Skip to main content
Raiders
Advertising

Raiders Natalo sa Thriller na Labanan sa Buffalo

091811-bush-td.jpg

Umiskor siRB [Michael Bushinternal-link-placeholder-0] ng isang 1-yarda na TD run. AP Photo.

Nanalo ang Bills sa opening coin toss at ipinagpaliban ang kanilang pagtanggap ng bola sa second half at ang Raiders ang sumalo sa bola sa simula ng laro. Tumalbog sa end zone ang opening kickoff ni K Rian Lindell para sa touchback kaya nag-umpisa ang Raiders sa kanilang 20. Na-three and out ang Raiders at gayundin ang Bills nang sila ay humawak sa bola.

Sa kanilang ikalawang hawak ng bola, kumuha ng isang first down ang Raiders bago nag-punt muli. Si Parrish ang sumalo at sumenyas ng fair catch sa Buffalo 15. Ang pagsugod ng Buffalo ay nabara din at nagpunt si Moorman. Naibalik ito ni Miller ng 12 yarda sa Raiders 29.

Naunang umiskor ang Raiders matapos na isugod ang bola ng 71 yarda sa loob ng 14 play, nang napuwersa ni RB Michael Bush ang 1 yarda sa end zone. Pumasok ang extra point ni K [Sebastian Janikowskiinternal-link-placeholder-0]* *at lumamang ang Raiders ng 7-0 sa 11:33 sa orasan ng 2nd kuwarter.

Nakuha muli ng Raiders ang bola nang maagaw ni CB [Stanford Routtinternal-link-placeholder-0]*ang isang pasa ni QB Ryan Fitzpatrick at naibalik niya ang bola sa Buffalo 34. Ang napakahusay at malakas na pagtakbo ni RB [Darren McFaddeninternal-link-placeholder-0] *ay humantong sa 5-yarda na TD at extra point ni Janikowski, at dito nagtapos ang 34 yarda na drive sa loob ng 5 play. Lumamang ang Raiders ng 14-0 at 8:08 na lang ang 2nd kuwarter.

Umiskor na rin ang Buffalo pagkaraan ng 73 yarda na drive sa loob ng 10 play, nang ipasok nila ang 25 yarda na field goal at nabawasan ang lamang ng Raiders sa 14-3 at 2:22 na lang ang 2nd kuwarter.

Ibinalik ni Miller ang kasunod na kickoff sa Raiders 18. Dinala ni QB [Jason Campbellinternal-link-placeholder-0]* *ang mga Raiders sa kahabaan ng 82 yarda sa 5 play, at sa kahulihan na yarda ay tumalon siya sa end zone para sa TD. Pumasok muli ang extra point at lumayo ang Raiders sa 21-3 at 1:22 na lang ang 2nd kuwarter.

Malakas ang kickoff ni Janikowski at umabot sa likuran ng end zone para sa touchback. Umabante ang Bills at nagtangka silang sumipa ng 39 yarda na field goal, ngunit nabara ito ni SS [Tyvon Branchinternal-link-placeholder-0]* *at natapos ang first half.

Ang opening kickoff sa 2nd half ni Janikowski ay na-touchback at nagsimula ang Bills sa kanilang 20. Nakakuha agad ng TD ang Bills nang lumusot si RB Fred Jackson sa buong 43-yarda at nabawasan ang lamang ng Raiders sa 21-10 at meron pang 13:26 sa 3rd kuwarter.

Natigil ang pagsugod ng Raiders nang nag-fumble si McFadden at na-recover ng Bufallo ang bola sa kanilang 42. Sinamantala ito ng Buffalo at kumunekta si Fitzpatrick kay WR Stevie Johnson para sa isang maikling TD pass. Pumasok din ang extra point at dumikit sila sa Raiders ng 21-17 sa 3:41 sa orasan ng 3rd kuwarter.

Na-three and out ang Raiders at ibinalik ni CJ Spiller ang 58-yarda na punt ni Lechler sa Buffalo 31. Umiskor si Jackson mula sa isang yarda sa dulo ng 7-play at 69-yarda na drive ng Buffalo. Pumasok ang extra point at lumamang ang Bills ng 24-21.

Sumugod ang Raiders ng 80 yarda sa loob ng 8 play, at kumunekta si Campbell kay McFadden para sa 12-yarda na TD pass. Pumasok din ang extra point ni Janikowski at nakuha muli ng Raiders ang lamang na 28-24 at 9:18 na lang ang nalalabi.

Nag-martsa din ang Buffalo ng 80 yarda sa loob ng 9 play at muling nakuha ang lamang nang tamaan ni Fitzpatrcik si TE Scott Chandler ng isang maikling TD pass. Kasama ang extra point, ang Bills ay nanguna ng 31-28 sa 4:48 na lang ang laro.

Sa kanilang 12 nag-takeover ang Raiders pagkaraan ng kickoff. Isang napakahusay na pagsalo ang ginawa ni Moore sa 50 yarda na pasa sa end zone sa gitna ng dalawang guwardiyang Bills. Pasok din ang extra point at bumalik ang lamang sa Raiders sa iskor na 35-31 at 3:41 na lang ang natitira sa orasan.

Subalit umiskor si WR David Nelson sa isang pasa sa 4th and 1 at lumamng ang Buffalo ng 38-35 at 14 sandali na lang ang laro.

Pagkaraan ng touchback, nagtangka pa rin ang Raiders na humabol. Pagkaraan ng 24-yarda na pasa kay Moore, nag-time out ang Raiders at 6 sandali na lang. Hindi nakumpleto ang 1st down na pasa. Sa huling 1 segundo, hinagis ni Campbell ang bola sa end zone, ngunit na-intersep ito.

Ang rekord ng Raiders ay 1-1 at pabalik sila sa Oakland upang harapin ang New York Jets sa kanilang pambungad na laro sa 2011 sa O.co Coliseum.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising