Raiders Nakahanda nang Mag-"Twitter"
Mayo 27, 2009
Sisimulan ng Oakland Raiders ngayon ang paggamit ng masiglang serbisyo ng Twitter upang ipahayag ang mga balita, notisya ng mga events, mga impormasyon ukol sa organisasyon at kaalamang nauukol sa Bayan ng Raiders kasama na ang mga "tweets" ng mga player at mga coach. Gagamitin din ng Raiders ang Twitter upang ihatid ang mga update ng mga laro pati ang panahon, trapik at mga iskor. Ang Raiders ay kinikilala na lider sa pagpapahayag sa iba't ibang wika sa kanilang malawak na fan base sa buong daigdig at nasisiyang gamitin ang teknolohiyang ito upang maabot ang iba pang fans at mabigyan din ang Bayan ng Raiders nang karagdagang pintuan sa kaalaman. Sinabi ni Amy Trask, hepeng tagapangasiwa na ang Raiders ay talagang nangunguna sa paggamit ng teknolohiya upang makipag-ugnay sa mga fans sa buong mundo at ang Twitter ay isa pang paraan upang marating ang pandaigdigan fan base ng Raiders. Kung nais sundan ang team sa Twitter mag-login lamang sa http://twitter.com/oakraiders o di kaya i-klik ang "Follow us on Twitter" sa mga ads sa Raiders.com.
SWARCO Sinunggaban ang Unang Puwesto
Mayo 26, 2009
Ang SWARCO Raiders, kasama sa kalakal ng Oakland Raiders ay nanalo ng panlimang sunod-sunod na laro kasama rito ang apat na kontest sa AFL. Noong Linggo, tinalo nila ang Turek Graz Giants sa iskor na 56-42. Pinupuri sa magaling na depensa dahil sa 23 puntos lamang ang pinalusot nila sa kanilang nakaraang apat na panalo at ang opensa naman ng SWARCO Raiders ang naging diperensya sa labanan ng dalawang pinakamahusay na team sa Europa. Matapos na magpunt sa unang drive, umiskor ang mga Tyroleans ng mga touchdown sa sumunod na walong posesiyon. Patuloy si quarterback Jason Johnson sa pagtugis ng league MVP nang makumpleto niya ang 17 sa 22 pasa para sa 240 yarda at 6 touchdown, at wala siyang turnover. Nanguna si wide receiver Matt Epperson sa kanyang pitong salo para sa 92 yarda at umiskor ng apat na TD. Malaking sorpresa din ang ginawa ng orihinal na linebacker na si Philipp Margreiter na pansamantalang naglaro bilang running back para sa nasaktang Florian Grein at siya ay nagtapos ng 107 yarda sa 18 na pagdal, at dalawa nito ang umabot ng 32 yarda. Kung magtatagumpay ang Tyroleans sa kanilang panghuling laro sa regular-season laban sa Danube Dragons sa Hunyo 6 sa Tivoli stadium sa Innsbruck, matatamo nila ang first place at meron silang first-round bye sa playoffs. Kapag natalo, ang SWARCO Raiders ay babagsak sa third place.
Pararangalan ng Grambling si Willie Brown
Mayo 22, 2009
Ang Oakland Raiders na assistant coach at Pro Football Hall of Fame na cornerback na si Willie Brown ay itatalaga sa Grambling Legends Sports Hall of Fame sa Hulyo 18. Mula sa opisyal na press release: "Sa mga nakalipas na taon, ang Grambling University (GSU) ay nakapagpatubo na ng mga mahuhusay na manlalaro na nagbigay ng mahalagang gawain sa daigdig ng sports. Ang mga lehendariong manlalaro ay nakapag-set ng maraming mga rekord na hanggang ngayon ay di pa nahihigitan." Ang Grambling Legends Sports Hall of Fame na pinangungunahan ni James "Shack" Harris (naging NFL Pro Bowl MVP) at Doug Williams (naging Super Bowl MVP) ay nangakong isakatuparan na ang mga alaala at gawain ng mga lehendaryong manlalaro ay mananatili ng matagalan sa kasaysayan. Sa Hulyo 18, 2009 ang unang pangkat na 25 lehendaryong manlalaro ay itatalaga sa Grambling Legends Sports Hall of Fame sa Monroe Civic Center sa Monroe, Louisiana.
Katha: DE Trevor Scott
Mayo 19, 2009
Papasok na sa kanyang ikalawang taon sa National Football League sa Oakland Raiders ang defensive end na si Trevor Scott ng Potsdam, N.Y at patuloy na kanyang napapaganda ang kanyang pangalan sa larangan ng putbol. Sa taong nakalipas napantayan niya ang pinakamaraming sack ng quarterback ng mga rookie sa NFL at pinakamarami siya sa team. Umaasa si Scott na sa Raiders ay mas mataas pa ang aabutin niya sa kampanya ng 2009. Siya ay produkto ng University of Buffalo at napili siya sa ika-anim na rawnd sa 2008 NFL Draft ng Oakland Raiders, dahil nakita ang kanyang bilis at liksi sa posisyon ng defensive end. Nag-umpisa si Scott sa kolehiyo sa tight end pero nagpunta siya sa defensive line sa kanyang huling dalawang season sa Buffalo at gumana siya ng 19 sacks at 28.5 tackles na nagbawas, bilang junior at senior. Ang masugid na paggawa ni Scott ay madaling napansin ng mga coach ng Raiders kaya siya ay nabigyan ng maraming playing time kahit na rookie at hindi nagtagal na ang mga kalaban ay napansin si Scott. Kanyang ginawa ang unang dalawang sack sa kanyang karera ng magtagumpay sila sa obertaym laban sa New York Jets noong Oktubre 19, 2008.