Skip to main content
Raiders
Advertising

Raiders Pinabagsak ang Jets, 34-24

092411-mcfadden-story.jpg

Umiskor ng dalawang beses siRB [Darren McFaddeninternal-link-placeholder-0] at siyang nanguna sa opensa ng Raiders. AP Photo.

Nanalo ang Jets sa opening coin toss at pinili nilang ipagpaliban ang pagtanggap ng kickoff sa 2nd half kaya ang Raiders muna ang tumaya sa opening kickoff. Ibinalik ni Rookie RB Taiwain Jones ang sipa ni K Nick Folk sa Raiders 24. Ang atake ng Raiders ay umabot ng 76 yarda sa loob ng 5 play at agad umiskor si RB Darren McFadden nang kumaskas siya ng 2 yarda para sa end zone. Pumasok din ang extra point ni K [Sebastian Janikowskiinternal-link-placeholder-0]* *at nanguna ang Raiders ng 7-0 sa 12:36 sa orasan ng 1st kuwarter.

Na-touchback ang kasunod na kickoff ni Janikowski na sinalo ni CB Antonio Cromartie sa loob ng end zone. Nag-umpisa sa kanilang 20 ang Jets at nakapasok sila sa teritoryo ng Raiders bago napuersang mag-punt si P T.J. Conley. Si Rookie WR [Denarius Mooreinternal-link-placeholder-0]* *ang nag-fair catch sa Raiders 8.

Hindi gumana ang drive ng Raiders kaya nag-punt si P [Shane Lechlerinternal-link-placeholder-0]* *at ibinalik ito sa Jets 29. Sumagot ang Jets ng 71 yarda na drive at tinapos ito ni QB Mark Sanchez ng lumusot siya ng 1-yarda para sa TD at ipinasok din ni Folk ang extra point kaya nagtabla ang iskor sa 7-7 sa 6:37 sa orasan ng 1st kuwarter.

Na-touchback ang kasunod na kickoff ni Folk, pero na-three and out ang Raiders kaya nag-punt si Lechler. Naibalik ito ni Jeremy Kerley ng 49 yarda hanggang sa Raiders 24, at umatake ang Jets sa end zone, pero mabuti na lang at naagaw ni safety [Tyvon Branchinternal-link-placeholder-0]* *ang pasa ni Sanchez sa end zone.

Napuersa ng Jets sa three and out ang Raiders at nag-fumble ang Jets sa pagsalo ng punt. Ang Jets din ang nakarekober sa bola sa kanilang 32, pero dahil sa helmet rule na kapag natanggal ang helmet nang taong nagdala ng bola, ibaba ang bola kung saan ito natanggal, kaya nilagay ang bola sa Jets 21.   

Lumamang ang Jets nang kumunekta ng pasa si Sanchez kay RB LaDainian Tomlinson para sa 18-yarda na TD. Pumasok din ang extra point kaya ang lamang ng Jets ay 14-7 sa 13:24 sa orasan ng 2nd kuwarter.

Ibinalik ni Jones ang kasunod na kickoff sa Raiders 13. Nagmintis si Janikowski ng field goal mula sa 56 yarda at nag-take over ang Jets sa kanilang 46. Pumasok ang Jets sa loob ng teritoryo ng Raiders pero naharang sila ng depensa kaya sumipa si Folk ng field goal sa layong 21 yarda at pumasok ito. Lumamang ng 17-7 ang Jets sa 5:03 sa orasan ng 2nd kuwarter.

Ibinalik ni Jones ang kasunod na kickoff sa Raiders 15. Hinawakan na ni McFadden ang laro nang humagibis siya ng 70 yarda para sa TD. Ang extra point ay pumasok din kaya nabawasan ang lead ng Jets sa 17-14 at meron pang 3:40 sa orasan ng 2nd kuwarter.

Na-touchback muli ang sipa ni Janikowski. Mula sa kanilang 20, nakaisang 1st down lamang ang Jets dahil sa defensive penalty, pero natigil sila ng depensa ng Raiders. Pakasalo ng punt, sa Raiders 14 nag-umpisa ang drive ng Pilak at itim.

Ang ipinasok na field goal ni Janikowski sa layong 54 yarda ang nagtabla sa iskor na 17-17 at nagtapos ang 1st half.

Isang 1st down lamang ang pinalampas ng depensa ng Raiders bago sinunggaban ni DE [Jarvis Mossinternal-link-placeholder-0]*ang QB para sa sack at nabara ang drive ng Jets. At isa pang sack ni LB [Kamerion Wimbleyinternal-link-placeholder-0] *ang tumigil sa sumunod na drive, at dahil sa lakas ng mga depensa ay nagpalitan ng punt ang dalawang team.

Bumalik ang lead sa Raiders nang kumaskas mula sa reverse si rookie WR Denarius Moore ng isang nakakakoryenteng 23-yarda para sa TD. At walang dudang ipinasok muli ni Janikowski ang extra point kaya lumamang ang Raiders ng 24-17 sa nalalabing 40 segundo ng 3rd kuwarter.

Nag-fumble muli ang Jets sa kickoff ni Janikowski at nasikwat ni Jones ang bola sa New York 13. Sa ikalawang play, lumusot si RB [Michael Bushinternal-link-placeholder-0]* *ng isang yarda para sa TD. Ang lamang ng Raiders ay 31-17 at meron pang 14:58 sa 4th kuwarter.

Ibinalik ni Cromartie ang kasunod na kickoff ni Janikowski sa Jets 20. Nagmatigasan ang mga depensa at nagpalitan muli ng punt ang dalawang team. Nakakunekta si Sanchez kay WR Plaxico Burress ng pasa na 17 yarda para sa TD at kasama ang extra point ay nabawasan ang lamang ng Raiders sa 31-24 at meron pang 5:33 ang natitira sa laro.

Iniluhod ni Moore ang nasalong kickoff sa end zone para sa touchback. Sumipa si Janikowski ng 49-yarda na field goal at napatibay ang lamang nila sa iskor na 34-24 sa huling 2:32 ng game.

Naibalik ni RB Joe McKnight ang kickoff sa Jets 42. Sumugod ang Jets at umabot sa Raiders 2, at kahit na 2 yarda na lamang bago sila makaiskor, matinding depensa ang ginawa ng Pilak at Itim at nabigo si Sanchez sa 4th and 2, kaya nag-take over on downs ang Raiders sa kanilang 1 yardline sa kahulihang mga sandali ng game. Inubos na lamang ng Raiders ang natitirang 49 sandali para sa panalo.

Gumana sa 2-1 ang Raiders at kanilang paghahandaan ang New England Patriots sa O.co Coliseum sa darating na Linggo sa Week 4 ng aksiyon sa regular season.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising