Skip to main content
Raiders
Advertising

Recap ng Raiders 2010 Draft

Draft_2010_75th_horz-A-450.jpg


Ang Oakland Raiders ay kumuha ng siyam na magagaling na prospeks mula sa 2010 NFL Draft. "Pumili kami sa draft ng mga nakabubuti sa aming team," sabi ni Tom Cable, na ngayon ay papasok na sa kanyang pangatlong season bilang head coach ng Raiders. "Palagay ko ang pinakaimportante ay napabuti namin ang team at napuno naming ang mga maraming kakulangan namin at sa isip ko ganyan ninyo dapat ikategorya ang draft, na ito ay isang pagpupuno nang kakulangan ng Oakland Raiders."

Sa Day One ng NFL Draft ay ginanap sa kaunaunahang pagkakataon ang unang rawnd sa prime time ng telebisyon. Pinili ng Raiders sa pangwalong pick si LB [Rolando McClaininternal-link-placeholder-0]* *na galing sa Alabama. Siya ay lider ng Crimson Tide na naging kampeon ng 2009 National Championship at nagtamo siya ng Butkus Award sa nakaraang season, na iginagawad taon-taon sa pinakamagaling na linebacker ng mga kolehiyo sa buong bansa.

Sa Day Two ng NFL Draft, sinimulan ng Raiders ang tatlong araw na negosiyasyon, at dalawang ulit na ipinagpalit ang kanilang pang-39 na seleksiyon upang makakuha ng karagdagang seleksiyon sa mga nahuhuling rawnd. Sa pang-44, nabingwit ng Pilak at Itim si defensive lineman [Lamarr Houstoninternal-link-placeholder-0]* *mula sa Texas. Ang mahusay na taga-Houston ay naging istarter ng Longhorns ng 33 beses, 20 beses bilang defensive tackle at 13 beses sa defensive end.

Natapos ang Day Two na tangay ng Raiders si tackle [Jared Veldheerinternal-link-placeholder-0]* *sa ikatlong rawnd, pang-69th overall. Si Veldheer, ay isang Division II All-American ng Hillsdale College sa Michigan, at may taas na 6-8 at kanyang ipinamalas ang kahusayan niya laban sa pinakamagagaling na prospeks ng mga kolehiyo sa palaro ngTexas vs. The Nation All-Stars.

Sa Day Three ng NFL Draft, ang Raiders ay nagdagdag ng anim na manlalaro sa loob ng apat na rawnd, kasama rito ay tig-dadalawang manlalaro sa ika-apat at sa ikapitong rawnd.

Dinagdagan ng Pilak at Itim ang lalim ng kanilang opensa nang kanilang unang piliin sa ika-apat na rawnd si [Bruce Campbellinternal-link-placeholder-0]* *ang tackle mula sa Maryland. Si Campbell, na nakuha bilang pang-106th overall, ay nag-aari nang mahusay na kumbinasyon ng laki at bilis, at ito'y pinakitang-gilas sa NFL Combine noong Pebrero.

Nakuha ng Raiders ang pang-108th overall pick sa pakikipagpalitan sa Jaguars at tinapos nila ang ika-apat na rawnd ng piliin si WR [Jacoby Fordinternal-link-placeholder-0]* *ng Clemson. Ang magaling na playmaker ay gumawa ng mga rekord sa all-purpose yardage sa kolehiyo, at nagpakahusay siya bilang pass receiver, rusher at returner.

Sa ikalimang rawnd,nakuha ng Raiders si cornerback [Walter McFaddeninternal-link-placeholder-0]* *ng Auburn. Si McFadden ay nahirang na pang-138th overall pagkatapos na naging istarter sa kanyang huling 25 na laro sa Auburn. Ang kapatid ni McFadden na si Bryant, ay limang taon na beterano sa NFL .

Ang Oakland ay nagdagdag-lalim din sa mga linebacker nang piliin sa ika-anim na rawnd (pang-190 overall) si Travis Goethal ng Arizona State. Ang dating Sun Devil ay istarter ng tatlong taon sa ASU, at nagtamo ng All-Pac-10 honorable mention honors bilang senior sa kolehiyo.

Kumuha pa ang Raiders ng dalawang defensive back sa ikapitong rawnd, nang piliin nila si cornerback [Jeremy Wareinternal-link-placeholder-0]*ng Michigan State sa pang-215th overall at si safety [Stevie Browninternal-link-placeholder-0] *ng Michigan sa pang- 251st na seleksiyon. Si Ware ay naglaro ng 25 career games at 16 beses na istarter para sa Spartans, samantalang si Brown ay naging istarter sa posisyon ng safety at linebacker sa kanyang karera sa kolehiyo.

Ang tutal na ani ng Pilak at Itim sa 2010 draft ay anim na manlalaro sa depensa at tatlong manlalaro sa opensa. Sa grupong ito ay kasama ang tatlong defensive back, dalawang linebacker, dalawang tackle, isang defensive lineman at isang wide receiver.

Ang siyam na manlalaro ay ang pinakamaraming na-draft ng Raiders mula noong 2007 nang kanilang nai-draft ang 11 na manlalaro.

Dagdag dito, nakuha rin ng Raiders si LB [Kamerion Wimbleyinternal-link-placeholder-0]**mula sa [

**](http://www.jaguars.com/) kapalit ng mga seleksiyon sa mga naging negosyasyon bago nag-umpisa ang 2010 draft.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising