Si Williams at Cooper Nagbasa sa mga Estudyante
Enero 22, 2009
Kailan lang, si LB Sam Williams at LB Marquis Cooper ay bumisita sa Monarch Academy sa Oakland, California na ipinatupad ng Score Learning Center upang maipakita sa mga kabataan na ang pagbabasa ay napakahalaga sa lahat, anuman ang gawain. Parehong bumisita si Williams at Cooper ng tatlong klasrum ng mga ika-2 at ika-3 baytang at sila ay nagbasa ng maikling kuwento sa mga kabataan. Pagkaraan, sila ay nagsalita at naghayag kung gaano kaimportante ang pagbabasa sa kanila. Sinabi ni Cooper na ang paborito niyang libro ay 'Where the Red Fern Grows' at mahalaga ang pagbabasa sa kanyang trabaho dahil kailangan mabasa at maintindihan niya ang pleybuk tungkol sa laro. Pagkatapos na masagot ang mga katanungan ng mga bata, si Williams at Cooper ay pumirma ng mga awtograp para sa mga mag-aaaral. Nag-iwan din sila ng walong Raiders caps na napirmahan, at ibibigay ito sa walong estudyante na nagsulat ng pinakamagandang katha tungkol sa kahalagahan ng pagbabasa.
2009 Senior Bowl Week
Enero 21, 2009
Ang Senior Bowl Week ay nagsimula noong Lunes, ika-19 ng Enero at dalawang araw nang punung-puno ng aksiyon para sa mga 104 na senior sa kolehiyo at tampok na prospek para sa NFL Draft at sa ngayong linggo ay nasa Mobile, Alabama. Inumpisan ng mga players ang linggo sa National Scouting Weigh-In sa Mobile Convention Center noong Lunes. Pagkaraan ay nagtungo sila sa mga fields upang ganapin ang unang praktis nila. Ang South team ay nagpraktis sa Fairhope Municipal Stadium at ang North team ay sa Ladd-Peebles Stadium. Natapos ang araw sa Media Night sa loob ng USS Alabama Battleship Park at dito napayagan ang mga reporter na kausapin ang sinumang manlalaro na kasapi sa Senior Ball. Iba't iba ang hugis at timbang ng mga pleyers, at ang pinakamatankad na player ay si Phil Loadholt ng Oklahoma, sa tayong 6'8". Ang sumunod sa pataasan ay si Herman Johnson ng LSU sa taas na 6'7", pero siya ang pinakamabigat sa timbang na 382 pounds. Noong Martes, lahat ng praktis ay ginanap sa Ladd-Peebles Stadium, ang North team sa umaga at ang South team sa gabi. Ang 2009 Under Armour Senior Bowl ay lalaruin sa Sabado, ika 24 ng Enero sa alas 4:00 n.h. (PT) sa Ladd-Peebles Stadium. Nakatelevise ito sa NFL Network.
Raiders Nagpapalit ng mga Coach
Enero 20, 2009
Si Kelly Skipper, na dating nagturo ng tight ends sa Oakland Raiders noong 2008, ay babalik muli sa coaching staff ng Pilak at Itim sa 2009 bilang coach ng running backs. Si Lionel Washington, na dating cornerback sa siyam na season para sa Raiders noong 1987 hanggang 1994 at 1997, ay magiging coach ng defensive back sa Pilak at Itim. Sa pagtuturo ni Skipper, ang tight end na si Zach Miller ay nanguna sa mga Raiders sa pagsalo ng pasa (56) at sa haba ng salo (778 yarda ) sa 2008. Pangwalo si Miller sa buong NFL. Si Skipper, 40, ay meron 19 taon ng experyensa sa pagiging-coach at nagsilbi na offensive coordinator sa NCAA Division I. Si Washington ay nasa ika-26 taon sa NFL bilang pleyer o coach. Sa Green Bay Packers siya nag-coach ng sampung taon bilang asistant sa pagtuturo ng mga defensive backs. Si Packer cornerback Al Harris at si Charles Woodson ay naka-abot sa Pro Bowl dahil sa pagtuturo ni Washington. Noong 2005, ang pangkat ng defensive back ni Washington ay ang dahilan kung bakit ang Green Bay ay nanguna sa pinakaikling yarda sa mga napalusot na passing (167.5) sa bawat laro at sa pinakakaunting napalusot na first downs (143).