Ang Talaan ng Pilak at Itim sa 2009 DraftAbril 23, 2009
Ang 2009 NFL Draft ay gaganapin na hanggang sa Linggo sa Radio City Music Hall sa New York. Hawak ng Oakland Raiders ang #7 overall na seleksiyon sa taong ito. At sa pag-init ng pagpipili, mahigit 250 na mga prospek ang pipiliin ng 32 team ng National Football League. Ang mga nakaraang seleksiyon sa 1st rawnd ng Raiders simula nang pumasok ang bagong siglo ng 2000 ay puro tama dahil lahat sila ay matatag na istarter ng Pilak at Itim. Kasama rito ang tampok na iskorer ng Raiders, si kicker Sebastian Janikowski, ang Pro Bowler na si DB Nnamdi Asomugha, ang bituing quarterback JaMarcus Russell, at ang nadiskubre noong 2008, ang magilas na RB Darren McFadden. Marami napili sa lower rawnd na magagaling din sa field, at kasama rito ang 2nd rawnd pick na si TE Zach Miller, ang 3rd rawnd pick na si Johnnie Lee Higgins na siyang franchise rekord holder sa pagsalo ng punt para sa TD's at si LB Kirk Morrison na siyang tackle lider ng 3 sison, ang natuklasan sa 5th rawnd na naging Pro Bowler si P Shane Lechler, at ang napili sa 7th rawnd na si WR Chaz Schillens, na sa 2008 ay nagpakitang gilas. Masusundan ninyo ang kasiyahan sa draft kung pumasok kayo sa Raiders.com at basahin ang The Raiders Report.
Iskuwelahan ng USA Football Coaching
Abril 22, 2009
Sumama sa USA Football at ang Oakland Raiders para sa isang klinik sa coaching na inilaan lamang para sa mga coach ng putbol para sa kabataan. Alamin ang mga epektibong paraan upang maitatag at mapalaki ang inyong team, maituro ang tamang mga pundamental ng laro, maisagawa ang mga drill at makipag-usap ng mahusay sa mga player, mga magulang at sa ibang mga coach. Nakatakda ang klinik sa coaching sa Sabado, Hulyo 18 sa pasilidad ng Raiders sa Alameda, Calif.
Raiders Facility - 1220 Harbor Bay Parkway, Alameda, CA 94502
07/18/09 sa 7:30 nu hanggang sa 4:30 nh
SWARCO Raiders Pinaamo ang Black Lions
Abril 20, 2009
Pagkaraan na matalo sa unang laro sa sariling istadyum bago dumayo sa labas nang dalawang laban, pinaghusayan ng SWARCO Raiders, kasama sa kalakal ng Oakland Raiders, ang kanilang pagbalik na laro at tinalo ang Carinthian Black Lions 54-7 (6-0; 20-0; 28-0; 0-7). Tumaas ang rekord nila sa 2-2. Nagdominante ang mga Tyroleans sa buong laro, at umiskor ng 54 puntos na di man lang nasagot ng kalaban, at umiskor sila ng 7 TD sa unang pitong hawak ng bola. Nakumpleto ni QB Jason Johnson ang 8 sa 13 pasa para sa 189 yards at 4 na touchdown at walang intersepsiyon. Ang total niya sa sison ay 13 TD at isang intersesiyon. Ang paboritong pasahan ng bola na si WR Andreas Pröller ay nakasalo ng 4 pasa para sa 127 yarda at dalawang 2 TD. Mahigpit ang depensa ng SWARCO Raiders at nakalampas ang kalaban ng 127 yarda lamang sa 62 plays. Si DB Back Markus Krause ay naka-intersep ng dalawang bola at nadala niya ang pagalawa nito para sa TD. Napuersa nila at narekober pa ang isang fumble.