Skip to main content
Raiders
Advertising

Raiders sa Linggong Ito

Nanalo ang Raiders TV ng Emmy

Ang Silver and Black Productions, ang departamento ng pam-broadcast ng Oakland Raiders, ay pinarangalan sa ika-39h Annual 2009-2010 Northern California Area Emmy® Awards noong Sabado sa San Francisco. Ang palabas na pinamagatang "[Bruce Gradkowskiinternal-link-placeholder-0]* *Homecoming" ay nanalo ng Emmy® para sa Outstanding Achievement in Sports – Program Feature/Segment. Ito ay ipinalabas sa Linggo 14 ng The Raiders Report noong 2009, at isinalaysay dito ang pagbabalik ni Gradkowski sa sarililng bayan ng Pittsburgh at ang kanyang ipinakitang gilas sa ikaapat na kwarter sa pagwawagi ng Raiders ng 27-24 laban sa Steelers sa Heinz Field. Ang parangal ay tinanggap para sa organisasyon ng Raiders, nina Vittorio DeBartolo at Brad Phinney, mga Executive Producers ng Silver and Black Productions.

Naghandog ang NFL/LISC Grassroots Program at Oakland Raiders ng Grant na $200,000

Naghandog ang National Football League Grassroots Program ng $200,000 na grant at ito ay ini-alay ng Oakland Raiders sa Oakland Parks and Recreation upang malagyan ng synthetic turf field at drainage system ang Sobrante Park. Ang Park ay nagsisilbing pook ng libangan ng mahigit 14,000 na mga kabataan ng East Oakland. "Parating aming ikinagagalak na makasama ang NFL Grassroots Program at LISC sa ganitong kasiya-siyang proyekto na makauunlad sa komunidad at makapagdulot ng magandang pook para sa mga libangang panlabas," sabi ni Amy Trask, ang Punong Tagapangasiwa ng Raiders. "Panalo rito ang kabataan ng Oakland. Kami ay nagpapasalamat sa Raiders sa kanilang malaking pagsuporta sa aming pasilidad-libangan," sabi ng Pangulo ng Oakland City Council na si Jane Brunner.

Mahigit isang milyon na dolyares ang ganitong naii-alay ng Pilak at Itim para sa kabataan. Ang NFL Grassroots Program, na kaugnay ang NFL Youth Football Fund at ang LISC (Local Initiatives Support corporation), ay nakatulong na isagawa o isa-ayos ang mahigit na 225 na putbol field sa buong bansa sa nakaraang 12 na taon.

Nilampaso ng SWARCO Raiders ang Valencia sa quarterfinals ng EFL

Sa kanilang unang laro sa 2010 Eurobowl season, ang SWARCO Raiders, ang kasama sa kalakal ng Oakland Raiders, ay nilampaso ang kampeon ng Espanya, ang Valencia Firebats, sa iskor na 55-13. Datapwa't malakas ang ulan, ay mahigit 4,000 ang nakapanood sa nilarong quarterfinal sa Tivoli Stadium na kung saan nagwagi nang ikapitong sunod-sunod na panalo ang mga Tyrolean sa kumpetisyon ng Eurobowl. Dinala ni RB Tory Cooper ang bola ng 14 beses at kumuha ng 139 yarda at dalawang touchdowns. Nakumpleto naman ni QB Leon Jackson III ang 12 sa 13 na pasa para sa 209 yarda at 3 TD's. Sa susunod na Sabado dadayo ang SWARCO Raiders sa Salzburg Bulls ng Austrian Football League. Sa semifinals ng Eurobowl, lalabanan ng SWARCO Raiders ang Berlin Adler (Hunyo 5 o 6).

Iprinisinta ni Gradkowski ang Award sa isang Estudyante ng Napa High School

Sinorpresa kamakailan ni Oakland Raiders QB Bruce Gradkowski si Michaela, isang mag-aaral ng Napa High School ng iprisinta niya ang Bay Area All-Star Scholarship Award habang nasa klase ito. Taon-taon ay tumatanggap ang Bay Area All-Star Scholarship Program ng mga aplikasyon mula sa siyam na lalawigan ng Bay Area at ngayon taon ay iginawad sa anim na estudyante lamang. Pinili si Michaela ng Raiders para sa award na ito dahil sa kanyang proyektong pangkomunidad na kanyang inumpisahan noong nasa third year siya at kanyang tinawag na Care Compassion and Rejuvenation for the Elderly. Gagamitin ni Michaela ang scholarship sa pagpasok sa Whitman College sa Walla Walla, Washington sa darating na Fall. Tinukoy ni Gradkowski ang mga naisagawa ni Michaela bilang ehemplo sa lahat at upang ipagpatuloy ang ganoong gawain sa kolehiyo at kanya rin sinabihan ang mga kamag-aral na ipagpatuloy ang ganoong gawain pagkatapos ng high school.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising