Nanalo ang Patriots sa pambungad na coin toss at ipinagpaliban nila ang pagpili sa pagtangggap ng bola para sa second half. Pinili ng Raiders na tanggapin ang bola sa first half. Nag-out of bounce ang opening kickoff ni K Stephen Gostkowski at sa Raiders 40 sila nag-umpisa at si [Jason Campbell*ang quarterback. Sumugod ang Raiders ng 50 yarda sa loob ng 10 play at sumipa ng 28 yarda na field goal si K [Sebastian Janikowski *.at lumamang sila ng 3-0 sa 10:26 sa orasan ng 1st kuwarter.
Umiskor din ang Patriots nang masapol ni QB Tom Brady si WR Wes Welker para sa 15-yarda na TD. Pumasok ang PAT at lumamang ang Patriots ng 7-3 sa 6:07 sa orasan ng 1st kuwarter.
Sa mga sumunod na paghawak ng bola ay nagpalitan ng punt ang dalawang team. Umiskor muli ang Raiders sa kanilang drive na 88-yarda sa 6 na play at dinala ni RB [Michael Bush* *ang bola ng 1 yarda para sa TD. Pumasok ang PAT at balik-lamang ang Raiders sa 10-7 at meron pang 10:20 sa 2nd kuwarter.
Sinalo ni WR Julian Edelman ang kasunod na kickoff ni Janikowski at dinala sa Patriots 21. Dahil sa penalty sa ginawang mga personal foul ng Raiders ay umabot ang New England sa kanilang 36. Nabawi ng Patriots ang paglamang nang pagkaraan ng 64 yarda na drive, ay sa dulo nito itinakbo ni RB BenJarvus Green-Ellis ng 1 yarda para sa TD. Lumamang ang Patriots ng 14-10 at meron pang 7:44 ang 2nd kuwarter.
Ibinalik ni Rookie RB [Taiwan Jones* *ang kasunod na kickoff sa Raiders 14. Naagaw ang bola nang ipasa ito ni Campbell sa end zone at nag-take over ang New England sa kanilang 20 at meron pang 2:15 sa 2nd kuwarter.
Sinamantala ito ng Patriots at ipinasok ni Gostkowski ang 44-yarda na FG kaya lumamang sila ng 17-10 sa huling 6 na segundo ng first half. Si RB [Rock Cartwright* *ang nagbalik ng bola at dito nagtapos ang half.
Si Edelman ang sumalo sa opening kickoff ni Janikowski sa second half at dinala niya sa Patriots 19. Tuloy-tuloy ang pagmartsa ng New England pababa sa field hanggang sa umiskor si RB Stevan Ridley ng isang 33-yarda na TD run. Lumamang ang Patriots ng 24-10 at meron pang 11:07 ang 3rd kuwarter.
Si WR [Jacoby Ford* *ang sumalo sa kasunod na kickoff at dinala niya ang bola sa Raiders 18. Ipinasok ni Janikowski ang 26-yarda na FG at binawasan ang lamang ng New England sa 24-13 sa 3:21 sa orasan ng 3rd kuwarter.
Na touch back ang kasunod na kickoff ni Janikowski at sa 20 nag-umpisa ang New England. Lumayo ang New England nang sumugod sila ng 80 yarda at nasapol ni Brady si WR Deion Branch para sa isang 4-yarda na TD. Pumasok ang extra point at lumamang sila ng 31-13 sa 13:38 sa 4th kuwarter.
Natigil ang drive ng Raiders nang ma-intersep ni DT Vince Wilfork ang pasa ni Campbell at dinala niya ito sa New England 49. Naharang naman sila ng depensa ng Raiders at nagpunt ang Patriots na ibinaba naman sa Raiders 10-yard line.
Hindi na nakasugod ang Raiders at nag-punt ng 63 yarda si P [Shane Lechler* *. Sinalo ito ni Edelman at dinala sa Patriots 25. Nakuha muli ng Raiders ang bola sa kanilang 20 at meron pang 4:02 ang nalalabi sa game.
Hindi nailusot ng Raiders ang isang 4th and 4. Sa Raiders 26 nag-umpisa ang New England . Pero nagpakita ng matibay na depensa ang Pilak at Itim nang hinarang nila ang 4th and 1 sa endzone at nakuha muli ang bola.
Kahit na 1:17 na lamang ang nalalabi sa laro hindi pa rin tumigil ang Raiders at sumalo si WR [Darrius Heyward-Bey* *ng bola sa layong 58 yarda kaya naging posible ang 6 yarda na TD ni Moore. Tinangka nila ang two-point conversion pero nabigo sila at ang iskor ay 31-19 at meron na lang 28 segundo ang laro. Nakuha ng Patriots ang onside kick ni Janikowski.
Nahulog sa 2-2 ang rekord ng Raiders at patungo sila sa Houston sa susunod na Linggo upang harapin ang Texans sa Reliant Stadium.