Umiskor si WR [T.J. Houshmandzadeh ng unang TD sa Pilak at Itim. AP Photo
Nanalo ang Dolphins sa opening coin toss at ipinagpaliban nila ang pagpili sa second half. Pinili ng Raiders na tumanggap ng bola sa opening kickoff. Si K Dan Carpenter ang sumipa ng opening kickoff at ang bola ay lumipad sa end zone para sa touchback. Na-three and out ang Raiders at nag-punt si Lechler ng 44 yarda patungo sa Miami at nag-fair catch si WR Davone Bess sa kanilang 30.
Sumugod ang Miami ng 40 yarda sa loob ng 8 play at sa layong 48 yarda ay sumipa si Carpenter ng field goal. Lumamang ang Dolphins ng 3-0 sa 10:11 sa orasan ng 1st kuwarter.
Si CB [Bryan McCann* *ang sumalo ng kickoff na umabot muli sa end zone para sa touchback. Na-three and out muli ang Raiders at ang punt ni Lechler ay ibinalik ni Bess sa Miami 44. Dahil sa penalty ay umatras ang Miami sa kanilang 25.
Sumugod ang Miami ng 60 yarda sa sumunod na 12 play at ipinasok ni Carpenter ang 33-yarda na FG. Lumamang ng 6-0 ang Dolphins.
Na-touchback na naman ang kasunod na kickoff at sa Raiders nagsimula ang atake nila pero nahinto ito nang ma-sack sa third down si Palmer at nag-punt muli si Lechler. Sa Miami 37 dinala ni Bess ang bola.
Sumugod muli ang Dolphins at dinala nila ang bola ng 63 yarda sa loob ng 7 play at ipinasa ni Miami QB Matt Moore ang bola kay WR Davone Bess para sa 12 yarda na TD. Lumamang na ng 13-0 ang Dolphins sa 8:24 ng 2nd kuwarter.
Si McCann pa rin ang sumalo sa kickoff na na-touchback muli at nagsimula ang opensa sa Raiders 20. Umabot hanggang sa midfield lang ang kanilang paglusob bago nag-punt si Lechler at ang bola ay na-out of bounds sa Miami 13.
Napuersa ng depensa ng Raiders na mag-punt ang Dolphins at nagsimula ang atake ng Raiders sa kanilang 17. Hanggang sa midfield muli ang inabot ng paglusob nila at ang punt ni Lechler ay ibinaba sa Miami 9. Hindi na gumawa ang Dolphins dahil kuntento na silang ubusin ang orasan at pumasok sa locker room nila na lamang ng 13-0 sa halftime.
Si Clyde Gates ng Dolphins ang sumalo sa opening kickoff sa second half at maliksing dinala ang bola ng 77 yarda hanggang sa Raiders 25. Pagkaraan ng dalawang play, itinawid ni RB Reggie Bush ang bola ng isang yarda at binigyan ang Dolphins ng lamang na 20-0 sa 13:56 ng 3rd quarter.
Nakakuha lamang ang Raiders ng isang first down sa kanilang sumunod na paghawak ng bola bago sila napuersang mag-punt. Dahil sa penalty umatras ang Dolphins sa kanilang 9. Ganoon pa man, umiskor pa rin ang Dolphins sa 6 yarda na pagtakbo ni Moore at ang iskor ay 27-0 para sa Miami.
Isang intersepsiyon ang ginawa ni LB Kevin Burnett at humagibis ng 44 yarda para sa Dolphins at ang lamang ay 34-0.
Sa wakas ay umiskor din ang Raiders sa huling 7:51 nang kumunekta si Palmer ng isang 40 yarda na pasa kay WR T.J. Houshmandzadeh para sa touchdown. Lamang pa rin ang Miami ng 34-7.
Dinagdagan ito ni WR [Darrius Heyward-Bey* *ng isang mahusay na isang kamay na pagsalo ng 3 yarda na pasa para sa touchdown at nabawasan nila ang lamang ng Miami sa 34-14 sa huling 3:26 ng laro. At natapos ang laro sa ganitong iskor.
Bumaba ang rekord sa season ng Raiders sa 7-5 at sila ay patungo ng Green Bay upang harapin ang mga Packers sa Lambeau Field sa darating na Linggo.