Talagang Masaya ang RNC!
Ang Raider Nation Celebration na itinanghal ng Comcast noong Sabado, Agosto 8, ay isa na namang katibayan sa mahigpit na ugnayan ng Oakland Raiders at nang kanilang masugid na fans. Meron sampung libo katao, mula bata't matanda ang dumalo at nagsipagsaya sa buong hapon na kagiliwan sa Oakland-Alameda County Coliseum. Ang mga bata ay nag-enjoy sa Kids Zone sa East Side Club habang ang kanilang mga magulang ay sumubok sa pag-aanunsiyu ng play-by-play ng laro ng Raiders sa Raiders Radio Karaoke. Ilang radyo at TV stations ay nag-pahayag sa mga fans ang iskedyul at programa ng Raiders. Gayundin ang internet department ng Raiders at ipina-alam sa lahat tungkol sa Raiders.com, ang opisyal na websayt ng Raiders at ang Oakland Raiders multicultural department ay meron booth kung saan ang mga fans ay nakatanggap ng impormasyon tungkol sa mga iba't ibang gawain ng Pilak at Itim sa buong mundo. Nakapamili rin ang mga fans ng mga opisyal na bilihin at natatanging mga memorabilia ng Raiders. Sa lahat nito, lalong pinasabik ang Raider Nation upang panoorin ang unang preseason na laro ng Oakland Raiders sa Huwebes, Agosto 13 ng paghahandaan ng Pilak at Itim ang mga Dallas Cowboys sa Oakland-Alameda County Coliseum (ang kickoff ay alas-7 n.g. PT).
Iboto si Nnamdi Asomugha!
Ang Oakland Raiders Defensive Back na si Nnamdi Asomugha ay Kalahok sa Mataas na National Community Service Award
Hinirang ng Oakland Raiders ang defensive back na si Nnamdi Asomugha para sa national Jefferson Award for Outstanding Public Service by an Athlete. Ang award na ito ay itinatanghal ng All Stars Helping Kids, isang nonprofit na pondasyon na itinayo ng NFL Hall-of-Famer na si Ronnie Lott. Ang mga Raider fans ay makakatulong kay Asomugha sa pagboboto sa websayt ng All Stars Helping Kids (www.allstarshelpingkids.org) simula ng buwan ng Agosto hanggang Nobiyembre 15. Maari din mag-text para kay Asomugha ng 'STAR2' at ipadala sa 55333. Kasama ni Asomugha sa mga pagpipilian ang mga magagaling na manlalaro na sina Steve Nash, Mia Hamm, at Venus Williams. Ang mga nakaraang nanalo ng Jefferson Award ay sila Oprah Winfrey, U.S. Senator Ted Kennedy, at Bill & Melinda Gates. Si Asomugha ay masugid na kabalikat ng East Oakland Youth Development Center sa pagbibigay ng mga pangangailangan at ng mga aktibidades para sa mga estudyante. Siya ay nasa Advisory Board Chair ng OWIN (Orphans and Widows in Need Foundation), na nagpapaunlad sa kapakanan ng mga pami-pamilya na Nigerian, at naanyayahan din siya ng 2009 Clinton Global Initiative University na ipalaganap ang kanyang mga butihin gawain. Upang malaman ang kanyang mga serbisyo sa komunidad, basahin ang mga ito sa www.allstarshelpingkids.org. Ipaalam sa inyong mga kaibigan na iboto sya.
Sundan ang Raiders sa Twitter
Ginagamit na ngayon ng Oakland Raiders ang serbisyo ng Twitter upang ihatid ang mga balita, mga anunsyu sa mga events, mga impormasyon tungkol sa organisasayon at mga kaalaman ukol sa Raider Nation, kasama na rin ang mga "tweets" mula sa mga player at coach. Sundan dito ang progreso ng Training Camp 2009. Gagamitin din ng Raiders ang Twitter upang ihatid ang mga bali-balita sa game day, kasama ang panahon, trapik at mga iskor. Sa ganitong kapabilidad, nakakayanang abutin at balitaan ng Raiders ang kanilang malawak na fan base, at maipatuloy ang kanilang pangunguna sa paggamit ng teknolohiya upang maghatid ng kaalaman sa iba't ibang wika sa kanilang pandaigdigang tagasubaybay. Sa mga fans na gustong sundan ang team sa Twitter, maglogin sa: http://twitter.com/oakraiders o di kaya i-klik lang ang "Follow us on Twitter" sa ad sa Raiders.com.
Sumakay ng Tren Papunta sa Raiders Games!
Isinagawa ng Raiders na ang Biyahe sa mga Games ay Mura at Mabuti para sa Kapaligiran
Nakipag-ugnay ang Raiders sa dalawang serbisyo ng transportasyon sa Bay Area upang mapadali at maging mabuti sa ating kapaligiran ang pagbiyahe patungo sa Raiders home games. Una, ang Capitol Corridor ay magbibigay sa mga Raiders fans ng 25 porsiyento na diskwento sa pamasahe sa tren papunta sa Oakland Coliseum sa mga araw ng mga home games ngayon 2009. Dagdag dito, ang unang dalawang bata na kinse anyos o mas bata, na kasama ng isang matanda ay kalahati lamang ang bayad. Pangalawa, ang ACE Train ay mag-aalok ng dalawang value-added na pakete para sa 2009. Sa ACE Train 50 Package ang bayad sa laro ng Raiders laban sa Denver Broncos sa Septiyembre 27, 2009, at ang isang round trip na tiket sa ACE Train at isang meal package na makukuha sa Oakland Coliseum, at ang bayad ng lahat nito ay $50 lamang upang ipagdiriwang ang ika-50 na season ng Raiders sa putbol. Ang ikalawang pakete ay pareho sa una, at libre ang pasok sa mga tailgate experience sa estasyon ng ACE sa Stockton bago lumuwas para sa Coliseum. Ang mga ACE tren na sasakyan ng mga fans ay meron dekorasyon ng Raiders at me kasakay na mga idolo na Raiders at meron pakontest pa kasama rito ang masayang paglalakbay patungo sa Koliseo.
Kung gustong bumili ng tiket ng tren para sa Capitol Corridor ay maglogin sa CapitolCorridor.org at ipasok ang code H811 para sa diskuwentong 25 porsiyento, o di kaya tumawag sa 1-877-RIDECC para sa detalya nito. Ang dalawang pakete ng ACE Tren ay maaring bilhin ng onlayn sa www.Raiders.com/ACE50 at www.Raiders.com/ACETailgate.