Tinapos na ang NFL Scouting Combine
Ang 2009 Scouting Combine ay winakasan noong Martes sa Lucas Oil Stadium sa Indianapolis. Simula pa noong Pebrero18, daan daang mga manlalaro ng putbol sa kolehiyo na mga prospek para sa NFL ay nagpakita ng kakayahan nila sa mga manager, mga coach at mga scout. Kasama sa kanilang ipinakita sa aktual na paglalaro sa field, ay ay lumahok sila sa pagtakbo ng 40-yard dash, sa kumpletong pisikal na eksaminasyon, sa Wonderlic na eksamen, at sa maraming mga interbiyu ng mga teams at mula sa media. Ang ating coverage ng 2009 NFL Draft ay mag-uumpisa bukas sa paglunsad ng serye ng mga Draft Prospects sa Raiders.com.
Raiders Muling Kinontrata si Nnamdi Asomugha
Muling kinontrata ng Oakland Raiders si Nnamdi Asomugha, ang hinirang na cornerback para sa Pro Bowl. Papasok na sa kanyang ikapitong season bilang propesyonal si Asomugha na napili ng Raiders sa 1st rawnd ng NFL Draft noong 2003. Galing siya sa University of California, Berkeley at ngayon ay kinikilalang pinakamahusay na cornerback sa buong NFL. Ang kanyang pagkahirang sa Pro Bowl nitong nakaraang season ay kanyang pangalawa na sa kanyang anim na taon na karrera.
Raiders Pinapirma Muli si Shane Lechler
Pinapirma muli ng kontrata sa Oakland Raiders si Shane Lechler, na siyang pinakatampok na punter ng NFL ngayon at kinikilalang isa sya sa mga pinakamahusay sa all-time. Ang kontrata niya sa apat na taon ay siyang pinakamalaking ibinigay sa isang punter sa kasaysayan ng National Football League. Katatapos lamang ni Lechler sa kanyang pang-apat na Pro Bowl at siya ay nanguna sa 2008 NFLsa punting average na 41.2 yarda.