Skip to main content
Raiders
Advertising

Raiders Sa Linggong Ito

Binago ni Janikowski ang Listahan ng mga Rekord
01/7/09

Tatandaan ni Sebastian Janikowski ng Oakland Raiders ang 2008 bilang isang taon na punong-puno ng tagumpay at katuparan sa kanyang siyam na taon bilang manlalaro ng putbol. Sa loob ng isang season, winasak niya ang sariling rekord  (dalawang beses) para sa pinakamahabang field goal sa kasaysayan ng franchise. Ang kanyang 56-yarda na field goal noong ika-14 ng Septiyembre laban sa Chiefs sa Kansas City ang lumampas sa kanyang sariling rekord para sa team. Noong ika-19 ng Oktubre, sinipa niya ang 57-yarda na field goal at nagbigay ng panalo sa obertaym laban sa New York Jets sa Oakland-Alameda County Coliseum at ito ang  pinakamahabang field goal sa kayasayan ng Raiders. Ito rin ang pinakamahabang field goal sa obertaym sa kaysayan ng NFL.
Siya rin ang naging pinakatampok na iskorer sa all-time ng  Raiders, pagkatapos na umiskor siya ng dalawang field goal noong ika-9 ng Nobiyembre laban sa Carolina Panthers upang lampasan si George Blanda (863), ang Pro Football Hall of Fame. Sa katapusan ng season, nalampasan na ni Janikowski ang rekord na (900) sa kabuuang iskor na 905. Siya rin ang may hawak ng rekord sa pinakamahabang tinangka na field goal sa 76-yarda na kanyang sinipa noong ika-28 ng Septiyembre laban sa San Diego Chargers.

Senior Bowl sa 2009
01/24/09

Ang 2009 Senior Bowl ay gaganapin ng alas-3 ng hapon PST sa Ladd-Peebles Stadium sa Mobile, Alabama. Ang palarong putbol na ito ay natatangi sa buong bansa at ito ang pangunahing event bago mag-draft ng mga manlalaro. Kalahok dito ang mga pinakamagagaling na senyor sa mga bituin ng kolehiyo at mga tampok na prospek para sa NFL draft. Ang mga players ay hahatiin sa dalawang team, ang North at South, at ang mga coach dito ay galing lahat sa mga teams ng National Football League.

Ang 2009 NFL Pro Bowl
02/08/09

Ang 2009 NFL Pro Bowl ay lalaruin ng ala-una y medya PST sa Aloha Stadium sa Honolulu, Hawaii. Ngayong taon, ang Pilak at Itim ay magpapadala ng dalawang tampok na manlalaro na istarter sa laro, si P Shane Lechler at CB Nnamdi Asomugha.
Pang-apat na beses nang mapili para sa Pro Bowl si Lechler, na siyang nangunguna sa AFC sa punting sa kanyang average na 48.8-yarda. Ang kanyang net punting average na 41.3 yarda ay nangunguna rin sa AFC at pangalawa sa rekord sa buong NFL. Kay Asomugha, ang kanyang pagkapili ngayong taon ay pangalawang beses na sa kanyang anim na taon sa NFL, dahil sa naging alternate na siya sa 2006 Pro Bowl. Nangunguna siya sa Raiders sa mga nadepensahang mga pasa (siyam) sa taong 2008 at meron na siyang sampung intersepsiyon kasama ang intersepsiyon noong ika-9 ng Nobiyembre laban sa Carolina Panthers. Napili na ng168 na beses ang mga Raiders para sa Pro Bowl mula sa 57 iba'tibang mga player simula pa noong magsama ang AFL-NFL noong 1970.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising