Nagpunta si Morrison Sa Thunder Road
Enero 7, 2009
Nagbigay ng inspirasyon si LB Kirk Morrison ng Oakland Raiders nang siya ay bumisita sa Thunder Road Adolescent Treatment Center, isang sentro na meron pagamutan ng mga binatilyong nang-aabuso ng droga sa Oakland, California. Ang Thunder Road ay itinatag noong Enero 1987, upang tulungan ang kabataan at ang kanilang pamilya sa hamon ng paggaling mula sa salot ng alak, droga at nikotina, at masupurtahan sila sa kanilang pagiging malusog, konektado at marangal na miyembro ng komunidad. Ang pagsipot ni Morrison ay kinilala at pinasalamatan nang lahat ng nagsidalo at nakalapit sa kanya. Bilang propesyonal na manlalaro, ang taga Oakland na si Kirk ay isang huwaran sa pagtagumpay sa gitna ng kahirapan. Sa kanyang matiyagang pagtugis ng mga pangarap at pakay sa buhay, naii-ugnay ni Morrison ang sariling buhay sa mga nakikinig sa kanya.
Nagbigay si Stewart ng Hope 4 the Heart
Enero 8, 2009
Ang tight end ng Oakland Raiders na si Tony Stewart ay bumisita sa grupo ng taga-Hope 4 the Heart Foundation sa isang kilalang restawran sa Hayward, California upang tumulong sa pagkolekta ng mga laruan na ibibigay sa Pasko para sa mga batang mahihirap. Si Stewart, kasama ng kanyang dalawang anak, ay bumati sa mga ibang bisita na nagsibigay ng laruan na may katumbas na raffle tiket. Ang premyo sa raffle ay galing sa Raiders kagaya ng mga tiket sa geym. Ang palatuntunang ito ay pangsuporta sa Hope 4 the Heart Foundation na nagbibigay ng pagkain sa mahigit pitong libong mga pamilya at mga basic needs para sa isangdaan na mga organisasyon bawat buwan at mangolekta ng maraming mga laruan sa pasko. Nasunog ang werhouse ng pondasyon noong 2008 at karamihan ng mga nakolektang laruan ay nasira. Masiyang sumama sa pagkolekta si Stewart at umasa siyang gumaya ang iba. Binola ang mga raffle tiket pagkatapos na makolekta ang mga laruan, at ibinigay ang mga premyo saka nag-pose si Stewart sa mga kodakan at nagpirma ng awtograp.
Higgins Nagsalita sa Mga Batang Mag-aaral
Enero 8, 2009
Kamakailan lang, bumisita si WR/PR Johnnie Lee Higgins ng Oakland Raiders sa E.A.G.L.E After School Program sa Grass Valley Elementary sa Oakland, Calif. Mahigit 150 mag-aaral mula kindergarten hanggang sa ika-limang baytang ang dumalo sa palatuntunan. Nagsalita si Higgins sa mga kabataan tungkol sa nutrisyon, sa paggalang sa iba, at ang pagtagumpay sa mga pangarap. Pinasigla niya ang mga kabataan tungkol sa pagiging malusog, wastong pagkain, at ang pag-ensayo ng madalas. Napakasaya ang mga guro at mag-aaral na bumisista siya sa kanila. Sa katapusan ng palatuntunan, pumirma ng awtograp at nag-pose si Higgins sa litratuhan.
Si McCoy Nanalo ng Pambansang Kampeonato
Enero 12, 2009
Tatlumpo at dalawang mga batang mahilig sa putbol na galing sa iba' ibang pook sa bansa, kasama si Michael McCoy ng Santa Ynez, California, (Raiders), ang lumahok sa NFL PEPSI PUNT, PASS & KICK National Finals sa ika-10 ng Enero, sa gitna ng NFC Divisional Playoff Game sa Charlotte, North Carolina. Nanalo si McCoy sa kanyang dibisyon at siya ay kinilala na kasama ng mga ibang mga kampeon na nasyunal sa isang espesyal na paggawad sa kampeonato nila. Ang mga kabataan ay naglabanan sa apat na dibisyon batay sa edad at ang tampok na iskorer sa bawat grupo ay nadeklarang kampeon. Ang bawat kalahok ay sumipa ng isang punt, naghagis at sumipa ng bola at kinuha ang kabuuang sukat. Ang pinakamataas ang iskor sa bawat dibisyon ay ang nahirang na kameon.
Lelie Malaki ang Ginawa
Enero 13, 2009
Nakuhang maglaro sa Oakland Raiders ang beterano si WR Ashley Lelie noong ika-2 ng Septiyembre, 2008. Ang maytaas na 6'3", at timbang na 195-libra ay galing sa Hawaii at matagal ng manlalaro ng Denver Broncos bago siya naglaro ng tig-iisang taon sa Atlanta at San Francisco. Nasalo ni Lelie ang 11 na pasa para sa 197 yarda at umiskor ng dalawang beses sa kanyang unang taon sa Pilak at Itim. Tuwing salo niya ay nangyayari sa napakakritikal na yugto ng laro o di kaya nakatulong sa paggawa ng iskor. Siya ay dating pick sa first round sa 2002 NFL Draft. Sa kanyang unang laro bilang Raiders, ay sumalo agad ng tatlo, kasama rito ang TD na 8 yarda sa Linggo 1 ng 2008 Season laban sa Broncos sa Oakland. Kahit na natigil ang kanyang season dahil sa nasaktan siya, nanguna pa rin si Lelie sa yardage sa bawat resepsiyon ng 17.9 yarda average.