unang atake nang biglang ma-intersep ni LB D.J. Smith ang pasa ni QB [Carson Palmer at dinala niya ang bola sa Packers 48.
Pagkaraan ng offsides penalty sa Raiders, tinanggap ni Packers RB Ryan Grant ang bolang ipinasa ni QB Aaron Rodgers at tumakbo ng 47 yarda para sa touchdown. Kasama ang extra point ni Crosby ay lumamang ang Packers ng 7-0 sa 11:57 ng 1st kuwarter.
Sa sumunod na paghawak ng bola ng Raiders, naupos muli ang atake dahil sa mga nagawang penalty. Nagpunt si P [Shane Lechler at hinayaan ni R Randall Cobb na bumagsak ang bola sa Packers 20.
Isinugod ni Rodgers ang Packers ng 80-yarda at tinapos niya ito ng isang 4-yarda na pasa kay TE Ryan Taylor para sa TD. Pumasok din ang extra point at lumamang ng 14-0 ang Green Bay sa 4:10 ng 1st kuwarter.
Ibinalik ni McCann ang kasunod na kickoff sa Raiders 18. Nakakuha ng first down ang Raiders bago sila napuersa na mag-punt. Ibinalik ni Cobb ang 50 yarda na punt ni Lechler sa Green Bay 26.
Umabot sa teritoryo ng Raiders ang sugod ng Green Bay pero nahinto sila at sumipa ng 34-yarda na field goal. Pumasok ang sipa ni Crosby at lumaki sa 17-0 ang lamang ng Packers sa 13:07 ng 2nd kuwarter.
Muling si McCann ang sumalo sa kasunod na kickoff at dinala niya sa Raiders 29. Na-three and out ang Raiders at nagpunt si Lechler. Sinalo ni Cobb ang 65-yarda na punt at dinala niya sa Green Bay 16. Pagkaraan ng ilang play, pinasahan ni Rodgers si WR Jordy Nelson para sa 37-yarda na TD. Lumamang ng 24-0 ang Packers sa huling 9:14 ng 1st half.
Pagkaraan ng touchback sa kickoff, naagaw ni CB Charles Woodson ang isang pasa ni Palmer. Sinamantala ng Packers ang pagkakataon at lumusot si Grant ng 6 yarda para sa kanyang pangalawang TD sa game na ito. Umakyat na sa 31-0 ang lamang ng Packers sa 7:06 ng 2nd kuwarter.
Muling nabigo sa three and out ang Raiders at sila ay nag-fake punt pero hindi nakumpleto ang pasa. Sa Raiders 28 nag-take over ang Green Bay. Na-sack ni LB [Aaron Curry si Rodgers at napuersa ang fumble at ang bola ay itinawid ni LB [Kamerion Wimbley para sa TD. Ngunit nabigyan ng clipping penalty ang Raiders at hinamon ng Green Bay ang pasiya ukol sa fumble.
Binaligtad ng mga reperi ang pasiya sa fumble at isinuli sa Green Bay ang bola. Nagpakatatag ang depensa ng Raiders at napuersa nila ang field goal. Nagkaroon ng hamon sa nakaraang play ngunit ipinatibay ng mga reperi ang pag-intersep ni S [Mike Mitchell sa pasa ni Rodgers sa end zone. Sa kanilang 20 nag-umpisa ang Raiders sa 4:08 ng 2nd kuwarter.
Sumugod ang Raiders hanggang sa loob ng teritoryo ng Packers pero nangyaring sa pangatlong beses ay na-intersep ang pasa ni Palmer. Sa kanilang 20 nag-umpisa ang Packers.
Sa umpisa ng second half, ibinalik ni Cobb ang kickoff ng 50 yarda. Hinamon ito ng Raiders sa pag-akalang lumabas sa linya si Cobb, pero nasira ang replay system kaya ang kanilang hamon ay di pinayagan. Itinuloy ang play.
Hininto ni LB [Rolando McClain ang drive ng Packers at napuersa ang pagsipa ng field goal nang ma-sack niya si Rodgers sa 4th and 2. Pumasok ang 38 yarda na field goal ni Crosby at lumayo na ang lamang ng Green Bay sa 34-0 sa 12:41 ng 3rd.
Na-touchback ang sipa ni Crosby sa kickoff. Sa sumunod na 9 na play ay dinala ng Raiders ang bola ng 80 yarda. Tinapos ni RB [Michael Bush ang drive ng isang 2 yarda na TD kaya umiskor na rin ang Raiders. Pumasok din ang PAT ni Janikowski at ang iskor ay 34-7 na lamang ang Packers sa 8:15 left ng 3rd kuwarter.
Sumugod muli ang Green Bay bago sila napuersang sumipa ng field goal. Pumasok ang 49-yard na FG ni Crosby at ang lamang ng Packers ay 37-7 sa 3:31 ng 3rd kuwarter.
Pagkaraan ng touchback sa kickoff, nagsimulang ng panibagong atake ang Raiders sa kanilang 20. Sa pangalawang play ay nag-fumble ang Raiders at narekober ang bola ng Packers at itinakbo para sa touchdown. Na-block ang extra point kaya ang lamang ng Packers ay 43-7 sa 2:48 ng 3rd.
Na-three and out ang Raiders at nag-punt si Lechler at ang bola ay nag-out of bounds sa Raiders 41. Pumasok si Matt Flynn bilang quarterback para sa Green Bay. Isa pang 33 yarda na FG ang ipinasok ni Crosby at umakyat sa 46-7 ang lamang ng Packers sa 14:21 ng 4th kuwarter.
Dinala ni McCann ang bola ng kickoff sa Raiders 11 at doon nagsimula ang drive nila. Natigil ang drive ng Raiders at ang punt ni Lechler ay umabot ng 71-yarda at bumaba sa Packers 1.
Na-sack ng Raiders si Flynn sa loob ng endzone kaya kumuha sila ng puntos dahil sa safety, at ang iskor ay 46-9. Pagkaraan ng free kick, nagsimula ang drive ng Raiders sa kanilang 23. Umabot ng 77-yarda ang drive at sa dulo nito ay napasahan ni Palmer si TE [Kevin Boss ng isang 5 yarda na touchdown. Pumasok din ang extra point at ang iskor ay 46-16 sa nalalabing 4:43 ng laro.
Napuersa ng Raiders ang punt at nag-take over sila sa bola sa kanilang 34. Matapos ang ilang play, tinamaan si Palmer nang ihahagis niya ang bola at naintersep ito ni Sam Shields. Inubos na lamang ng Green Bay ang orasan.
Nahulog sa 7-6 ang Raiders at bumaba sa second place sa AFC West. Haharapin ng Raiders ang Detroit Lions sa O.co Coliseum ng Oakland sa darating na Linggo.