Skip to main content
Raiders
Advertising

Raiders Nakahanda nang Tumawid ng Bay Bridge

081511-murphy-story.jpg


PETSA: Sabado, Agosto 20, 2011, 5:00 n.g. PT | POOK: Candlestick Park, San Francisco

NGAYONG LINGGO: Ang The Oakland Raiders, miyembro ng Western Dibisyon ng American Football Conference, ay nasa ika-52 season ng kumpetisyon sa pro putbol. Pangalawang linggong magkasunod na isang team ng NFC West ang kanilang haharapin nang sila ay patungo sa San Francisco upang labanan ang 49ers.

TELEBISYON:Si Greg Papa at si Tom Flores, kasama si Jim Plunkett, ay sabay na ibro-broadcast ang laro sa Raiders Radio at Television Network. Ang lehendaryong Raiders na si George Atkinson ay magsisilbing analyst sa katabi ng anawnser, ang popular na pang-radyo na si JT the Brick.  Ang larong ito ay naka-televise live sa KTVU Channel 2, at susundan ng "Point After" postgame show matapos ang labanan. Uuliting ipalabas ang laro sa Linggo ng tanghali ng Agosto 21 sa KICU TV36.

RADYO: Maririnig ng live ang game sa Raiders Radio Network mula sa KITS LIVE 105.3 FM at KFRC 1550 AM, ang flagship na estasyon ng Pilak at Itim para sa Radio Network na umaabot ng maraming estado. Si Papa at ang dalawang beses na matagumpay na coach ng Raiders sa Super Bowl na si Tom Flores ang mag-aanunsiyu sa kanyang pang-14th na sunod-sunod na taon. Ang pregame at postgame ay itatampok ng lehendaryong Raider na si Atkinson at David Humm.

SERYE ng RAIDERS-49ERS: Ito ang pang-39th preseason game ng Raiders at 49ers. Tabla ang panalo nila sa 19-19, simula pa ng unang nagharap noong 1967. Pang-11th magkakasunod na taon nang naghaharap ang dalawang Bay Area team sa preseason. Noong 1976-93 ay nagksunod-sunod din na nagsalitan ng pook sa kanilang laban sa preseason.

SERYE NILA sa REGULAR SEASON:Tabla din ang rekord sa isa't isa na parehong panalo ng anim sa regular season simula sa unang paghahharap noong 1970.

MGA KUNEKSIYUN

RAIDERS: SI FS Michael Huff at DE Lamarr Houston ay ka-teammate ni 49ers CB Tarell Brown sa Texas… si LS/LB Jon Condo at 49ers TE Vernon Davis ay nagsama sa Maryland…si C Samson Satele at 49ers DT Isaac Sopoaga ay nagkasama  rin sa Hawaii…gayundin si C Samson Satele at 49ers WR Ted Ginn Jr. sa Miami Dolphins noong 2008…si WR Louis Murphy at 49ers DT Ray McDonald ay nagsama naman sa Florida…si LB Travis Goethel at 49ers WR Kyle Williams ay nagka-teammates sa Arizona State…si WR Nick Miller at 49ers LS Brian Jennings ay parehong pumasok sa Red Mountain High School sa Mesa, AZ…si DT Tommy Kelly at 49ers RB Anthony Dixon ay parehong taga-Jackson, MS…si Raiders C Stefen Wisniewski at 49ers LB NaVorro Bowman ay nagsama sa Penn State…si Raiders CB Joe Porter at 49ers T Anthony Davis ay nagkalaro sa Rutgers…si Raiders TE David Ausberry ay naglaro sa USC kasama ang mga 49ers na si S Taylor Mays at si G Chilo Rachal…gayundin si  Raiders CB Chimdi Chekwa at mga 49ers na si T Alex Boone at LB Thaddeus Gibson sa Ohio State….at si Raiders T Joe Barksdale kasama ng mga 49ers na si DB Curtis Taylor at si DT Ricky Jean-Francois sa LSU…si Raiders DE Matt Shaughnessy at 49ers DB Chris Maragos ay nagsama sa Wisconsin…si Raiders S Jerome Boyd at 49ers DE Will Tukuafu ay magkalaro sa Oregon…si 49ers LB Keaton Kristick ay naglaro sa Oregon State kasam si  WR Damola Adeniji…si Raiders offensive coordinator na si Al Saunders ay nag-coach katabi ng 49ers offensive line coach na si  Mike Solari sa Chiefs fnoong 2001-05...ang Raiders assistant coach ng cornerbacks na si Rod Woodson ay naglaro sa 49ers noong 1997…si Defensive end Lamarr Houston ay ipinanganak sa San Francisco.

49ERS: Si Head coach Jim Harbaugh ay nagsimulang mag-cocach sa National Football League bilang assistant sa Raiders noong 2002-03…ang Quarterbacks coach na si Jason Michael ay dating offensive quality control coach at video assistant para sa Raiders noong 2005…ang Running backs coach Tom Rathman ay naglaro sa Raiders noong 1994 at nag-coach ng running backs para sa Pilak at Itim noong 2007-08…ang Wide receivers Coach na si John Morton ay nag-coach ng Raiders noong 1997-2004.

SA SUSUNOD NA LINGGO:Babalik ang* *Raiders sa kanilang training camp facility sa Napa, Calif., bago paghahandaan ang New Orleans Saints ng National Football Conference South sa O.co Coliseum sa Linggo, Agosto 28 na ipalalabas sa nationwide TV ng NBC. Wawakasan ng Raiders ang preseason sa Seattle laban sa Seahawks sa Biyernes, Septiyembre 2.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising